Kabanata 2

778 35 7
                                    

Joshua Ravena: ayos lang miss :)

Nagulat ako sa reply niya.

Huh? Ayos? Anong ayos lang?

"Huy! Ano? Nagreply na?" kuryosong tanong ni Lily.

Narito kami ngayon sa condo nina Lily at Lawrence.  Nakakaluwag-luwag sa buhay ang jowa ni Lily kaya naka-condo sila. 

"Oo." wala akong choice kundi ipakita sa kanya, cellphone niya yun eh.

Kumunot ang noo niya at nagulat din gaya ko. Tumabi siya sa'kin sa sofa. Ako naman ay nag-isip ng kung anong pwedeng i-reply. He's active so I immediately sent him another message. Baka mag-out na. Mukhang bihira pa naman itong maglog-in sa social media. 

Ako: Ano'ng ibig mong sabihin?

"Hala! Sineen kaagad! Nag-aabang siya, beh!" sabik na puna ni Lily.

Isiniksik niya pa lalo ang sarili sa'kin para makita ang screen ng cellphone.

Joshua Ravena: you can keep the phone

"Ay bet! Mayaman si Mr. Yummy!" humagikhik ang katabi ko.

Nanlaki ang mata ko. I bit my lower lip as I draw my brows closer. 

Mukhang mayaman nga siya, pero seryoso ba? 

Hindi niya man lang ba ako pagsasalitaan ng masama o susumbatan? Wala ba akong matatanggap na angry emoji mula sa kanya? 

After our unfortunate encounter, this is the least reaction I'm expecting from him.

Ako: Isasauli ko sa'yo, Sir.

Joshua Ravena: ayos lang talaga kahit hindi na, miss

Umawang ang labi ko. Napabuga ako ng hininga at hindi makapaniwala sa takbo ng usapan namin.

Akala ko ang irereply niya:

Dapat lang na isauli mo! Ang lakas ng loob mong pagbintangan ako. Ano? Napahiya ka ngayon? Pasalamat ka, hindi kita ipina-pulis.

If he sent me those messages, I'd accept it. Deserve ko naman. Kaya papaanong ako na ang nagmumukhang nagpupumilit na isauli ang cellphone ngayon? Bakit parang wala na siyang pakialam? Bakit parang wala lang sa kanya ang mamahaling iPhone? Nakalimutan niya ba ang mga sinabi ko? Ang pamamahiyang natamo niya mula sa'kin?

"Huwag ka nalang kayang magpumilit, Sky? Eto na oh! Eto na yung chance na magkaka-cellphone ka!"

Itiniim ko ang aking labi at inilingan si Lily.

"Sky naman. Paano ka na makakapagsulat niyan eh wala ka nang means? Wala ka nang cellphone, eh." aniya.

"Wala narin naman na akong gana, Lily. Nawala na nga ang mga drafts ko, eh."

I am still so heartbroken because of it, up to now, honestly. Iyon lang naman talaga ang habol ko roon sa cellphone ko. My drafts. My story.

"Alam mo girl, gusto ko rin namang isauli mo ang phone para magkita kayo pero kung ganyan din lang na ibinibigay na sa'yo ang cellphone, edi grab the opportunity na! Practicality over landi ba!"

She even lifted her index finger like she's proving a very important point.

"Isasauli ko kase iyon ang tama. Hindi ito akin. Hindi dahil gusto ko siyang makita o ano." pagtatama ko.

Lumayo siya nang kaunti sa'kin at nanunuya akong tinitigan habang nakakunot ang noo at nakaangat ang isang kilay.

"Aysows. Bakit? Hindi ka ba nagaguwapuhan sa kanya?" she scoffed.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon