Palihim kong pinunasan ang aking luha. Ano ba'ng inaarte mo dyan, Sky?
Naguilty ako kase alam kong hindi ako dapat umiyak, lalong hindi ako dapat magtampo. Pero anong magagawa ko? Hindi naman ako bato o ano para hindi makaramdam ng emosyon. Magagawa kong magpanggap sa iba pero hindi ko maloloko ang sarili ko.
Wake-up call narin siguro 'to. Kung ano ma'ng umaalpas na damdamin ang meron ako, ngayon pa lang, dapat pigilan ko na. Habang maaga pa.
Tuluyang umurong ang luha ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Saglit akong nag-isip kung ano ang gagawin. Nakahiga parin naman ako at nakapikit. Sa huli... nagkunwari akong tulog kahit na ang totoo, gising na gising pa ang diwa ko.
Imbes na tinig ay malalim na buntonghininga ni Josh ang narinig ko. Hindi ko alam kung alam niyang nagpapanggap lang akong tulog... dahil nakita at nakausap naman niya ako kani-kanina lang. Siguro, alam niya nga. Hindi nga lang siya nagsalita. Baka... walang pakialam.
Sabagay, why am I overthinking this? Hindi naman tungkol sa'kin ang lahat ng bagay.
"Scott....." he softly called.
Lihim akong napalunok. Hindi ko makontrol ang sariling reaksyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko...
"Aalis muna ako, ah? This will be quick, baby. Wag mo 'ko masyadong ma-miss, ha?"
Ako yata ang nahele sa boses ni Joshua. Pero teka... ano raw? Aalis siya? Saan naman kaya siya pupunta?
"Sa Cali ang punta namin..."
Cali. California ba ang ibig niyang sabihin? Mag-o-overseas siya? Bakit ang layo naman? Ano ang gagawin niya dun? At... sino kaya ang kasama niya?
"Naroon si Tita Hannah mo, Scott. Susundan namin siya.."
Kung nakalimutan ko lang talagang nagkukunwari akong tulog, malamang ay umawang na ang labi ko.
Humalo sa emosyong nararamdaman ko ang tuwa. Syempre, natutuwa akong tapos na ang paghahanap niya kay Miss. At sana talaga... ayos lang si Miss Hannah.
Posible kayang iyon ang dahilan kung bakit matagal siyang nakauwi? Malamang, Sky. Gusto kong umiling. Dapat talaga hindi ako umiyak. Bukod sa wala akong karapatan, hindi ko naman alam ang buong kwento.
Kinabukasan, pagod akong gumising. Ang bigat ng katawan ko. Mahapdi rin ang aking mata. Gayunpaman, maaga parin akong bumangon para silipin si Scottie at ipagluto ng almusal si Joshua.
"Good morning, baby..." I whispered while looking at Scottie. Mahimbing parin ang tulog niya.
Naghilamos na muna ako bago pumunta sa kusina. Laking gulat ko nang madatnan si Josh doon. Nakatalikod siya sa'kin. Suot niya ang light brown singlet at black shorts. Litaw ang matitipunong braso at maging ang pormadong binti. Nagluluto yata ng.... pancake.
Kumabog ang dibdib ko at naalala na naman ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung bakit gusto kong umatras at magtago. Napapraning na talaga ako.
Nang humarap siya ay napaigtad ako ng kaunti. Awkward akong ngumiti. Base sa reaksyon niya, alam ko agad na naweirduhan siya sa inasta ko.
"M-Magandang umaga."
Yumuko ako at hindi hinayaan ang sariling makipagtitigan sa lalaki.
"Anong nangyari, Sky?"
Gusto ko na talagang umatras dahil sa tanong niya. Halatang-halata ba ako? Ano ba kase itong nangyayari sa'kin?
"Ha? Ah. Wala naman,"
Wala naman talagang nangyari. Ako lang itong nag-iinarte kahit hindi dapat.
Sinubukan kong tumalikod, babalik nalang sana sa kuwarto ni Scott, nang lapitan ako ni Joshua. Natuod ako nang tumigil siya sa harap ko at hinawakan ang aking baba. He gently lifted my chin so our eyes could meet.
Nabasa ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Naniningkit iyon at namumungay. Hihimatayin yata ako sa lapit namin. Pati sa titig niya.
"Ang laki ng eyebags mo. Sorry, Sky."
Umawang ang labi ko.
"Bakit ka nag-so-sorry?" mahinahon kong tanong.
Bumuntonghininga siya at binitawan ako. Hindi siya lumayo. Ganoon parin ang distansya namin. Amoy na amoy ko parin siya.
"Pakiramdam ko napuyat ka sa kahihintay sa'kin. Pasensya na talaga, Sky. Nalaman na kase namin kung nasaan si Hannah at marami-rami kaming inasikaso kahapon hanggang gabi. Late ko narin nabasa ang texts mo. Sorry."
Uminit bigla ang gilid ng mata ko. Ano na namang drama 'yan, Sky?
Humugot ako nang malalim na hininga at kinalma ang sarili. The last thing I want to do now is to cry in front of him.
"A-Ano... ayos lang. Okay lang naman si Miss, no?"
Nauwi sa titig ang kanyang sulyap. Doon ko lang napansin na gaya ko, may eyebags parin siya. Medyo magulo na naman ang buhok. Namumutla pero guwapo parin talaga.
"Yup. Susundan nga namin sa California, eh. Iiwan ko muna kayo ni Scottie rito, Sky. Saglit lang..."
Kalmado na akong tumango.
"Pababantayan ko kayo, huwag kang mag-alala. Tsaka... pwede karing magpasama ng kaibigan mo rito para mas komportable ka habang wala ako."
"Okay.."
Siguro nga padadalawin ko si Lily. Namiss ko narin kase talaga ang babaeng 'yun.
"Kailan ang alis mo?"
"Mamayang alas diez ng gabi."
Parang ang bilis naman? Hindi ba't magpa-process pa ng papers? Hindi ako sigurado. Hindi pa naman kase ako nakakapag-out of the country. Hindi naman ako sinasama nina Isabela noon.
"Paano nga pala ang pag-aaral mo? Hindi ba't may pasok ka?"
"Nakapagpaalam naman ako nang maayos, Sky. Excuse ako for one week."
Nagsalubong ang aking kilay nang may maamoy. Nanlaki ang mata ko nang may marealize.
"Hala!"
"Ano? Bakit?" nataranta si Josh.
"Iyong pancake mo! Nasusunog!"
"Oh, shit."
Pinatay niya ang niluluto. Nangingitim na ngayon ang pancake. Para namang walang pakialam si Joshua. Patawa-tawa pa nga siya."
"Nakakawala ka kase ng focus, eh." pabiro niyang paninisi sa'kin.
"Huh?"
His stares lingered longer than it should. Pumungay lalo ang mata niya.
"Maganda masyado..."
Narinig ko iyon pero nagkunwari akong wala. Buti nalang umiyak si Scott kaya nakaalis ako sa kusina.
"Parang tanga, Sky." sabi ko sa sarili nang matagpuan ko itong nakangiti.
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...