Kabanata 4

717 30 3
                                    

Natanggap ako bilang personal assistant ni Miss Hannah Suarez. Ngayon ang unang araw ko sa pagsama sa kanya sa trabaho kaya alas kuwatro pa lang ay gising na ako. 

Na-interview niya ako noong isang araw  at halos matulala ako nang makita siya. Ang Hannah na tinutukoy ni Joshua ay si Hannah Suarez! Ang tanyag na Youtuber sa Pilipinas! Hindi ako mahilig mag-social media pero paminsan-minsan ay naliligaw ako sa Youtube at isa si Miss sa mga pinapanood ko, kaya na-starstruck talaga ako nang magkita kami. 

Her beauty was outstanding and she was also very down to Earth. She was naturally bubbly and her aura was just so light, on and off cam. Nakakamangha. Hindi ako makapaniwalang magtatrabaho ako sa kanya. Ang laki pa ng suweldo ko. 

Hulog talaga ng langit si Joshua. Tingin ko hindi naman ako matatanggap kung hindi dahil sa kanya, close kase sila ni Miss Hannah. Nahihiya ako dahil sobra-sobra na ang tulong niya sa'kin. To think na wala naman siyang dahilan para tulungan ako. Hindi naman kase kami personal na magkakilala. Hindi rin naman naging maganda ang pagkukrus ng landas namin. Kung tutuosin nga ay dapat galit siya sa'kin dahil sa nagawa kong katangahan.

Hindi ko alam kung paano ako makakabawi. Magtrabaho ka nalang muna para makapagbayad ka, Sky! Pagbutihin mo. Huwag ka nang papalpak!

Matapos kong magkape ay naligo na ako para makapag-ayos. Hindi na ako nalito kung ano ang susuotin dahil inihanda ko na ito kagabi. To make sure it's okay, I took a picture of that outfit and I sent it to Miss Hannah. Ayos lang naman daw iyon.

I wore a loose white button-down shirt with short sleeves. Naplantsa ko na kaya wala nang kagusot-gusot. I tucked it inside my high-waisted denim jeans. Ito lang ang maayos-ayos kong damit at sa totoo lang, wala nang iba. Bibili nalang siguro ako nang maraming button-down kapag may sweldo na. Maging matinong sapatos ay wala ako, mabuti nalang at may lumang converse sneakers si Lily na ipinahiram niya sa'kin.

I pulled my hair into a clean low ponytail. Hating-hati ito sa gitna. Hindi ako palamake-up pero ayoko namang humarap sa mga bigating personalidad nang bare-faced kaya nagpolbo ako, nagkilay at nag-liptint.

I smiled as I stare at myself. Hindi ako sanay sa ganitong ayos. Kung para sa iba, kaswal lang 'to, para sa'kin pormal ang get-up ko ngayon. Nasanay kase ako na naka-leggings lang at t-shirt. Sa mga naging trabaho ko naman noon, hindi rin ako nag-aayos dahil hindi naman na kailangan.

"Sky!" bungad ni Lily. Her voice over the phone was extra high-pitch.

"Bakit?"

Inayos ko muna ang sintas ng aking sapatos habang nakikipag-usap kay Lily.

"Iyong autograph, ha! Tapos maki-selfie ka na rin kay Miss Toni, para sa'kin. Gosh. How I wish I were you! Napakaswerte mong gaga ka!"

Napangiti ako. Girl crush ni Lily si Miss Toni, ang mag-iinterview kay Miss Hannah ngayon. 

"Oo na. Kagabi ko pa naipasok sa bag ko ang panyo mo."

"Munchkin, come on... isa pa...." 

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang marinig sa background si Lawrence. Wala na akong narinig na boses pero parang... naghahalikan na yata sila kaya pinatay ko na kaagad ang tawag. 

"Good morning, Skyler!" Miss Hannah greeted me with a wide smile.

Yumuko ako at bumati pabalik.

"Magandang umaga po, Miss."

It was a great morning, indeed. Na-meet ko si Miss Toni at nagawa ko rin ang ipinagawa ni Lily. Napapirmahan ko iyong panyo niya at kahit nakakahiya, nakapagpapicture din ako kasama si Miss Toni.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon