Kabanata 18

549 15 2
                                    

"Labas tayo, Sky."

Iyon ang pambungad ni Lily sa'kin isang hapon nang tumawag siya.

"Kailan?"

Kahit na walang planong lumabas, hindi ko siya matanggihan. Sa boses niya pa lang kase, alam kong may bumabagabag sa kanya. Mabuti at magaling na si Scott kaya pwede ko na siguro siyang samahan.

"Ngayon na. Papunta na ako riyan."

Namilog ang mata ko at napaahon mula sa pagkakahiga sa rubber mat.

"Ano?! Seryoso ba? Eh maggagabi na, ah!"

Lumabas muna ako sa nursery para hindi magising si Scott sa boses ko.

"Magba-bar kase tayo." simple niyang sagot.

Umawang ang labi ko at hindi na maikakaila ang pagkagulat. Once in a blue moon lang siya kung magyaya sa isang bar. Hindi... pangalawang beses lang yata 'to! At noong una... heartbroken siya kaya uminom kami!

Kaya ngayon... hindi ko tuloy maiwasang maghinalang may problema sila ni Lawrence.

"Ipapaalam kita sa jowa mo, huwag kang mag-alala." 

Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataong sumagot at pinatay na kaagad ang linya. Makalipas lang ang labindalawang minuto, dumating si Lily sa bahay. May gate pass na kase siya kaya agad na nakapasok sa subdivision.

"Hi." kumaway siya sa'kin mula sa bulwagan.

Ang lipstick niyang pula ay mas matingkad pa yata kaysa sa sinag ng araw. Pamatay din ang suot niyang red hanging blouse at short black denim skirt. Nakaponytail ang kanyang buhok kaya kitang-kita ang malaki niyang silver hoop earrings.

"Anong nangyari?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Nginisihan niya ako.

"Eto naman... papasukin mo kaya muna ako? Hindi man lang bumati. Chika agad ang inuna. Si Marites ka ba?" 

Bumuntonghininga ako. Hindi parin talaga nagbabago. Ang dami paring sinasabi ng babaeng 'to.

"Oh, pasok na."

Nakasimangot ko siyang pinapasok. Pinukol niya naman ako ng masamang tingin.

"Napilitan ka ba?"

"Hindi. Eh ikaw kase, eh. Ayaw mo pa akong diretsuhin. Ano ba kaseng nangyari? Nag-away kayo?"

Nagmartsa siya patungo sa living room at padarag na naupo sa sofa. Akala mo talaga... bahay ko ang kinaroroonan niya. 

"Oo. Punyeta kase. Pinalitan niya ang passcode ng cellphone niya. Nag change pass din siya sa lahat ng social media accounts." pagalit na pag-amin ni Lily.

Kumunot ang noo ko at naupo sa tabi niya. Kung masusukat ang haba ng nguso ni Lily, dalawang pulgada siguro ang haba niyon. 

"Anong problema dun? Malay mo naman for safety purposes. Alam mo namang nagkalat ang hacker ngayon. Ang dami ngang nala-lock na account, di ba?" 

"Eh bakit ayaw niyang sabihin sa'kin kung ano ang bago niyang password? Sa buong pagsasama namin, alam naming dalawa ang password ng isa't isa. Bakit ngayon... binago niya? At ayaw niya pang sabihin?"

Natahimik ako nang makuha ang punto niya. 

Oo nga naman. 

"Kinausap mo ba siya tungkol dyan?"

"Oo! Kaya nga nag-away kami, eh. Ayaw niya kase talagang ibigay. Tinatanong ko kung bakit... ang sabi niya lang nakakasakal na raw na lahat ng password niya eh alam ko. Kailangan niya rin naman daw ng privacy. Privacy ampota." 

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon