Chapter 19

28 2 0
                                    

Chapter 19
Hellishly Kaye Carion's POV
Panibagong araw na naman at may klase na. Tumayo na ako at pumasok sa cr para maligo. Nang matapos akong gawin lahat ang morning routine ko bumaba na ako.

Nakasalubong ko pa si manang. Ngumiti lang siya bago yumuko at naglakad ulit napailing nalang ako sinabihan ko na siya na wag yuyuko sakin eh hhmmp.

Pagdating ko sa dinning kompleto na sila andito din ang kagang nila kuya syempre kasama ang baby ko. Ako nalang ata ang hinihintay.

"Good morning guy's," Ani ko bago lumapit kina mom at sa mga kuya ko then hinalikan ko sila isa isa sa pisngi.

"Good morning sweetie,anak,bunso,lil sis, princess,Kaye, babe!" Sabay na wika nila ngumiti Lang ako bago umupo sa tabi ni Hideo.

Nagsimula na kaming kumain tanging mga kubyertos Lang ang ingay dito sa dinning ng biglang magsalitan si Mom na kinatigil ko.

"Anyway Hideo narinig ko na babalik na si Farah tama ba?" Ani ni mom. Tumango tango naman si Hideo.

"She's your first love right?" Ani ni Dad na matalim na nakatitig kay Hideo.

"Yes, but don't worry Tito matagal na akong nakamove on bago ko pa makilala si Kaye. Alam kong iniisip niyo na baka di pa ako nakamove on at makipaghalikan ako kay Farah, nagkakamali po kayo Tito God knows how much I love your daughter at handa ko siyang ipaglaban sa kong sino man ang hahadlang sa relasyon namin," Mahabang salaysay ni Hideo Kong wala lang siguro si dad kanina pa pumalakpak ang dalawang nasa harap ko Sino pa ba edi si Vleen at Aiser.

"Good to hear that," Malamig na wika ni dad pero di na matalim ang tingin niya Kay Hideo kaya nakahinga Naman ako ng maluwag.

Natapos na kami at sabay kaming lumabas ng mansion sa kotse ako ni Hideo sumakay syempre baby ko siya haha. Habang tinatahak namin Ang daan papuntang university btw guys nerd pa din ako.

"Grabi kinabahan ako kanina sa Daddy mo," Biglang sabi ni Hideo. Kumunot Naman Ang noo ko. Kinabahan pa siya sa lagay na yon?

"Seriously babe? Kinabahan ka pa sa lagay na yon? Di ka din nga nagkandautal utal eh."

"Eh syempre nilabanan ko Ang kaba ko para masabi yon sa dad mo," Ani niya bago hinawakan Ang kamay ko.

"Pero babe totoo naman ang sinabi mo diba? Nakamove on kana," Ani ko. Napatigil naman siya bago sandali akong nilingon at nginitian habang pinipisil Ang kamay ko na hawak niya at tumingin ulit sa daan.

"Totoo yon nakamove on na talaga ako kaya wala Kang dapat ikabahala okay? Sayo na ako," Ani niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya at least napanatag ang loob ko.

Sa wakas nakarating na din kami sa university nakita Naman namin sina kuya na nag aantay sa entrance andami ding studyante. Binagbuksan naman ako ni Hideo ng pinto.

Paglabas ko bulungan na naman ito lagi ang sumasalubong sakin di ko nalang sila pinansin. Hinawakan ni Hideo Ang kamay ko bago kami sabay na lumapit kina kuya.

Nagtitili na naman ang mga studyante dito haist di ba sila nauubusan ng boses maya maya pa biglang may dumating na pulang kotse at bumaba ang napakagandang babae. Napansin kong napasinghap ang iba Ang iba naman nakangiti.

"Shit bumalik na talaga si Farah."

"Oo nga mas lalo siyang gumanda."

"Hahaha lagot na si nerd sigurado ako na babawiin ni Farah si Hideo sa kanya."

"Yeah right girl hahaha di hamak na mas maganda si Farah sa kanya haha sexy lang naman siya pero Ang panget ng mukha."

"Girl tingnan mo si Hideo nakatulala yieeeeee siguradong may feelings pa siya kay Farah," Agad naman akong Napatingin kay Hideo Tama nakatulala siya at humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya bigla ko itong tinapik. Nagulat naman siya at napatingin sakin.

"Sabi mo wala ka ng feelings sa kanya? Bakit parang natulala ka ng makita mo siya?" Kinakabahang Ani ko.Natatawa niya namang kinis ang noo ko.

"Di naman siya tinitingnan ko si Liah tiningnan mo look," Agad naman akong napatingin sa tinuro niya na nasa likod ni Farah andun nga si Liah kasama ang nanay niya. Hinatid ata siya ng nanay niya.

"Mamaya kwento ko sayo buhay namin okay para di kana maguluhan,"Ani niya habang nakangiti at pinisil ang ilong ko. Napanguso naman ako. Nang biglang may tumulak sakin palayo niyakap si Hideo.

"Babe imissyou," Ani ni- teka di ko napansin na nakalapit na pala siya samin. Agad naman siyang tinulak ni Hideo na kinagulat niya.

"Pwes Hindi Kita namis," Malamig na wika ni Hideo bago lumapit sakin.

"Babe Naman alam Kong namis mo ko nakita pa nga kita tinuro mo ako kanina at alam kong kinukwento mo sa kaibigan mo," Ani niya bago tumingin sakin at pinulupot pa talaga ang kamay niya sa braso ni Hideo na kinainit ng ulo ko.

"Excuse lang miss ha! Hindi ako kaibigan ni Hideo," Madiing Ani ko bago siya tinulak palayo kay Hideo kaya napabitaw siya.

"Gf niya ako Hindi kaibigan at ayoko sa lahat hinahawakan ang pagmamay ari ko," Ani ko habang matalim na nakatingin sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"No! Babe Hindi totoo ang sinasabi niya diba? Babe Sabi mo aantayin mo ko pero bakit naghanap ka ng iba?" Pasigaw na ani niya. Tiningnan naman siya ni Hideo ng malamig bago nagsmirk.

" Ikaw ang unang nagloko diba? Bakit tingin mo ba di ko kayang magmahal ng iba? Pwes ito Ang patunay at nga pala matagal na akong nakamove sayo bago ko pa makilala Ang baby ko ngayon,"Malamig na Ani ni Hideo bago pinulupot ang kamay niya sa bewang ko.

"Poor Farah," Pang aasar ni Ate sa kanya na agad namang inawat ni Vieen. Nga pala sila na din ni Vleen nauna lang sila samin.

"Tara na babe ayokong makipag usap sa taong manloloko alam mo na,"Ani ni Hideo bago tiningnan si Farah mula ulo hanggang paa at nagsmirk.

"Tama tara na baka mahawaan pa ako dito sa amoy na kumakalat," Ani ni Ate. Alam Kong si Farah ang pinaparinggan niya. Napailing nalang ako bago kami humakbang paalis. Pero bago yon nakita ko pa na masama ang tingin ni Farah sakin.

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon