Happy 2nd year writing anniversary to me. To us! Kapaspas rajud sa panahon. Never knew it was already two years since that impulsive life-changing choice. Felt like a blink of an eye. Wala po akong ibang nararamdaman sa ngayon kundi nag-uumapaw na pasasalamat. Ni hindi ko maisatitik ang gratitude na meron ako sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta mula JATS hanggang sa storyang ito. Hindi ako sigurado kung aabot ako ng dalawang taon sa pagsusulat kung wala kayo. Damo nga salamat. Gihigugma ko kamo. <3
~~~
Paulit-ulit akong umiling.
No.... fuck. This can't be true. This just can't...
"I'm sorry, Sky."
"No... he can't do that..."
Kinuyom ko ang kamao ko. It was held by Joshua sa I was already squeezing his hand so tight. Umiling lang ako nang umiling... hanggang sa ramdam ko ang pag-agos ng luha ko sa aking pisngi. I couldn't explain the pain. It was.. excruciating. Unti-unti. Bubog na naging punyal. Dahan-dahan akong pinapatay..
"Mahal niya si Lily... mahal na mahal niya. Hindi... hindi mananakit ang totoong pagmamahal..." humagulhol ako.
I was in utter shock. Gulat na gulat ako... ngunit alam ko... ramdam ko... totoo ang lahat ng ito.
Lily... I'm sorry. Fuck. I should have known! I'm sorry...
"P-Paano? Anong nangyari?" basag na basag ang boses ko.
Niyakap ako ni Joshua at kinulong niya ako sa kanyang dibdib. Nanghina ako at doon humikbi. Namamanhid ang buong katawan ko sa sakit. Para akong ibinabalik sa unang pagkakataong nalaman kong wala na si Lil. Nabuksang muli ang mga sugat... at hindi ko matanggap na mas may mailalalim pa pala ang mga ito.
"Saka nalang natin pag-usapan-"
"Josh, no. I want to know... I have to know. Please..."
Isagad nalang ang sakit. Utang na loob isagad nalang. Huwag nang dahan-dahanin.
"Sky.."
Ramdam ko ang pag-aalinlangan at takot sa boses ni Joshua. Sobrang higpit na ng yakap niya sa'kin. He doesn't want me hurt... but heck... I'm already hurting! So bad!
"My best friend went through the worst pain. Walang-wala ang sakit na nararamdaman ko ngayon kompara sa naramdaman niya, Josh. I-I want to have a share of her pain... even if I'm years late. Please..."
Kinalma ko ang sarili ko at pinigil ko ang luha. Kumalas ako sa yakap para makapagkuwento nang maayos si Josh. Pero hindi niya hinayaang makawala pati ang kamay ko. He held my hand tightly. May mga napapalingon sa gawi namin pero nawalan na ako ng hiya.
"Lawrence surrendered and confessed the crime three years ago. Base sa salaysay na ibinigay niya sa mga pulis, the crime happened at night in a hotel just a few blocks away from the building where Lawrence's condo was located. Lasing ang nobyo ni Lily nang magkita sila. Wasak daw ang suspek nang malamang may nangyari sa pagitan ng kaibigan at nobya niya. He knew she cheated. He was so drunk and mad to the extent that he choked her to death."
"Si Lily... nakita ko siyang nakabigti! I saw it..."
But then... I only saw the corpse. I wasn't able to see how she ended up like that. If she did hang herself... or...
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...