Merry Christmas, corals <3
~~~
"Good morning, Miss. I am on my way to the shoot location na po." I informed Miss Hannah through a phone call.
Maaga ang call time, 7 AM. Kaya 5 AM palang ay bumyahe na ako. Napagkasunduan namin ni Miss na magkita nalang sa location para maihanda ko ang gamit niya bago pa siya dumating.
"Sky... I'm sorry. I haven't informed you earlier... but I am not going to work today. I want to take a break." ani Miss.
Bahagyang napaawang ang labi konsa balita niya. Nabagabag ako sa biglaan niyang pagkansela pero mas nabagabag ako sa kalagayan niya.
May nangyari ba?
"O-Okay po. Uh, ayos ka lang, Miss?" nag-aalala kong tanong nang mahimigan ang lungkot sa boses niya.
Saglit na nanahimik si Miss kaya mas nagduda akong may nangyari nga.
"May.... pinagdadaanan lang. It's something personal..." she trailed off.
Napatango ako kahit na hindi niya naman ako kita. I get it that she does not want to go there. And I respect that.
"Okay po. I hope you feel better soon, Miss."
Hindi ko na pinatagal pa ang pakikipag-usap kay Miss dahil may pakiramdam akong kailangan niyang magpahinga.
Bumuntonghininga ako at inisip ang mga dapat gawin ngayong nakansela ang trabaho ko para sa araw na 'to. Dahil papunta narin naman ako sa shoot location, itinuloy ko nalang.
I met Miss Hannah's road manager there and helped him in rescheduling the vlogger's activities. Humingi rin kami ng tawad sa mga crew na naroon na sa location... and thankfully they were kind enough to understand the situation. Alam din naman kase nilang propesyunal si Miss at hindi basta-basta nagkakansela ng aktibidad... kaya para ikansela niya ang shoot sa araw na 'to.... it must be a serious problem she's facing. Isa pa, handa namang magbayad si Miss para sa mga taong naabala.
"Mamaya ka na umuwi, Sky. Kain muna tayo ng samgyup. Treat ni Hanning." si Sir Jeck, RM ni Miss Hannah.
Ngumiti ako at tumango. Sumama ako kay Sir sa isang samgyupsal restaurant. Nagtagal kami ng isa't kalahating oras doon.
Bago umuwi, nagdesisyon akong dumaan sa grocery store para bumili ng kaunting grocery. May pera naman ako dahil nagbigay na si Miss Hannah ng advance sweldo. 555 tuna, 555 spanish style sardines, pancit canton, Argentina beef loaf, at limang kilong bigas ang binili ko. Mag-isa lang naman ako kaya hindi kailangan ng sandamakmak na stock.
Ang kaunting pera ay kailangan kong tipirin para may mahugot pa sa susunod na araw, habang naghihintay ng susunod na sweldo. Magtatabi rin ako... para sa paghahanap ng pupwedeng kakilala ng aking mga magulang.
"Sasakay ka, neng?" tanong ng konduktor ng dyip nang makita akong papalapit.
"Opo.."
"Sakto! Larga na, bossing!"
Isa na lang pala ang kulang na pasahero kaya nang makasakay ako ay tumulak na agad ang dyip.
Pagkababa ko sa eskinita malapit sa tinutuluyan, kumunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng nakatayo sa harap ng apartment ko. She was wearing a scarf... so I couldn't see her face clearly.
"Sukli mo, neng!"
Kinuha ko ang sukli ko kaya saglit na nabaling sa iba ang aking atensyon.
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...