Chapter 8
3rd Person's POV
Kakatok na sana sila merco ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat naman si hell ng makita sina merco."Oh kuya merco bakit kayo nandito? May kailangan ba kayo?"
"Ahhmm princess pwede ka ba naming makausap?" Ani ni merco.
"Oo naman tara pasok kayo," ani ni hell bago mas binuksan ang pinto para makapasok sina merco.
Agad namang pumasok sina merco at umupo sa sofa na nasa loob ng kwarto ni hell.
"So kuya bakit niyo ko gustong makausap?" Saad ni hell habang nakatingin sa harap kong saan nakaupo sina merco.
"Ahhmm princess magpapaalam lang sana kami."
"Magpapaalam? Bakit saan ba kayo pupunta kuya?" Ani ni hell na may pagtataka sa mukha.
"Babalik na kami sa states ishly di pa kasi tapos ang training namin at sinabi namin sa magulang namin na mabilis lang kami aattend lang kami ng birthday mo," malungkot na saad ni Hime. Bigla namang napayuko si hell.
"Akala ko di na kayo aalis," may lungkot na wika ni hell.
"I'm sorry princess wala talaga kaming choice eh," pinahidan ni hell ang luhang kanina pa pala tumutulo bago inangat ang tingin at tiningnan sina merco habang nakangiti.
"Okay lang po mga kuya ate at least nakapunta kayo sa birthday ko diba kahit malayo di kayo nagdalawang isip na pumunta dito para lang umattend ng birthday ko." Saad ni hell habang may matamis na ngiti sa labi.
Napangiti naman ang lima bago lumapit kay hell at mahigpit nila itong niyakap.
"Di na namin kailangan mag alala sayo andyan na ang mga kuya mo para ipagtanggol ka may ate kana din," nakangiting saad ni Hime.
"Oo nga ishly pero sana wag mo kaming kakalimutan ah," nakapout na sabi ni Aeron. Napatawa naman si hell bago bumitaw sa yakap nila.
"Bat ko kayo makakalimutan? Kayo kaya ang kauna unahang mga naging kapatid ko,"natatawang wika ni hell. Nagkatinginan naman ang lima.
"Iloveyou ishly, princess, hell!" Pasigaw na wika nilang lahat. Nagulat naman si hell sa pagsigaw ng lima pero agad din siyang nakabawi at ngumiti ng matamis.
"Iloveyoutoo guys!"nakangiting wika ni hell. Nagyakapan ulit sila habang tumatawa at dahil na naman kay aeron na isip bata.
Habang masayang nakikipagtawanan si hell sa lima Hindi nila napansin na kanina pa pala may nakatingin sa kanila na may selos na nakaukit sa mga mata ng bawat isang nakasilip sa pinto.
Naririnig din nila ang usapan ng anim na nasa loob ng kwarto. Naiingit sila sa dark dragon gang kasi mas naunang nakasama ni hell ang lima bago sila.
At mas close din si hell sa dark dragon gang kesa sa kanila. Nag gesture naman si Hellion na umalis na sila.
Umalis na sila sa labas ng pinto ni hell at bumaba na balak sana nilang magsorry pero yun ang naabutan nila kaya di nalang sila tumuloy.
-
Natapos na ang party kay nagsiuwian na ang mga bisita kasama ang dark dragon gang.Nasa kwarto naman si hell nagpapahinga habang iniisip ang mga nangyari noon sa kanya simula sa school at sa bahay ng tita niya.
Nang pumasok sa isip niya ang tita niya napabangon siya agad at napaisip ulit hindi naman ganun dati ang tita niya oo sinisigawan siya nito pero ni minsan di siya nito sinaktan physically.
"Alam kaya ni tita na yun ang araw na kukunin na ako nila mama dun kaya niya ako sinaktan," mahinang bulong niya sa hangin habang nakatulala.
Di niya naman napansin ang pagpasok ni Hideo sa kwarto niya. Lumapit si hideo sa kanya at kinaway kaway ang kamay sa harap ni hell pero di pa din siya nito napapansin.
Kaya minabuti niya nalang na hayaan at humiga sa kama habang nakatingin Kay hell na tulala pa din.
"Ano kaya iniisip nito," nakakunot noong saad ni hideo.
Makalipas ang ilang minuto nagising na din si hell humiga siya ulit sa kama niya ng may maramdaman siya sa gilid niya napalingon naman siya ng makita niya na nakahiga sa tabi niya si hideo.
Bigla nalang siyang bumangon ulit at malapit pang sumumsob ang mukha niya sa sahig. Mabuti nalang agad siyang nahawakan ni hideo sa bewang kaya di siya nahulog ng tuluyan.
Paglingon niya 1inch nalang ang pagitan ng mga labi nila nanlaki naman ang mata ni hell at agad tinulak si hideo sa kasamaang palad nasama siya sa paghiga ni hideo.
Nasa ibabaw siya ni hideo habang magkadikit ang kanilang mga labi nasa mga bewang niya ang kamay ni hideo at ang isang kamay naman nito unti unting nilagay sa likot ng ulo niya.
Nagulat siya ng gumalaw ang labi ni hideo nadala nadin siya kaya nilabanan niya ito kahit di siya marunong minabuti niya pa ding makipagsabayan kay hideo.
Nagbabadya namang pumasok ang dila ni hideo Wala naman siyang pagdadalawang isip na pinapasok ang dila ni hideo.
Habang busy sa paghahalikan ang dalawa di nila napansin na pumasok sina Hellion kasama sina Vieen at ang ate niya na nanlalaki ang matang nakatingin sa kanilang dalawa. At dahil nga may kasama silang isip bata.
"Hoyyy ano masarap ba?" nakangising wika ni Vleen. Agad namang napabalikwas ang dalawa agad na tumayo si hell at nahihiyang nakatingin sa mga kuya niya at kabarkada nito.
Di din siya makatingin kay hideo sinisisi niya ang sarili niya bakit siya pumayag makipaghalikan sa hindi niya pa kilala. Malamig silang tiningnan ng tatlong kuya niya habang ang iba nakangisi lang.
"Hideo explain!" May diing Sabi ni Hellion.
"Di ka pa nga nanliligaw sa bunso namin hinalikan mo na," malamig na sabi ni Herron.
"At baby sis bakit pumayag ka makipaghalikan sa gunggong na toh," ani ni heirron na malamig ding nakatingin sa kanila.
"A-ahhmm mga kuya kasi," di makatingin si hell sa mga kuya niya at nag iisip din siya kung anong ipapaliwanag niya sa mga kuya niya. Di niya maipagkakaila na nagustuhan niya din ang halikan nilang dalawa ni hideo.
Natatakot siya dahil sa mga tingin ng tatlong kuya niya ang ate niya Naman nakangisi lang habang nakatingin sa kanya parang sinasabi na proud siya kay hell kinindatan pa siya nito habang kinikilig.
![](https://img.wattpad.com/cover/277221466-288-k271754.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romance-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...