"Nakakaloka! Hindi ko keri! Oh, ano? How do you feel? Iyong totoo?" pang-iintriga ni Esme.
Gaya ng inaasahan ko, sinalubong niya ako pag-uwi at agad na pinutakte ng tanong. Kaya wala akong choice kundi ikuwento sa kanya ang nangyari kanina.
Hindi ko mapigilan ang panaka-nakang pag-inat ng labi ko habang nagkukuwento. Ang totoo... nakauwi na ako't lahat, pakiramdam ko parin nananaginip lang ako. Who would have thought I'd see Scott today, that I would be able to hug him. Sobra-sobra pa'rin ang pagkamangha ko. At ang pagpapasalamat.
I don't think I'd be able to process it all in just a span of hours. Truth is, I enjoy the process of absorbing what just happened. It's euphoric.
"I'm overwhelmed,"
I reached for a throwpillow to have something to hold and hug. Nasa living room kami ngayon, naabutan ko siya rito na nanonood ng tv. Hindi niya na ako pinaakyat sa kuwarto, at basta nalang hinila sa sofa para makasagap ng chismis.
"Halata naman, sis. Ako nga na kapatid mo lang, gulat na gulat din. Ikaw pa kaya? Pero... grabe ha! Si Scottie pala ang batang intsik na bukambibig mo? Kung alam ko lang! Sana ako na mismo gumawa ng paraan para magkita kayo. Close kami noon, eh. Friends sila ni Kia."
"Huh? Friends sila ni Kia?"
I was slightly shocked but I realized it wasn't impossible. Maliit lang ang mundo ng dalawang bata, lalo pa at magkakilala naman ang mga magulang nila.
"Oo! Best friends na nga yata sila, eh. Bukambibig 'yun ng anak ko. Only friend niya raw sa school nila."
Kumunot ang noo ko. I suddenly remember this particular conversation I had with Kia.
"Si Scott ba ang hinahatian niya ng baon sa school nila?"
Agad na tumango si Esmeralda.
"Good for two na nga lage ang snacks and lunch ni Kia. Hay. Napaka-sweet and caring talaga ng pamangkin mo, Sky. Manang-mana sa Daddy niya." she smiled.
Napatitig ako sa kanya at napaahon mula sa pagkakasalampak sa sofa. Inayos ko ang pag-upo at agad na nag-alala nang mahimigan ang biglang pag-iiba ng tono ni Esme.
"Are you okay?"
Napakurap-kurap siya at saglit na natameme. Sa tingin ko may naalala siya. Sa ekspresyon niya pa lang, alam ko na.
She sighed deeply. Nag-iwas siya ng tingin.
"Naalala ko na naman siya. Hehe." mapait siyang ngumisi.
Lumunok ako at agad na nagsisi na pinansin ko pa ang nakitang sakit sa mga mata niya kanina.
"S-Sorry.."
"Hoy, bakit ka nagso-sorry? Gaga. Ayos lang. I'm okay not being okay. Ganito na yata talaga. Alam mo namang walang araw na hindi ko naaalala si Chard. Sanay naman na ako. Haynaku. Ang saya-saya natin, eh. Panira kase to minsan ang bebe ko, bigla na lang sumusulpot sa utak ko. Miss na miss niya na siguro ako. Tingin mo?"
"I don't think so. Palagi naman 'yung nakabantay sa inyo ni Kia, kaya bakit ka pa niya mamimiss?" sinubukan kong pagaanin ang loob niya.
Umirap siya pero may multo na ng ngiti sa mga labi.
"Ewan ko sa'yo. Kidding aside, mahirap talaga ang buhay na single at tuyot for many many years, Sky. Kaya ikaw, kung may magparamdam man ulit... go na, girl! I'm telling you this not because I know you cannot be happy without him, of course, kaya mo namang maging masaya mag-isa. Kaya lang, I just think you would be happier with him, Sky. And you deserve being in that state. "
Ngumuso ako at napakagat-labi. Her words moved me a bit.
"I appreciate your support, Esme. But I don't think we'd go that far. Magkaibigan lang kami."
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...