Chapter 26

34 2 0
                                        

Chapter 26
3rd Person's POV
Nanonood lang ako sa mga taong nagsasaya ngayon. Andito kami ng bf ko sa gilid habang nakatingin sa family Carion's na nagsasaya.

Nagsasaya sila habang ang isa nilang anak nasa hospital di ko alam kong Bobo ba talaga sila o ano. Ang bilis nilang magtiwala sa babaeng yan sana lang di sila mag-sisi sa mga ginagawa nila ngayon.
-
Nag aayos na sina Kaye ng mga gamit dahil nadischarge na si Kaye excited na si Kaye na makita ang pamilya niya. Kahit alam niyang galit sa kanya Ang mga ito di niya pa rin mapigilang mamis lalo na ang mga kuya niya.

Habang nagbabyahe sila pauwi ng ate niya bigla siyang kinabahan btw silang dalawa lang ng ate niya ang uuwi tutulungan pa daw kasi ni Hideo ang nanay ni Liah magtinda. Di nga makapaniwala si Kaye eh hahaha ang nag iisang tagapagmana ng Rostic magtitinda.

Napansin Naman ng ate niya na parang kinakabahan siya nanginginig kasi Ang mga kamay nito at paulit ulit na tumitingin sa bintana.

"Bunso are you okay? You look nervous?" Nag aalalang tanong ni Mae sa kanya. Agad naman siyang napatingin dito.

"Okay lang ako ate bigla kasi akong kinabahan eh," Ani niya sa ate niya. Niyakap naman siya ni Mae.

"Kung iniisip mo sina Dad, hayaan mo muna sila andito Naman ako eh ipagtatangol kita okay?" Ani ni Mae habang hinahaplos ang buhok ng bunsong kapatid. Nakahinga naman ng maluwag si Kaye dahil sa sinabi ng ate niya.

"Promise mo yan ate ah di ka magbabago katulad nina kuya,"Nakangusong ani ni Kaye na kinatawa ni Mae.

"Syempre bunso sayo lang ako maniniwala okay?" Tumango tango Naman si Kaye.

Nang makarating sila sa mansyon agad silang pinagbuksan ng driver. Pagkababa nila narinig agad nila  ang ingay sa loob na parang napaparty. Kumunot naman ang noo ni Mae sa pagkakaalam niya kasi walang may birthday sa pamilya nila.

Tuluyan na nga silang nakapasok at bumungad sa kanila ang madaming tao at sa maliit na stage nandun ang mga magulang niya pati ang isang babae at lalaki na kasing edad lang din ng parents niya at si bigla nalang uminit ang ulo niya ng makita si Farah na nakagown. Nakita niya din sa screen na nasa stage ang picture ni Farah na may nakasulat na 🅗︎🅐︎🅟︎🅟︎🅨︎ 🅑︎🅘︎🅡︎🅣︎🅗︎🅓︎🅐︎🅨︎ 🅕︎🅐︎🅡︎🅐︎🅗︎.

"Ang kapal naman talaga ng mukha ng babaeng yan dito pa talaga sa bahay ginanap ang birthday niya," Madilim na mukhang sambit ni Mae.

Hellishly Kaye Carion's POV.
para akong binuhusan ng malamig sa nakita ko. Ang saya ng pamilya ko kasama si Farah at ang mga magulang nito nagagawa pa nilang magsaya habang ako nakaratay sa hospital. Sabagay self ano pa bang aasahan mo.

"Ang kapal naman talaga ng mukha ng babaeng yan dito pa talaga sa bahay ginanap ang birthday niya," Madilim na mukhang sambit ni Ate. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"hayaan mo na siya ate samahan mo nalang ako sa kwarto gusto kong magpahinga," Ani ko bago mapait na ngumiti gusto kong umiyak pero pinigilan ko ayokong mag iskandalo sa birthday ni Farah kahit masakit. Napabuntong hininga naman si ate.

"sige tara na," Ani niya. Sabay na kaming naglakad papuntang hagdan pagnasa hagdan na kami siguradong makikita kami ng mga bisita nila. Di pa nga kami nakakatapak sa hagdan ng may biglang tumawag kay ate. Kaya sabay naming nilingon yon.

"Princess bakit kasama mo ang babaeng yan? Alam mo kong anong ginawa niya samin diba?" Malamig na wika ni Kuya Heirron. Napayuko naman ako.

"kuya ano ba sinabi na nga ng doctor diba dahil sa gamot yon!" Naiinis na saad ni Ate.

"Gamot na sinadya niyang ilagay sa katawan niya," Madiing asik ni Kuya Herron. Napatigil naman si ate at bigla nalang kumunot ang noo niya.

"What do you mean by that?" Naguguluhang wika ni ate. Nilabas naman ni Kuya ang cp niya at may pinakita na video.

"Ayan tingnan mo, kuha yan ng cctv nong araw na binugbog kami ng bitch na yan. Kita diyan diba yong paghawak niya sa braso niya bago pa kami lumapit," Nakangising wika ni Kuya. Nanlaki naman ang mata ko teka nagkakamali sila.

"Teka nagkakamali kayo napahawak lang ako diyan kasi-"

"Wag ka ng magdahilan Kaye sabihin mo nalang sa kanila bat mo nagawa yun at humingi ka ng sorry,"Mahinhing saad ni Farah na kakadating lang kasama sina mom and dad at ang iba pa nasamin na din ang atensiyon ng mga bisita.

"Farah alam mong totoo ikaw ang naglagay sakin nun!" Pasigaw na sabi ko ng biglang-

"Pak!" Isang malutong na sampal ang natanggap ko sa taong di ko aakalaing magtatraydor din pala sakin.

"A-ate?" Nauutal na sambit ko.

"Ganyan kana ba bunso? Pinagtanggol kita kena kuya kasi akala ko totoong wala kang kasalanan pero ano toh? Alam kong galit ka sa kanila pero ito pa talaga ang gagawin mong palusot para lang magantihan sila?" Pasigaw na sabi ni ate.

"Matagal ka ng sinabihan namin diba Mae, Yong kwentas na bigay sayo ni Vieen nakita na namin at nasa kwarto yon ng babaeng yan pati ang alahas ko na nawawala at yong mga collection ng mga kuya niya binenta niya lahat di ko akalain ikaw pa talaga naging anak namin isang demonyo na nagpapanggap na anghel!" Dissapointed na sabi ni Mom. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni mommy. Napaiyak na naman ako.

"N-nagkakamali k-kayo d-di k-ko g-ginawa y-yun n-nakaramdam k-kasi a-ako n-ng s-sakit k-kaya n-napahawak a-ako s-a b-raso k-ko a-at-"

"Wag ka ng magsinungaling bitch kala ko pa naman mabait ka tinuring ka naming prinsesa pero lahat pala kami pinaikot mo lang! Sana di nalang ikaw ang naging kapatid namin."

"Nagsisi ako na kinuha ka pa namin kay ate."

"Nagsisi akong kinampihan kita noon sasaksakin mo din pala ako patalikod."

Napaluhod naman ako sa mga narinig ko sa kanila ganun na ba talaga sila ka walang tiwala sakin pati ba naman si ate nagpromised pa naman siya sakin.

"Lumayas ka dito wala kaming anak na magnanakaw! Alis!" Galit na galit na sigaw ni mom.

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon