Kabanata 32

603 17 10
                                    

My tears just won't stop. Hindi ko namalayang ilang minuto ko na palang yakap-yakap si Scott. Jusko. Just admitting it in my head feels surreal! Si Scottie na nga itong nahahawakan ko! Si Scott Kelvin! I just can't believe... it's finally happening. Para akong lumutang sa alapaap.

"S-Sorry, Mama."

Scott loosened his hug on me to watch my face clearly. Para sa edad niya, matangkad na siya masyado. Kaya naman, madali niyang naabot ang pisngi ko para punasan. My heart was melting while feeling his warm hands brush my skin.

"Sorry po kung pinaiyak po kita..." nabasag na naman ang boses niya.

Umiling ako at umiyak lalo. He looked like a big boy suppressing tears - namumula ang mata at maging ang ilong. Pero ayaw niya yatang umiyak sa harap ko kaya nagpipigil.

"Masayang masaya lang ako, Scott..."

Ngumiti ako bago inabot ang pisngi niya. I caressed his face gently. Napapikit naman siya habang ginagawa ko iyon.

"Masaya rin po ako..." ibinaon niya na naman ang mukha sa dibdib ko.

"Tama na 'yan. Sobra niyo na akong iniinggit." si Joshua.

Sabay namin siyang nilingin ni Scottie. At bahagya akong natawa nang makitang nagpupunas na ng luha si Josh. My heart warmed at the thought of him crying while watching us.

"You cryin', Pa?" dinig ko ang tukso sa boses ni Scott.

Pabirong umirap si Josh.

"Maupo na lang muna kaya tayo? Let's order some foods now."

Iminuwestra ko kay Scott ang upuan para paupuin siya. Kaya lang, ginaya niya ang ginawa ko.

"You sit first, Ma."

Umawang ang labi ko at sinunod nalang din siya. Pagkaupo ko, naupo si Scott sa tabi ko, imbes na bumalik sa pwesto niya kanina sa tabi ni Joshua.

Ilang segundo lang, nilapitan na kami ng waiter para magtanong kung anong oorderin namin.

"What's yours, Sky?"

Nakadirekta ang mga mata ni Josh sa'kin. Malakas parin ang kabog ng dibdib ko, sa totoo lang. At hindi pa nahuhulas ang gulat ko. Pinipilit ko lang talagang umaktong okay kahit na ang totoo...

"Uh, I want Chicken Teriyaki, Raffaele Bolognese, Greek Saláta, and House Churros." sagot ko matapos pasadahan ang menu.

"How about you, Scott?"

"I want whatever Mama wants."

Naku. Mabuti nalang pala may salad sa order ko para may makain namang gulay si Scott kahit papaano. I was in the middle of thinking when I felt Scott's hand crawling to hold mine. Awang ang labi ko nang mapalingon sa kanya.

"Can I hold your hand po?" mahina niyang tanong.

Bahagya pa siyang namumula, halatang nahihiya. Kaya naman, para tulungan siyang maging komportable, ngumiti ako nang malapad at ako na mismo ang nagsiklop sa mga daliri namin.

"Ang ganda niyo po.."

Tunaw na tunaw na naman ako roon. Lalo pa at kita ko ang kinang sa mga mata ni Scott habang nakatitig sa'kin - sa mukha ko, like he's tracing every single detail in my face.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon