Kabanata 21

538 19 6
                                    

"H-Hindi ko anak si Scott..."

I felt him quickly shaking his head. Bumitaw siya sa pagkakayakap na parang napaso. Ramdam ko ang pagkadisgusto niya at tama nga ako sa hulang aalis siya sa kama para makalayo.

"Huwag mo na akong lokohin, Sky. Ano pa bang gusto mo? Nagmukha na akong tanga at nadurog. Hindi pa ba 'yun sapat?" gumalaw ang panga niya.

Inangat ko ang sarili at naupo sa kama. Pinalis ko ang luha at hinarap ang galit niya. 

He stood a meter away from his bed. He stared at me with his eyes reflecting so much disappointment, anger and pain.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang gan'to. At ang... hirap pala. It's hard to see the wounds I have inflicted in him bleed. Gusto ko nalang saktan ang sarili ko.

Sinabi ko sa kanyang si Isabela ang ina ni Scott at hindi ako. Ni hindi ko na naipaliwanag nang maayos dahil nangangatog ang buong sistema ko.

I know this will happen. From the very beggining, I know there will come a time when the truth comes out. Alam ko ring magagalit si Joshua sa'kin. Kaya lang, hindi ko parin mapigil ang sakit.

"I had to do that to... give Scott a good life. Kung ako ang aampon sa kanya... hindi magiging maayos ang-"

"You wanted to provide him a good life by trying to mess up with mine, Sky? Kailangan ba talagang sabihin mong akin siya? Paano mo nagawa 'yun?Alam kong hindi siya akin, simula pa lang, pero paano pala kung may naikama nga ako sa bar? You could fool me so easily. You could wreck someone's life so easily."

Pinigilan ko ang muling pagtulo ng luha. Kasalanan mo 'to, Skyler. Harapin mo 'to.

"At alam mo kung ano ang pinakamasakit? Iyong katotohanang... sa lahat ng tao... ikaw pa ang manloloko ng ganito. Mahal na mahal kita, eh. Nagtiwala ako sa'yo nang sobra-sobra.... kaya nga nagsabi ako sa'yo, hindi ba? I told you my truth... pero ano ang ginawa mo? Tinuloy mo ang pagmaang-maangan! Imbes na umamin... magsisi at humingi ng kapatawaran... nagpatuloy ka sa pagsisinungaling. What did I even do to deserve this from you..."

Umiling siya at nanghihinang napaupo, ang likuran ay nakasandal sa kama. Hinilamos niya ang palad sa mukha... at doon tahimik na humikbi.

"You had all the chance to tell me. Bakit kailangang ako pa ang makatuklas, Sky? Nalibang ka siguro sa paglalaro sa damdamin ko kaya pinatagal mo." puno ng pait niyang sinabi.

Hindi... hindi 'yun totoo. Araw-araw... kapag malalim ang gabi at tulog na silang dalawa ni Scottie... saka ako nagpapakalunod sa pag-iisip... na ang bait-bait niya...hindi niya deserve 'to. I always feel guilty... bad.. and sorry. Pakiramdam ko ang sama-sama ko. 

"S-Sorry..." tanging nasabi ko.

Bumuntonghininga siya.

"Alin pa ba ang hindi totoo sa mga sinabi mo sa'kin, Sky? Pati rin ba ang pagmamahal mo para sa'kin... huwad?"

"Mahal kita, Josh. Totoong m-mahal kita."

Iyon na marahil ang pinakatotoo sa lahat. Hindi ko kailanman pineke ang salita... at galaw ko para maipakitang mahal ko siya.

"Sinungaling. Kung totoong mahal mo'ko... hindi mo ako lolokohin. Mahal mo pero pinaikot at dinurog. Ano'ng klaseng pagmamahal ba 'yan, Sky?"

"Inaamin kong nagsinungaling nga ako. Pero hindi kasali roon ang nararamdaman ko para sa'yo... Joshua. Iyon lang ang hiling kong paniwalaan mo."

Ang kapal naman ng mukha ko para pakiusapan siya matapos ang nagawa.

"Mahal kita. Kaya lang... hindi ko na alam kung... tama pa bang mahalin ka, Sky."

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon