Hi Trisha Monique Rosales! Happy birthday, Shang! Congratulations for bagging two medals during your recent Arnis competition. Proud mi nimo. I hope you enjoy this chap, mwa.
<3
As if a dust blown by the wind, time passed by so fast. Mabilis na lumipas ang panahon at mga pangyayari. Gaya ng napagkasunduan, nagstay-in na nga ako sa bahay ni Joshua. Kakaunti lang ang gamit ko kaya nailipat ko agad ang mga ito.
Isang linggo narin magmula noong unang gabi ko rito... at masasabi kong kahit papaano ay nakapag-adjust naman na ako. May nasusundan na akong routine mula umaga hanggang gabi.
Naisuli ko na ang susi ng apartment sa aming landlady. Sayang naman kase ang ipambabayad ko ng upa kung halos buong linggo ay wala ako.
"What do you think, Sky?" tanong ni Josh.
Narito kami ngayon sa nursery ni Scottie na kakarenovate lang. Hindi lang ang pintura ang bago kundi ang itsura ng kuwarto. Bago maging ang crib. Ang carpet. At may mga naorder si Josh na gamit pambaby na hindi pamilyar sa'kin kaya hindi ko pa mapangalanan.
"Uh, ayos naman. Pero siguro mas maganda kung may painting sa dingding na 'to." itinuro ko ang blangkong dingding. It was the accent wall... the one painted with light blue color.
Si Scottie ay natutulog ngayon sa bassinet na nasa living room. Hindi pa kase pwede rito dahil amoy na amoy pa ang kemikal mula sa pinturang ginamit. Maganda rin doon dahil glass ang walls, matatamaan siya ng natural light mula sa araw.
"Alam mo... naisip ko rin yan. Sa tingin mo okay tignan ang balyena? Kunwari nasa dagat kase blue, di ba?"
Nakasandal siya ngayon sa dingding na kaharap ng accent wall, nakakrus ang braso. May pasok siya pero mamayang ala una pa raw kaya pambahay lang ang kanyang suot. Itim na shorts at shirt na kulay abo. May kaguluhan na naman ang mala-pugad ng ibon niyang buhok... ngunit gaya parati, hindi ito naging kabawasan sa kagwapuhan niya.
"Pwede pero... sa tingin ko kailangan darker ang shade ng pintura para magmukhang nasa deep seas talaga."
Sinulyapan niya ako sabay tango.
"Okay. Papinturahan ko muna ulit ng darker shade bago ang sea creatures."
On the same day, pinabalik nga ni Josh ang pintor. Hindi ko akalaing susundin niya ang suhestiyon ko. Halos hindi man lang kumurap.
"Bago ka rito?" the painter asked me.
Sumilip kase ako sa nursery matapos kong mapatulog si Scott sa guest room... ang kuwartong inookupahan ko. Alas dos na ngayon, nap time ng bata.
"Opo."
Maayos naman para sa'kin ang pagkakapintura ng dingding. It looked darker on its second coat, which looked better for me. Pinapatuyo pa ito bago mapintahan ulit kaya nagpapahinga pa ang dalawang pintor.
"Ipaubaya mo na sa'kin, erp."
Nawala ang atensyon ko sa dingding nang mapansin ang paninitig ng isa pang lalaki sa'kin. Iyong moreno, may bigote at hindi katangkaran.
He smirked when he saw me looking back.
"Sexy mo naman, Miss."
Hindi ko alam kung papaano magre-react. That sounded like a compliment but... it didn't feel like one.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya lalo akong hindi naging komportable. Kakaiba ang tingin niya... at kahit na naka leggings naman ako at semi crop top, pakiramdam ko wala akong suot sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...