Kabanata 9

592 26 1
                                    

"Okay ka lang?" tanong ko kay Joshua.

Nakakunot ang kanyang noo at mukhang walang gana kumain. Kanina ko pa napapansing pahilot-hilot siya sa kanyang sentido habang nasa hapag kami, sabay na kumakain ng breakfast. Si Scottie ay nasa kuwarto, natutulog. Nagising kase 'yun kaninang alas tres ng madaling araw kaya napuyat.

"Ang sakit ng ulo ko," pag-amin niya.

Lalong sumingkit ang kanyang mata at parang ang tamlay niyang tingnan. May kaunting eyebags narin siya. Mukha siyang laruang walang baterya.

"Nakainom ka na ba ng gamot? Kumain ka muna, ikukuha kita-"

"Huwag na, Sky. Nakainom na ako kanina. Tatalab narin naman siguro to," he gave me a faint smile.

Bumuntonghininga ako at kinagatan ang grilled cheese sandwich na ako rin ang gumawa. I am not a fan of pa-tina-tinapay lang sa umaga... mas gusto ko iyong may kanin pero dahil pansin kong hindi heavy breakfast eater itong si Joshua ay medyo nasanay narin ako. Madalas kase ay kung ano ang kinakain niya ay iyon ang pinapakain niya sa'kin. Although pinapapili niya ako at tinatanong kung ano ang gusto kong kainin... ayoko lang na magdemand ng kahit na ano. 

At sya nga pala... maayos naman kami ni Joshua matapos ang kaunting eksena noong nakaraan. Hindi naman nagbago ang treatment niya sa'kin. Pareho nalang kaming umasta na parang hindi 'yun nangyari. Less complication iyong ganun kaya para sa'kin ay better option na magkunwari nalang.

"Anong oras ka na ba natulog?" 

Mukha siyang puyat. Pero wala namang kabawasan iyon sa itsura niya.

"Hindi ako nakatulog. Daming kailangan aralin, eh."

Umawang ang labi ko, kamuntikan tuloy mahulog ang tinapay mula sa aking bibig.

Kaya naman pala sumasakit ang ulo niya. Nag-aaral nang walang tulog! Makakasagot ba siya sa lagay na yan?

"Anong oras ba ang unang klase mo ngayon? Seven pa lang naman. Pwede ka pa sigurong umidlip? Para mabawasan ang sakit ng ulo mo. Para rin may lakas ka, Josh. Masama sa katawan ang walang tulog. Hindi ka rin makakasagot nang maayos niyan." dire-diretso at walang hiya-hiya kong sinabi.

His lips parted. Hindi ko alam kung guni-guni lang pero nakita ko atang nabuhayan ang mata niya sa sinabi ko.

"Ayos lang ako, Sky. Eight-thirty ang unang klase, eh. Mabibitin lang ako kung iidlip pa. Tsaka babyahe pa," he reasoned out.

"Ilang minuto ba mula rito ang paaralan niyo?"

"One hour."

Hala. Ang layo naman pala! 

"Kahit walang traffic?"

Umiling siya.

"Pag may traffic ay dalawang oras ang byahe."

Ang layo nga. Kaya naman pala ay matagal na siyang nakakauwi at ang aga niyang pumasok sa skwela. Isn't that... hassle for him? Panigurado namang afford niyang kumuha ng bahay na malapit sa paaralan nila... bakit siya nagtitiis... nevermind. 

"I have a condo that's fifteen minutes away from school, tho." aniya na para bang nabasa ang iniisip ko.

That made me confused. Kung may condo siya, bakit pa siya nagtitiis sa mahabang byahe? De bale na nga. Whatever Joshua's reason is, labas na ako roon.

"Mahirap ba sa law school?" kuryoso kong tanong.

Tinapos niya muna ang pagnguya bago sumimangot nang pabiro.

"Bakit? Mukha ba akong sobrang stressed, Sky?"

"Ha? Ah, hindi naman. Nagtataka lang ako... hindi ka na kase natutulog eh."

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon