Kabanata 23

539 19 2
                                    

Natulala ako at napatitig kay Scottie na payapang natutulog sa kanyang kama. Parang binuhusan ng semento ang buo kong katawan - naestatwa.

"Ilalaban ko 'to, babe... Pupwede pang ilaban 'to..." 

When I heard how hurt Joshua sounded... pain struck me like a tremendous flash of lightning. Then it slowly hit me... this is really happening. 

Hindi ako binabangungot. Sana... pero hindi. Totoong nangyayari ang lahat ng 'to.

Suminghap ako at kinapos sa hangin. Nilingon ko si Josh at pigil na pigil ko ang emosyon. Nakita kong inaabangan niya ang mata ko... at ramdam ko ang takot at sakit na nararamdaman niya. Kahit na determinadong lumaban... magpakatatag... at maging positibo... hindi parin mapigilang masaktan... at matakot na baka nga... sa susunod na mga araw... hindi na namin makakasama pa si Scottie. 

Hinawakan ni Josh ang nanlalamig kong kamay at hinila para sa isang mainit at mahigpit na yakap. Doon bumuhos ang luha ko. 

"Shh... We'll file an appeal. I'll take care of it... don't worry. Kaya pang ilaban 'to, babe. Hindi mawawala si Scott sa'tin..."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tahimik na humikbi.

"Pupunta ako sa tanggapan ng DSWD bukas na bukas. We have to rest now so we could get up early tomorrow."

That night, Josh and I slept in Scottie's nursery. We hugged each other as we stay beside Scott... highly hoping that we will be waking up to a brighter tomorrow.

Kinabukasan, may nadatnan na naman akong agahan paggising. Saglit kong nalimutan ang nangyari kagabi nang makita ang inihanda ni Joshua. It was a sandwich with peanut butter spread and sliced bananas. May isang tasa ng kape sa tabi. Kompleto at organisado na naman ang utensils.  

Napangiti ako nang makita ang isang tangkay ng puting rosas sa kaliwang gilid. Parang may kamay na humaplos sa puso ko nang mabasa ang dilaw na note na nakadikit sa stem ng rosas.

'Good morning, babe. Papunta na ako sa DSWD. Huwag mo masyadong isipin ang tungkol doon, okay? Ako na ang bahala. Don't overthink, please. 

Hindi pa tapos ang laban, mahal ko. We won't lose Scott. Pinapangako ko 'yan sa'yo. I love you.'

Naupo ako sa upuan at kumain nang nakangiti at may magaang dibdib. 

Maayos-ayos na ang pakiramdam ko habang isinasagawa ang normal na routine ko rito sa bahay. Limang buwan na ang bata kaya naman pupwede na siyang kumain ng solid foods. Kaya nga rin kahit papaano, nalibang ako kanina sa pagluluto ng healthy nuggets para sa kanya. Gawa iyon sa kale, turnips o singkamas, at brokuli. Ang mga natira ay isinilid ko sa food container at inilagay sa ref.

Now that the baby is sleeping, I am trying to do something that'll keep my mind away from all the negativities. Alam kong malikot ang utak ko... at aminado akong, hindi gaya ni Josh, madalas mas iniisip ko iyong negatibo. Kaya para kahit papaano'y malibang, naglinis ako ng bahay. Nag-vacuum ako sa living area, clean kitchen, at buong hallway. Alas-dose na nang tapusin ko ang ginagawa. Sakto namang nagtext si Josh sa'kin.

Josh:

tapos na ako sa DSWD, babe. I have our lawyer processing some papers now. nasa skwela na ako. may klase pa ako mamayang ala-una.

Pinunasan ko ang pawis na namuo sa noo at isinalampak ang sarili sa sofa. Hindi pa man nakakapagtipa ng sagot, may natanggap na naman akong mensahe mula sa kanya.

Josh:

nakapag-lunch ka na?

Ako:

Hindi pa.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon