Nakamot ko ang aking batok nang mabasa ang text message ni Bench.
Bench:
Ikaw na kumuha ng tarp.
Kalakip ng kanyang mensahe ang pangalan at ang address ng shop.
Isinandal ko ang aking likod sa backrest ng sofa. Iginalaw ko ang aking mga daliri para magtipa ng mairereply.
Ako:
bakit ako? nagpa-pack pa 'ko, eh
Sinulyapan ko ang aking luggage na kani-kanina ko lang napagtuonan ng pansin. Last minute na kase akong nainform na may pa-surprise pala si Khalil at sa Palawan pa talaga.
Kahit na may mga gagawin ako bukas at sa susunod na mga araw ay hindi na ako nagdalawang-isip na sumama. Sa totoo lang, nag-aalala ako ng sobra para kay Hannah. Alam kong hindi madali para sa kanya ang mga nangyari. This is the best time to make her happy. Kaya bahala na, sasama talaga ako.
Habang naghihintay ng reply mula kay Bench, inisip ko kung ano pang kulang at pwede pang mailagay sa maleta.
Bench:
Malayo kase sa bahay namin ang print shop. Malapit lang sa subdivision nyo kaya ikaw nalang.
Eh bakit hindi nalang pinili iyong print shop na malapit? Pambihira naman.
Ako:
can't it be delivered?
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
Bench:
Bilisan mo na. 10:30 ang flight, remember?
Awtomatiko kong chineck ang oras sa aking cellphone. 7:31 AM na. At kailangan ko pang mag-charge dahil pa-lowbatt na ang cellphone ko.
Bumuntonghininga ako at tumalima nalang sa utos ni Bench. Kinuha ko ang aking black hoodie para ipatong sa suot kong gray shirt. Hindi ko na pinalitan ang white shorts ko. Susi, wallet at cellphone lang ang dinala ko.
Nang marating ang garahe, isinuot ko kaagad ang aking helmet at pinaandar si Max (pangalan ng motorsiklo). Mabuti at gaya ng sinabi ni Bench, malapit lang sa amin ang print shop kaya nakuha ko kaagad ang tarpaulin.
Pagkalabas ko ng shop, ipinatong ko muna kay Max ang tarp at huminto saglit para sana i-text si Bench na nakuha ko na, kaso tuluyan nang na-lowbatt ang cellphone ko.
Isusuot ko na sana ang helmet nang may marinig akong nakakaeskandalong hiyaw.
"HOY! Mamang snatcher! Ibalik mo ang cellphone ko!"
Napalingon ako sa direksyon ng boses at ganoon nalang ang gulat ko nang dambahin ako bigla ng isang babae. Nabitawan ko ang helmet at sa lakas ng impact nito sa semento, kung hindi lang ito matibay, siguro ay basag na ito. The fuck?
"Magnanakaw ka! Akin na ang cellphone ko!"
Wala sa sariling naitaas ko ang aking kamay na may hawak na cellphone at napatitig sa nagwawalang babae. She's wearing a loose white shirt that was tied on the side partnered with black leggings and white slides. Ang liit niya kaya kahit na tumalon siya nang ilang beses, hindi niya maaabot ang kamay ko.
"Teka lang, Miss. Ano ka'mo? Snatcher? Ako?" I pointed myself using my left index finger.
Itiniim niya ang kanyang panga bago ako tiningala. Taas-baba ang kanyang dibdib dahil sa hingal, animo'y nagmarathon nang pagkalayo-layo. Ang kaninang kamay niyang sumubok na kuhanin ang cellphone ko ay nasa tagiliran na niya ngayon, nakakuyom.
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...