"Huwag mo nang hugasan yan, Sky. Ako na nyan mamaya. Tara na, hatid na kita."
Inawat ako ni Joshua nang maabutang naghuhugas ng pinagkainan namin. Galing siya sa comfort room dahil umihi saglit.
Sinulyapan ko siya ng isang beses at hindi na nagpaawat. Itinuloy ko parin ang paghuhugas.
"Ayos lang, Josh. Matatapos naman na ako."
Akala ko ay makikipagtalo siya.
"Okay."
Sumandal siya sa counter at ipinagkrus ang mga braso. He was looking at me intently... and I felt something... weird.
I shrugged off the thought and started thinking about my first day here, instead. Kahit papaano ay maayos naman. Kahit na nakakabigla at nakaka-overwhelm ang biglaang pagta-transition ng mga pangyayari, kinaya naman. Bago pa lang kaya natural na nangangapa pa. Maybe I'd get use to this set-up. This house... with Joshua and Scottie.
Matapos kong maghugas ay inihatid na ako ni Joshua sa apartment. Sa pagod ay nakatulog ako kaagad matapos maghilamos.
Hindi nga lang naging maayos ang tulog ko dahil makalipas lang ang dalawang oras, kumatok ang lasing na si Lily sa pinto.
"Skyyy!! Bakit ang tagal mong magbukas?! Hindi mo ba ko miss? Kase ako, miss na miss kita! Huhuhu."
Hindi pa gaanong malinaw ang paningin ko dahil nag-aadjust pa sa ilaw. Nang matanaw ko si Lily, nakita kong naka get-up siya. In particular, she looked like she's going to a bar... or baka kagagaling niya lang doon. Black spaghetti strap dress at black sling back shoes. Chained sling bag. Ponytail. Dark make-up.
Pinakanapansin ko ang amoy niya. Amoy alak.
"Oh?! Gaga ka bakit ganyan ka makatingin? Ngayon lang nakakita ng maganda?!"
She laughed like a witch.
Hinilot ko ang aking sentido at problemada siyang tiningnan. Anong nangyari sa babaeng 'to?
"Okay ka lang?" I asked.
Nag-angat siya ng kilay at pinagkunutan lang ako ng noo. Maya-maya pa ay tumawang muli. Parang baliw.
"Okay lang, Sky! Ano ka ba? Anong tanong yan? Malamang ay okay ako!" ngumiti siya.
Hindi ko na muna siya pinapasok. Ipinagkrus ko ang aking braso at seryoso siyang tinitigan.
Bukod sa hindi ko nakitang nangunot ang gilid ng kanyang mata nang tumawa, alam ko rin talaga kung kailan nagsisinungaling si Lily.
Nang makitang hindi ako nauto, nagseryoso rin siya. Her lips formed a grim line and her eyes... welled up a bit.
"Ano nga? May problema kayo ni Lawrence?" ungkat ko.
Yumuko siya at lumunok.
"Oo."
Sabi na eh.
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...