Kabanata 25

577 20 6
                                    

Second sem starts on Monday. This just means that, most likely, the updates will be slowed down again. It's saddening but I am grateful I was able to spend the holiday writing - with you. It was a time well spent.

It's still a long road ahead for Joshua, Skyler and Scottie-bear. I hope you hang on 'til the end :)

~~~

Hindi ako likas na matulungin. Pero pagdating sa kanya, walang puwang ang pagdadalawang-isip.

It felt like the urge to help Sky was innate. All natural. Matic na kapag nakikita kong nahihirapan siya, gagawin ko agad ang lahat para matulungan siya - para makita siyang nakangiti.

Parang joke no? Ewan ko ba. Hindi naman kami close. Pero may kung ano lang talaga sa kanya na hinihila ako. Siguro ako ang sugo ni Lord para kahit papaano ay bawas-bawasan ang bigat ng buhay niya? O baka baliktad. Siya ang ipinadala ni Lord sa'kin para kulayan ang walang kabuhay-buhay kong mundo. Naks. Napaka-corny. Pero totoo naman kase.

Kaya nga kahit na ninakawan niya ako ng halik, tinulungan ko parin siyang malusutan iyong matandang babae.

Yes. Shit. Hinalikan niya ako! Tangina. Sa harap pa talaga ng maraming tao. Hindi ko alam pero nag-init talaga ang tenga, pisngi at leeg ko roon. Ang lambot ng labi niya potek. At baka kung hindi siya lumayo, hinapit ko siya at hinalikan nang mas malalim.

"Magkano nga ho?" putol ko sa sinasabi ng matandang pinagkakautangan daw ni Sky.

Kanina pa ako naiinis sa kanya. Kung ano-ano ang sinasabi. At hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig niya. Hindi pwedeng porke may utang si Sky ay iinsultuhin niya na at ipapahiya. Aba, hindi pwede sa'kin yan.

"Limang-libo, hijo."

Binayaran ko agad-agad ang matanda. Marami akong naiisip na pwedeng sabihin pero pagsulyap ko kay Sky, kita kong hiyang-hiya siya kaya nanahimik nalang ako at hinayaang payapang makaalis ang matanda.

"Uh, my friend is looking for a personal assistant. Sa tingin ko'y hindi pa siya nakakahanap kaya pwede ka pang mag-apply."

Sinabi ko iyon matapos malamang naghahanap siya ng trabaho. Nagulat ako roon. Ang bata niya pa kaseng tignan. Akala ko nag-aaral pa siya.

"Yes, Wawa? What is it?" si Hannah.

"Naghahanap ka pa ng PA, di ba?"

"Uh, I am eyeing someone na, eh. Interview nalang."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at sumandal kay Max. Kadarating ko lang sa bahay at ito kaagad ang inatupag ko.

"May irerecommend ako. Pwede siya. Mabait, masipag at mapagkakatiwalaan. Siya nalang, Han." pangungumbinse ko.

"But I can't-"

"Please?"

Heck. I really want Sky to work for Hannah. Bukod sa alam kong mabait ang magiging amo niya... may tsansa pang makita ko siya ulit. Pwede kong ipalusot na si Hannah ang sadya ko... pero ang totoo ay siya. Langhiya. Hibang na yata ako.

"Hmm. I'll see what I can do."

"Mangako ka, Han. Siya ang pipiliin mo."

Natahimik si Hannah sa kabilang linya at naiimagine ko na ang kilay niyang nakaangat ngayon.

"A girl or a boy?"

"Babae, syempre. Para hindi magselos ang asawa mo." tawa ko.

"Your friend?"

"Siguro? Basta. Ang dami mong tanong-"

"Maganda?"

Pumikit ako nang sumagi sa aking isipan ang imahe ni Sky. Long black hair. Side bangs. Small round shaped face. Soft brows. Almond brown eyes. Thick lashes. Slender nose. Red lips. Walang kamake-up-make-up pero mala dyosa. Shit.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon