Chapter 11
Hellishly Kaye Carion's POV
"Kringgggg!" "Kringgggg!"Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock pagtingin ko 7am pa 8:30 kasi ang pasok. Bumangon na ako at pumasok sa cr para maligo.
After 20yrs charrrr haha after 20min. lumabas na ako ng cr at kinuha ang uniform ko sa closet. Yung uniform ko katulad lang din ng iba di mahaba din din naman masyadong maikli.
Pagkatapos kong magbihis hinanap ko na ang salamin ko wala namang grado toh eh diba nga magdidisguise ako.
Pagkatapos humarap ako sa salamin sh*t mukha akong sexy na nerd kinuha ko na ang bag ko at ang wattpad books na di ko pa tapos basahin ang ganda kaya nito.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Naabutan ko naman silang lahat dun at ako nalang ata ang iniintay.
"Good morning mom/dad/kuya's/ate," Ani ko bago sila hinalikan sa pisngi.
"Good morning too anak/sweetie/bunso/princess/baby sis," sabay din nilang bati sakin. Tiningnan naman ako ni ate mula ulo hanggang paa.
"Bunso nerd ka nga-- pero sexyng nerd hahaha," napasimangot naman ako bago umupo sa tabi ni kuya Herron.
"Nga pala sweetie mag iingat ka dun okay wag ka basta magtitiwala sa mga tao dun hindi yun basta bastang university lang," Paalala ni dad sakin. Tumango naman ako.
"Noted dad!"
Nagsimula na kaming kumain. After 5min. nagsitayo na kami kasama sina mom. Pupunta kasi si mommy sa office tas si dad naman pupunta ata sa organization nila.
Isang sasakyan lang ang ginamit namin nina kuya. Si kuya Herron ang nagdadrive. Nakatingin lang ako sa labas habang tinatahak namin ang daan papuntang school.
Napansin ko na malapit na kami sa gate. Agad kong sinabihan sa kanya na ihinto ang sasakyan.
"Bakit mo pinahinto bunso?" Tanong ni ate sakin na nasa tabi ko lang.
"Nagdidisguise ako diba? Dito nalang ako tyaka walang dapat makakita satin na magkasama," napabuntong hininga naman sila.
"Fine pero kakaibiganin ka namin para makasabay ka samin pagkakain okay?" Tumango nalang ako sa sinabi ni kuya at hinalikan sila isa isa sa pisngi bago bumaba. Nilabas naman ni ate ang ulo niya habang nakangiti ng nakakaloko.
"Nga pala bunso wag mong asahan na di ka suaundan ni Hideo kahit saan hahaha bye," natatawang ani niya bago sinarado ang bintana. Kumaway nalang ako sa kanila ng magsimula ng umandar ang sasakyan.
Bumuntong hininga muna ako bago nagsimulang maglakad. Sana lang walang mambubully sakin dun haist. Nang makarating ako sa gate hinarangan ako ng dalawang guard.
"Miss ID mo?" Ani ni manong guard namis ko tuloy yung guard sa dati kong school. Agad ko naman pinakita sa kanya tumango lang siya kaya naglakad na ako papasok.
Malapit na ako sa entrance ng makarinig ako ng mga tilian nakita ko naman na nasa gitna sila kuya at ang mga kagrupo niya. Tapos si H-hideo na may dalang bouquet of flowers habang luminga linga. Teka bouquet of flowers? May iba ba siyang nililigawan ay tanga ka self malamang para sayo yun.
Pumunta na ako sa entrance at sa gilid ako dumaan para di nila ako makita pero sobrang malas ko talaga. May tumawag sakin at alam kong si Hideo yun.
Lumingon naman ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti na pumunta sa kinaruruonan ko. Nasa akin pa lahat ng mata may kinikilig, naiingit, naiinis, galit, at nandidiri. Haist panigurado may bubully na naman sakin.
"Kanina pa kita inaantay-- nga pala para sayo," Ani niya bago inabot sakin ang bouquet of flowers. Alanganin naman akong ngumiti bago kinuha ang bouquet of flowers.
"Ahh ano late na ako oo late na ako sige bye Hideo," Ani ko bago tumakbo papasok ng school narinig ko pa ang pagtawag niya pero di ko na yun pinansin at patuloy lang sa pagtakbo.
Nang makalayo ako sa kanya o sa kanila huminto ako at napahawak nalang sa tuhod habang naghahabol ng hininga.
Nang maging okay ako nagsimula na akong maglakad para hanapin ang D.O pero kanina pa ako palakad lakad dito di ko makita. Nahihiya naman akong magtanong sa mga studyante na nadadaanan ko sobrang sama kasi ng tingin nila sakin lalo na at hawak ko pa din ang bouquet of flowers haist.
May nakita naman ako nerd katulad ko pero siya totally talaga na nerd manang manuot at may malaking salamin din tapos buhaghag ang buhok ganyan din ako dati eh.
Agad akong lumapit sa kanya nagulat naman siya at nakita ko agad ang takot sa mga mata niya. Tatakbo na sana siya ng hawakan ko siya sa braso niya.
"Teka lang miss magtatanong lang ako di kita sasaktan," mahinahong saad ko habang nakatingin sa kanya. Tiningnan niya naman ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Agad ko namang binitiwan yun.
"Pwede mo bang ituro sakin kung saan ang D.O kanina pa kasi ako naghahanap pero di ko makita," Ani ko habang nagkakamot sa ulo. Nawala naman ang takot sa mga mata niya.
"Ahh yung D.O ba? Tara sumunod ka sakin," Ani niya. Napangiti naman agad ako at pinulupot ang mga braso sa braso niya nagulat pa siya pero nginitian ko lang siya. Madami ngang nandidiri na nakatingin samin eh at nagbubulungan pa tulad ng-.
"Ewwww tingnan mo magkasama pa talaga ang dalawang nerd."
"I thought ang university na toh para sa mga mayayaman lang bat may mga basura na nakapasok."
"Sh*t bro ang sexy sana kaso nerd," at iba pa tsk. Di nalang namin pinansin yun at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nakarating kami sa isang pinto pagtingin ko sa taas may nakasulat na Dean Office.
"Sige dito nalang ako iintayin nalang kita dito btw ako pala si Herliah just call me Liah," nakangiting sabi niya bago inabot ang kamay. Tinanggap ko naman ito.
"Call me Kaye. Tara samahan mo nalang ako sa loob baka may mambully pa sayo dito eh," Ani ko habang nakatingin sa mga studyante na dumadaan at sinasamaan kami ng tingin.
Nagdadalawang isip pa siya pero kalaunan ay tumango na din siya. Kumatok na ako sa pinto at maya maya may nagbukas nito at si Vleen?eh?

BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romans-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...