Kabanata 22

550 15 4
                                    

"You miss Papa?" malungkot na tanong ko kay Scott.

It's been almost sixty hours since he left the house. Probably the longest sixty hours in my life.

Ang hirap palang maghintay, no? Alam kong wala akong karapatan. Lalong wala akong karapatang magreklamo dahil kasalanan ko kung bakit siya umalis. Pero... hindi ko kase talaga madiktahan ang sarili kong huwag mag-alala.

Ang lungkot ng bahay. Ang bigat sa dibdib. At sa paglipas ng oras, para akong unti-unting tinotorture. 

Napakaraming tanong na naipon sa utak ko. Saan kaya siya pumunta? Kumakain naman siguro siya sa tamang oras, no? Tsaka... may klase siya... pumasok kaya siya? 

"Sana umuwi na siya, baby, 'no?" 

Tumitig lang si Scott sa'kin, walang kamalay-malay. Nilaro ko ang maliliit niyang daliri at sinubukan siyang patawanin. Kaya lang hindi siya ngumingiti, nahawa yata sa'kin.

Buong araw akong matamlay. Bukod kase sa nag-aalala ako kay Joshua, dalawang araw na akong walang maayos na tulog sa kahihintay sa kanya. Mabigat na ang katawan ko at pakiramdam ko, kahit na magtatatlong araw pa lang, ilang gramo na ang nabawas sa'king timbang.

Kapag tulog si Scott... natutulala nalang ako. Hindi maalis-alis si Joshua sa isipin ko. Kung magpapatuloy pa 'to... kung hindi siya uuwi... talagang mahihibang na yata ako.

Gustong-gustong pumatak ng luha ko habang binabaliktad ang pinpritong tuyo.

Oo. Tuyo ang ulam ko. Bumili ako kahapon saglit.... ayoko na kaseng pakialaman pa ang laman ng ref ni Joshua. Wala na akong karapatan.

Sa ginawa ko, tiyak na sisisantehin niya na ako. Hindi niya narin ako... girlfriend. Alam ko naman. Sobrang masakit... pero alam ko. Pilit kong isinisiksik sa kokote ko ang realidad. Kaya nga... hinahanda ko na ang sarili. At ang totoo... nakapag-impake narin ako. Si Joshua nalang talaga ang hinihintay ko. Kung tatanggalin niya ako sa trabaho, pwede na akong umalis. Kung ipakukulong niya naman, hindi na ako manlalaban pa. Basta umuwi siya... nang buong-buo... ayos na ako. Iyon lang. 

"Uwi na Josh..."

Mariin akong pumikit at umiling habang kumakain. 

Panay ang sulyap ko sa wall clock... at pansin kong ang bagal-bagal ng pag-ikot ng clock hand! Bakit ganoon? Ang bagal-bagal ng oras.

Tulala kong hinugasan ang pinagkainin at sinilip si Scott sa kuwarto niya. Nang makitang tulog ang bata, inabala ko ang sarili sa pag-iimpake ng natitirang gamit. Habang ginagawa iyon... parang nilalakumos ang dibdib ko. 

While folding a pair of leggings... it slowly sink in. I am leaving this house... either for other house or for prison. Makulong man o hindi, hindi mababago ang katotohanang aalis ako sa bahay na 'to. Ibig sabihin... hindi ko na makakasama si Scottie. Hindi ko na makikita si Joshua. 

"Hinga, Sky..."

Pinaypayan ko ang sarili at hindi pinayagang umiyak. Wala kang karapatang masaktan, Sky. Tandaan mong kasalanan mo ang lahat ng 'to. Ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong 'to.

Bumuga ako ng hininga at pinilit patatagin ang sarili. 

I was in the middle of entertaining my unhappy thoughts.... when I heard a familiar sound of.... motorcycle.

Nanlaki ang mata ko at nabuhayan bigla.

Si Max iyon. Ang Ducati ni Joshua. Si Josh. Umuwi na si Joshua! Nandito na siya! Jusko. Salamat, Lord!

Initsa ko ang hawak-hawak na leggings at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay. Kaya lang, hindi pa man nakakaapak sa labas ng pinto... biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. 

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon