Kabanata 27

577 20 14
                                    

It was only less than four weeks away from Kuya Vince's wedding so everyone was busy. Pagdating ko, I literally went straight to the shop para makapag-fit na ng gown. Ako ang pinakahuling nasukatan kaya nahiya ako na na-hassle pa ang designer sa'kin. Mabuti nalang at very warm and accomodating ang designer.

Sa bahay, halos hindi na umuuwi si Kuya sa rami ng dapat asikasuhin. Hindi ko maalala kung may napuntahan na ba akong kasal noon pero hindi ko akalaing ganito pala kalala ang pagpaplano ng kasal! Kung alam ko lang, sana sumabay na ako sa kanila pag-uwi para nakatulong ako. But it's okay. What's done is done. Kompleto rin naman sila ng organizer. Pero dahil nga ngayon lang ako nainvolve at nalalapit na ang araw ng kasal, pakiramdam ko nagmamadali ang lahat ng tao sa paligid ko.

"Where are you, Sky? I need some help over here. There's a little problem. Nasira ang cake! The delivery boy was holding it when Bala rushed to him. He was scared and so he dropped the cake! Gosh. This is so stressful."

May ichecheck pa sana akong email... pero sige na nga. Hindi ko naman matiis si Miss Hannah. Naawa kaagad ako nang marinig ang naiiyak niyang tono.

"Pupunta na ako dyan, Miss. Give me an hour."

Dinala ko nalang ang damit na susuotin ko para sa surprise bridal shower mamaya at hindi na nag-abalang mag-ayos.

Matapos masigurong nadala ko na lahat ng dapat gawin, umalis na ako ng bahay dala-dala ang kotse na ibinigay ni Kuya sa'kin just a week ago. Nag-driving lessons na ako sa Kansas kaya marunong at may lisensya na akong magmaneho.

Malayo-layo mula sa amin ang tinitirhan ni Miss Hannah kaya mabilis ang pagpapatakbo ko. Bukod sa malayo, may traffic din kase sa iilang parte ng daan.

Miss Hannah is the maid of honor kaya naman siya ang nagpasimuno ng surprise bridal shower. Noong wala pa ako rito, hindi naman siya pinabayaan ni Esmeralda. And when I arrived here, I did everything I could to lend a hand, especially that Miss is very much pregnant with her second child.

While I was driving there, I couldn't help but think of Miss and Sir Khalil. Matagal ko nang alam na nagkabalikan sila dahil napapanood ko ang vlogs ni Miss pero... iba pala talaga kapag nakita at naramdaman mo in person. I mean... I just couldn't seem to believe that after what happened... they still found their ways back to each other. At ngayon, apat (kasama sina Kala) na ang anak nila.

And who would have thought... that the girl who happened to be Kuya's fiancee is her best friend. Kaya ngayon... nagkita rin ulit kami. Napakaliit pala talaga ng mundo.

Alas tres nang makarating ako sa bahay nina Miss Hannah at Sir Khalil. Una kong punta rito ay sinalubong ako ni Keila pero ngayon ay walang batang sumalubong sa'kin. Hindi raw kase child friendly ang party mamaya kaya nasa condo si Keila ngayon kasama ang nanny niya.

"Ako na nyan, Miss!"

Naabutan ko siya sa malawak at maliwanag nilang kusina, pilit na inaayos ang nasirang cake. Saglit na nanlaki ang mata ko nang makita ang hugis niyon.

"Can you do it like this, Sky? We can make some icing to cover this part, 'no?"

Itinuro niya ang nag-crack na part.

Hindi naman ganoon kawasak ang cake. In fact, I could still recognize it. A big, uh...

"Girl... why are you blushing?! Ohmygod! First time mo makakita ng dick?"

Lalong nag-init ang pisngi ko nang tumawa ang mga househelp nina Miss.

Bakit kase ganito ang hugis ng cake?! Tapos ang laki pa!

"Virgin yata ang kaibigan mo, Ma'am."

Naku, hindi po. Nabuntis na nga ho ako, eh. Nagulat lang talaga ako sa cake.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon