"Sky, I'm sorry."
Guilty akong tiningnan ni Joshua matapos ihatid si Ma'am Graciella sa labas.
Tuyo na ang unang batch ng luha ko. Patulo ang iba pero pinigilan ko sila. Josh is already very apologetic, I don't want him to feel worse. Mas kaya kong tiisin ang sakit, kaysa makita si Joshua na nasasaktan para sa'kin. Kaya ko dahil sinanay na ako ng pagkakataon. Ako nalang muna.
"Kanina ka pa nagso-sorry eh okay lang naman sa'kin." ngumuso ako.
His eyes has gone more expressive. Umigting ang kanyang panga kasabay ng mahina niyang pag-iling. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ang lalim-lalim ng iniisip niya. Na nasa sa'kin nga ang mga mata niya pero ang utak niya'y naglalakbay sa kung saang planeta.
"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinahon niyang tanong.
Lumingon-lingon ako. Nasa sala naman kami at nag-uusap na nang kaming dalawa lang. Bakit... nagtatanong pa siya?
"Sa kuwarto ko sana, Sky." aniya nang mabasa ang iniisip ko.
Natigilan ako at dinamba na naman ng kaba.
Ano marahil ang pag-uusapan namin?
May pakiramdam akong seryoso ang magiging usapan kaya mas lalo akong kinabahan.
Will he fire me?
Siguro nga ay tatanggalin na niya ako. Siguro... narealize niya na tama ang kanyang ina.
Nakakaiyak pero may magagawa ba ako? Tsaka... maiintindihan ko naman. Tama ngang humanap na siya ng ipapalit sa akin... iyong may linsensya talaga para sa ganitong trabaho.
Dalawang buwan narin akong nanilbihan sa kanya. Apat na beses nang nakatanggap ng sweldo. Kung tutuosin ay sobra na iyon sa sapat... kaya kung tatanggalin niya nga ako ngayon, tatanggapin ko iyon nang walang sama ng loob.
Tinatagan ko ang loob ko at hindi ipinahalata kay Joshua na sa bawat hakbang papunta sa kuwarto niya, unti-unting nababasag ang puso ko sa pag-iisip na maaaring ito na ang huling araw ko rito kasama siya at si Scottie.
"Hindi alam ni Mama ang tungkol kay Scott, Sky. Kaya gaya ng sinabi ko, magkahalong gulat, galit at pagkadismaya ang naramdaman niya. She's not used to getting angry towards me so she displaced her anger and directed it to you instead. At uulitin ko, Sky... hindi ko nagustuhan at hindi ko itotolerate na tratuhin ka ng ganun ni Mama. It was all my fault. Hindi ko na dapat pinatagal pa ang pagsasabi ng katotohanan. Hindi ko rin naman alam na ngayong araw ang uwi niya mula Finland."
Halos matuod ako sa two-seater sofa ni Josh habang nakikinig sa kanya. He was in front of me... sitting on the edge of his bed... looking serious... worried and... pained?
Madalas ay hindi ko nababasa ang ekspresyon niya. Ngayon... para siyang plastic. Transparent. Para bang... pati kaluluwa ay ipinapakita niya na.
Am I just hallucinating?
I shrugged off my thoughts about Josh being vulnerable in front of me. Alam kong kung may mahina man sa aming dalawa, ako iyon. Sa aming dalawa, siya itong mas may kakayahang kontrolin ang sitwasyon at maging ang emosyon. Siya ang amo. Habang ako... ay isang hamak na naninilbihan lang.
"Ayos lang talaga, Joshua. Hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa'kin. Naiintindihan ko at ngayon pa lang, pinapatawad ko na ang Mama mo."
Hindi na ako nag-abalang ngumiti. Walang saysay dahil madedetect din naman ng kausap ko kung kailan peke ang ngiti ko at kung kailan hindi.
"No. I owe you an explanation, Sky. Ikaw ang-"
"Josh, please. Na-appreciate kita... pero kung tatanggalin mo na ako sa trabaho... diretsahin mo na." hindi ko na napigilan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...