Kabanata 3

692 31 2
                                    

"HOY SKYLER! Malandi ka! Akala mo makakatakas ka, ha?!? Halika nga rito at magtutuos tayo!"

Agad akong lumayo kay Joshua. Para akong binuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig nang marinig ang hiyaw ni Aling Emma. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng binata pero hindi ko na iyon sinuring mabuti dahil hiyang-hiya ako sa sariling kagagahan.

Palpak!

Palpak ka, Sky!

Hindi gumana ang paghalik ko kay Joshua! Jusko naman. Ang tanga-tanga, Sky! Sa lahat ng pwedeng gawin, bakit kase paghalik pa?!

"A-Aling Emma, k-kayo ho pala," napapahiya kong bati.

Kunwari ay hindi ko siya nakita kanina. Kunwari ay hindi ako nagtangkang magtago mula sa kanya.

Peke kong nginitian si Aling Emma. Parang sasabog ang utak ko sa nangyari, maging ang puso ko dahil sa halo-halong emosyon. Kulang nalang mahimatay ako rito.

Humugot ng malalim na hininga para subukang pakalmahin ang sarili. Pull yourself together, Sky!

Nasa harapan ko na ngayon ang ale, nakapameywang habang sinisipat ako gamit ang alertong mga mata. Nakita ko kung papaano lumihis ang paningin niya sa matangkad na lalaki sa aking likuran. Lumambot ang ekspresyon niya bigla at namula pa nga.

"Oo, Skyler. Ako nga eto. Oh, ano? Kamusta? Magbabayad ka na ba? May pang-mall ka na kaya imposibleng wala kang pera, hindi ba?"

Bagama't huminahon siya, nakaangat parin ang kanyang kilay sa'kin.

"Ah wala po akong binili-"

"Skyler, sawang-sawa na ako sa mga palusot mo. Kung may hiya ka pa sa akin, magbayad ka ngayon din." pagde-demand niya.

Bumuntong-hininga ako at tumabi nang kaunti para padaanin ang mga dumaraan. May mangilan-ngilan pang napapalingon sa'min.

"Wala po akong -"

"ANO?! Punyeta naman-"

"Anong problema, Sky?" biglang singit ni Joshua.

Tumabi siya sa'kin at tumitig. Hindi ko nga lang masalubong ang mata niya dahil hiyang-hiya ako sa ginawa ko kanina!

"Wala-"

"Kaibigan ka ba ni Skyler, hijo?" hindi ako pinagsalita ni Aling Emma.

Napalunok ako at iiling na sana nang magsalita si Joshua.

"Nobyo niya po ako, Ma'am."

Sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Aling Emma.

HA? NOBYO?!

Tama ba ang narinig ko?!

Nilingon ko si Joshua at kamuntikan pang magtama ang mga labi namin dahil yumuko na pala siya para ilapit ang mukha sa'kin! Jusko naman!

"She saw us kissing. Sakyan mo nalang." bulong niya.

Lumayo rin naman siya.

Yeah right. You kissed Joshua, Sky! He can't be your friend! You don't kiss a friend that way! Kahit pa smack lang, dahil sa lips 'yun! Lalo namang hindi pwedeng estranghero lang siya sa'yo. You can't just kiss a freaking stranger!

"Talaga? Seryoso ka sa sinasabi mo, hijo?" pang-uuyam ni Aling Emma.

Sinipat niya pa ako na para bang masyado akong mababa para maging nobya ni Joshua.

She's right. Tama naman siya, eh. At hindi rin naman talaga ako girlfriend ni Joshua. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nakaramdam ng pagka-insulto.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon