"Ang guwapo, Sky! Mukhang baby!"
Hindi ko alam kung nagjo-joke ba si Lily o ano. Karga-karga ko si Scott habang si Lily nama'y nasa tabi ko nakaupo, pinagmamasdan ang bata."Kamukha mo!"
I scoffed.
"Sira ka. Paano ko magiging kamukha? Ako ba ang nanay?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay. Hindi agad sumagot, mukhang nag-iisip na naman ng masasabing halusinasyong nakuha sa sobrang pagbabasa ng nobela.
"Malay mo nabuntis ka pala, hindi mo lang alam."
"Paano mangyayari yun?"
"Baka ginapang ka ni Sir Joshua sa panaginip mo kaya nakabuo kayo ng incorporeal niyong anak. Tapos nabiyayaan ng material being kaya naging tao. Ayan! Ayan na ang anak niyo. Si Scott Kelvin!"
Tumawa ako at sinaway siya. Hininaan niya naman ang boses. Kung tulog lang si Scottie ay tiyak nagising na siya sa lakas ng boses nitong si Lily.
"Ay real world pala 'to no? Akala ko mundo ng Encantadia, eh. Ganoon kase yung nangyari kay Amihan at Ybrahim."
"Ewan ko sa'yo, Lil. Ano? Kamusta ka na?"
Pinasadahan ko siya ng tingin. She's wearing white knitted top and black ripped denim skirt. Overall, mukha naman siyang okay.
"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong sa'yo nyan? Kamusta ang buhay may bahay?"
May bahay daw. Sira talaga 'to, eh.
"Kasambahay, Lily. Kasambahay."
"Asus. May kasambahay ba'ng sabay kumain sa amo? Pinapayagang mag-imbita ng bisita? At malay ko kung may ginagawa pa sa'yo si Joshua na overboard na."
Napailing ako.
"Huwag ka ngang judgmental. Mabait lang talaga si Josh kaya-"
"Oh, 'ta mo? Josh. Nickname basis! May amo ba'ng pumapayag na tawagin ng ganyan? Wala di ba? Unless-"
"Oh edi Sir Joshua. Tigilan mo nga yan, Lil. Walang malisya 'to, okay? Empleyado niya lang talaga ako. Mabait lang siya kaya ganito ang treatment niya sa'kin. Sigurado akong gagawin niya rin 'to sa iba. Wag mong lagyan ng ibang kahulugan."
"Naku, sinasabi ko sa'yo Sky. May gusto 'yan sa'yo. Hindi ka naman manhid kaya alam kong nararamdaman mo rin. In denial ka lang talaga."
"Imposible yan masyado."
Iniba ko nalang ulit ang topic dahil hindi talaga ako umaasa sa sinabi ni Lily. I know her, she maybe just basing it on the novels she have read and not on what's really happening in front.
Kahapon lang nakaalis si Josh papuntang Los Angeles, California kasama ang kanyang mga kaibigan. Dalawang beses na siyang tumawag sa'kin para mangamusta.
"Hindi ka ba natatakot? Baka malagyan ng tubig ang tenga..."
Pinapaliguan ko si Scottie ngayon. Nakamasid lang si Lily... duda pang kaya ko nang paliguan nang maayos ang bata.
"Noong una... pero mag-iisang buwan narin naman ako rito, Lil. Nasanay na."
"Alam mo, nakakatuwa ka. Para ka na talagang Nanay kung umasta."
That made my heart flutter. I know I'm not the perfect Nanny for Scott, but I'm trying my best to at least be enough for him.
Umuwi rin si Lily kinalaunan dahil may pasok pa siya sa trabaho. Napatulog ko si Scott pagkauwi ni Lil kaya nasagot ko ang tawag ni Joshua nang walang ibang iniisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/278779238-288-k496881.jpg)
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...