Kabanata 35

673 18 13
                                    

"Is it... okay with you?"

Nahaluan na ng kaba ang tono ni Josh nang hindi ko siya kibuin.

Paano naman kase ako magre-react? Hindi ko alam! Gulat na gulat ako sa sinabi niya.

"Ikaw? S-Sigurado ka ba?" kinagat ko ang pang-ibabang labi.

Shit.

This is making my heart race so fast like it never did before.

Manliligaw daw siya. Di ba? Si Joshua?! Sa akin?? I couldn't believe it.

Hindi pa nga ako nakakaget-over sa pag-amin niya kagabi... eto naman ngayon.

"Sigurado, Sky. Siguradong-sigurado." seryoso niyang sagot.

Napapikit ako nang mariin sa harap niya. I had a hard time pressing my lips together just so it won't stretch so wide! Mahihibang ako sa mga pinagsasasabi ng abogadong ito.

"Okay... ikaw, Joshua. Basta... wala akong maipapangako sa'yo..." sabi ko.

Agaran siyang tumango pagmulat ko. May munting ngiti na sa mga labi niya ngayon, dahilan para lalong mabaliw ang sistema ko. Ang... guwapo niya lang talaga. Tapos... manliligaw daw? Nakakabaliw.

"You don't have to promise me anything, Sky. You can say no to me anytime. Ang mahalaga, binigyan mo ako ng pagkakataong patunayan ulit ang sarili ko sa'yo."

Pinilit kong tumango sa kabila ng paninigas at panlalamig ng katawan.

"Aayusin ko. Promise." ngumiti siya.

He even raised his right hand, like he's in an oath taking. Nang dahil doon, natawa ako nang kaunti.

"Smile. Para kang takot na takot sa'kin. Ayos lang namang mahulog, eh. Sasaluhin naman kita." kumindat pa siya.

Napairap ako, may ngiti na sa labi.

"Sira."

"Biro lang. Sya nga pala, Sky, may sasabihin pa ako."

"U-Uh, pasok ka muna." pag-aaya ko.

Kanina pa pala kami nakatayo sa tapat ng pinto! Kung may nakakita sa'min, hindi ko alam. I was, uh, too focused in him to even notice.

"Salamat, pero hindi na. I won't bug you for now... para makapag-isip ka. May ipapakita lang ako..." he trailed off.

May binunot siya sa bulsa niya. It was two small red cards. Hinarap niya at hinawakang mabuti para mabasa ko.

LANY
LIVE IN CEBU
SM SEASIDE COMPLEX
Concert Grounds: VIP

Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong concert ticket iyon ng LANY. Dated on Saturday. The day after tomorrow.

"Manonood ka?!"

I was shocked that he has one, and at the same time, I was quite envious. I'm a fan of the band. Watching them perform live is such a dreamy experience.

"Kung... manonood ka." he answered softly.

Napakurap-kurap ako at kamuntikan nang mabitawan ang bugkos ng rosas. Eto... ginugulat na naman ako ni Joshua!

Tama ba ang rinig ko? Ang intindi ko? Isn't he... asking me to... watch my favorite band's concert with him?!

"I have two more tickets here. Isama natin ang kapatid mo... kung gusto mong manood, Sky."

Oh wow. Seryoso nga siya rito!

"Sabihan mo rin ako kung hindi ka komportableng makasama ako-"

"Huh, hindi. Ayos lang."

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon