Chapter 31

36 2 0
                                    

Chapter 31
Hellishly Kaye Carion's POV
"Owwwss sorry kala ko kasi basurahan,"Inosenteng ani niya. Kinuha ko naman ang juice na iniinom ni Liah kanina at binuhos sa kanya.

"owsss sorry kala ko din kasi masura eh,"Inosente ko ding sabi sa kanya na kinausok ng ilong niya. Nagulat naman ako ng kumuha siya ng gunting at sinugat-sugatan ang sarili niya bago nilagay sa kamay ko ang gunting kasabay nun ang isang malamig na sigaw.

"Ano na naman ginawa mo sa prinsesa namin?"Malamig na sabi ni kuya Hellion. Nakangiti ko naman silang hinarap at yayakapin na sana ng bigla lang nila akong nilampasan at pumunta kay farah. Nag aalala nila itong tiningnan ng makita nila ang mga sugat ni Farah agad nila akong tiningnan ng matalim.

"Ano na naman ang ginawa mo sa prinsesa namin?" Tiim bagang na sabi ni kuya Herron sakin habang sina kuya Hellion at Kuya Heirron walang emosyon lang na nakatingin sakin.

"Wala akong ginawa sa kanya siya mismo ang gumawa niyan sa sari-"

"PAK!" di ko natapos ang sasabihin ko dahil sinampal agad ako ni Ate. Napatayo naman sina Hideo at nilapitan ako.

"At magsisinungaling ka na naman! Kitang kita naman na ginawa mo yon nasa kamay mo pa nga ang gunting na ginamit mo para lang sugatan siya.Alam mo nagsisi talaga ako na kinampihan kita dati. Tama nga sila sobrang mapagpanggap ka!" Sigaw ni Ate sa pagmumukha ko. Feeling ko anytime tutulo na naman ang luha ko pero hindi pwede ayokong maging mahina sa harap nila.

"Ate tatanungin kita, Asan na yong mga pangako mo? Asan na yong ateng nagpangako sa akin na poprotektahan ako kahit anong mangyari? Asan na yon? Wala na sumama na sa bitch na Farah na yan siya nalang lagi ako ang kapatid niyo pero iba ang kinakam-"

"Dahil mali na ang mga ginagawa mo!"Putol ni Ate sa sasabihin ko. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Asan ang mali dun ate! Ang pananakit sa kanya na ni minsan di ko ginawa?"

"Wag ka na magsinungaling bitch!"Sabat naman ni Kuya Hellion. Mapait naman akong ngumiti bago hinarap sina Hideo na nag-aalalang nakatingin sakin.

"Tara na,"Mahinang sabi ko. Tumango naman sila bago lumapit si Hideo sakin at pinulupot ang mga braso sa bewang ko. Lalakad na sana kami ng-

"Hideo hanggang kailan ka matatauhan gaano mo ba kamahal ang bitch na yan para palagi kang bumuntot sa kanya,"Malamig na saad ni Kuya Herron. Agad humiwalay si Hideo sakin at bigla nalang hinarap si Kuya Herron at sinuntok.

"Babe tama na!"Sigaw ko bago siya niyakap. Malamig niyang tiningnan si Kuya Herron.

"Subukan niyo ulit tapunan siya ng mga masasamang salitan ako na makakalaban niyo!"Madiing sabi ni Hideo. Pinatayo naman nila kuya si Kuya Herron napasalampak kasi ito sa sahig pagkatapos suntukin ni Hideo.

"Hahaha so nabilog na ng babaeng yan ang utak mo? Diba dapat samin ka maniwala? Kami ang kasama mo simula pagkabata tas siya kakakilala mo pa lang seriously Hideo?"Di makapaniwalang saad ni kuya Heirron. Ngumisi naman si Hideo.

"Wala sa tagal ng pagsasama para lang pagkatiwalaan ang isang tao at Oo mas kilala ko kayo kaya nga nadissapoint ako eh hahaha btw kakalas na ako sa grupo ayoko magkaroon ng mga kagrupo na uto-uto iyang dalawang bitch na yan ang ipalit niyo sakin tsk,"Ani ni Hideo bago ako hinatak palabas ng cafeteria.

Herliah Rostic's POV
"Owwwsss nawalan ng isang kaibigan,"Ani ko sa kanila habang pekeng nasasaktan with matching hawak pa sa dibdib. Tiningnan naman nila ako ng masama pero ngumisi lang ako.

"Hintayin niyo lang ang pagbabalik namin dahil sisiguraduhin namin na luluhod kayong lahat samin lalo kana Farah the bitch,"Nakangising sabi ko.

"You bit-

"Bye!"Putol ko sa sasabihin ni Hellion at lumakad na palabas ng cafeteria. Duhhhh di ko na siya mahal noh kasi sabi ni Kaye may bagong fafa daw siya na ipapakilala sakin kyyyaaaaaa excited na ako.

Parang bata pa ako na tumatalon talon sa hallway habang tumatakbo. Madami pang nakatingin sakin at makikita mo sa bata nila na nababaliw na daw ako. Hanggang sa napunta sa bulungan.

"Tingnan mo si nerd oh mukhang baliw hahaha."

"Anong mukha ka diyan. Baliw na talaga yan hahaha."

Aba kong pag-untugin ko kaya sila tsk total di pa naman time punta nalang ako sa likod ng school mabuti pa dun magiging tahimik ang buhay ko. Di katulad dito nakakalat ang mga alagan ng palaka kokak pa ng kokak di naman umulan diba guys? Diba pag umuulan lang sila umingay bat dito ket di umuulan nag iingay sila?hhmm.

Nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo papuntang likod ng school. Pagdating ko dun agad akong umupo sa ilalim ng puno nga pala nag iisang puno ang ang nandito.Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ang chocolate yummy kyaaaaaa. Ninanamnam ko pa ang sarap ng chocolate habang nakapikit.

"Psh baliw,"Napamulat ako sa mata ng may malamig na tinig akong narinig na nagsalita. Luminga linga ako. Wala naman ah.

"Sino yan?"Sigaw ko pero walang sumagot baka naman guni
-guni ko lang yun. Tama tama tumango tango pa ako.

"Baliw talaga,"Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa may nagsalita na naman. Luminga linga ako wala naman ah. Di kaya may m-multo dito? Nanginig naman ako dahil sa ideyang baka may multo talaga dito.

"Hoyyy sino ka ba bat ayaw mo magpakita? Di ka naman m-multo diba?"Natatakot na sigaw ko. Whaaaaa kala ko pa naman matatahimik buhay ko dito wala ngang mga palaka- Multo naman ang meron.

Lord ano ba naman toh huhuhu kailan ba tatahimik ang buhay ko.Patuloy pa din akong luminga linga baka sakaling meron akong makita pero wala talaga eh.Multo na talaga yon whaaaaaa ayoko na sa earth pero- san naman ako pupunta? Ayoko sa mars walang fafa dun. Napasimangot naman ako hhmm kong sa mercury nalang kaya ako- ayyy tanga mo self mamamatay ka dun.

"Hoy!"

"Ay kabayong palaka!"Tili ko ng biglang may tumalon sa harap ko. Masama ko naman itong tiningnan pero agad din nawala ng makita ko na FAFA pala ito kyaaaaaaa. Pero NO ginulat niya ako.

"Ang ganda mo sana baliw nga lang."

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon