Sinalo ko ata lahat ng kamalasan sa mundo.
Nawalan na nga ako ng trabaho, mukhang nawalan narin ako ng cellphone.
Pumikit ako at pilit na kinalma ang sarili. Baka pinalitan lang, Sky. Kumalma ka. Baka pinalitan lang. Imbes kase na mukha ko ang bumungad sa lockscreen ay ibang wallpaper ang nakita ko.
I swiped through the screen and I immediately opened it. Walang pin code o pattern! Kung ano ang wallpaper sa lockscreen ay ganoon din sa home screen. Pagkakita ko pa lang sa mga apps na naroon, alam ko na kaagad na hindi talaga akin 'yun!
No, this can't be.
Nanginginig ang mga daliri ko habang hinahanap ang MS Word app pero wala talaga akong nakita.
Jusko. Nagkamali ako!
Hindi ako nagmumura pero sa pagkakataong 'to, gustong-gusto kong magmura. Ngayong natangay na nang tuluyan mula sa'kin ang cellphone ko, nawala naring parang bula ang pinaghirapan ko sa loob ng halos isang taon!
Bumuhos ang luha ko sa sobrang panghihinayang. Ang bigat-bigat ng dibdib ko at ang sama-sama ng loob ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Call me over acting if you want to. Maybe it was just a phone to you but to me, it wasn't just that. Hindi iyon cellphone lang.
Idagdag pa ang katotohanang nagkamali pa ako ng naakusahang tao. Itinagilid ko ang aking ulo at kinagat ang aking labi nang maalala ang pinaggagawa ko kanina. As I bite my lips, I tasted a bit of my salty tears.
Inusig ako ng aking konsensya.
I pointed finger to the wrong person. Nanigaw at namahiya ako ng maling tao. It wasn't my intention but I still feel deeply guilty!
Ang unfair lang na ako na nga itong nabiktima ng snatcher, ako pa ngayon itong nahaharap sa higit isang problema. I don't know what to do, which problem should I entertain. Hahanapin ko ba ang cellphone ko o isasauli ko muna itong cellphone na hindi akin? Saan naman ako maghahanap at saan ko naman matatagpuan ang may-ari ng cellphone na hawak ko ngayon?
Think, Sky. Think.
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok. Dahil hindi naman kalakihan itong space ko, agad kong nabuksan ang pinto. Siniguro ko munang tuyo na ang luha ko bago ako humarap kay Lily.
"Sky! Congrats, tanggal ka na naman! Ang galing-galing mo talaga!" sarkastiko niyang pambungad sa'kin.
Ngumiwi ako at naupo nalang sa gilid ng single bed.
"At sa wakas, mukhang problemada ka na sa pagkakatanggal mo ah? Mabuti eh big deal na para sa'yo?"
Hindi ko parin siya sinagot. Parang tangang nakatitig lang ako sa maliit na mesang kahoy sa harap, kung saan ako kumakain. Maliit kase itong kuwartong inuupahan ko kaya halos isang metro lang ang layo ng dining at ng kama. Sa mahal ng renta rito sa syudad at sa hirap ng buhay, hindi ko afford kahit ang tig-lilimang libong mga paupahan.
"Sawa ka na sa kakahanap ng trabaho, ano?" tumabi siya sa'kin. "Huy! Ano? Hindi lang pala trabaho ang nawala sa'yo? Boses din? Sagot ka naman! Para akong nakikipag-usap sa hangin, eh." pagdi-demand niya pa.
"Ano ba kaseng ginagawa mo rito?"
Tiningnan ko siya at nakita kong nag-stretch lalo ang kanyang labing nakatiiim. She looked disappointed, as usual. Palagi naman talaga akong nakakadismaya.
"Para dalhan ka ng pagkain dahil sa ating dalawa, ako na naman ang natirang may trabaho?"
I sighed as I glance at the paper bag she landed on the table.
![](https://img.wattpad.com/cover/278779238-288-k496881.jpg)
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...