"Good morning po. Bakit dumaan pa po kayo?" tanong ko kay Manong Vic.
Papunta siya ngayon sa airport. Nagpapasundo kase si Josh. Ngayon ang dating niya.
"Akala ko kase sasama kayo ni Scottie. Hindi pala?"
Saglit akong napaisip.
"Ano? Sasama kayo o hindi? Matutuwa siguro si Sir kung sasalubungin siya ni Scott." pangungumbinse pa ni Manong.
"Hindi pa nakabihis si Scott, eh. Tsaka ako rin... Baka naghihintay na si Sir Josh doon..."
"Aysus, Skyler. Kung yan lang ang iniisip mo, edi sige, huwag nalang kayong lumabas ng sasakyan."
"O sige po..."
Sumama nga kami kay Manong Vic sa pagsundo kay Joshua. Nagulat pa ako dahil ibang sasakyan na naman ang gamit niya. Nang maggrocery kami, SUV ang gamit niya. Ngayon naman ay van. Isang malaking itim na van. Ford ang tatak sa harapan.
"Kay Sir parin 'to, Manong?"
I haven't seen this in the garage. Or... baka hindi ko lang napansin. Pero masyado naman itong malaki para hindi mapansin.
"Sa Mommy ni Sir Joshua, Skyler. May nangyari kase sa makina ng SUV ni Sir kaya ito nalang muna ang ipinakuha niya sa'kin." sagot ni Manong.
Ah... kaya naman pala hindi ko ito nakita sa garahe. Sa Mommy pala ni Joshua.
Karga-karga ko si Scottie nang pumasok sa van. Pinagbuksan ako ni Manong Vic.
"Thank you po,"
"May tv dyan. May internet connection din ang buong van. Pwede mong patugtugan ng nursery rhymes si Scott para malibang siya sa byahe."
Nalaglag ang panga ko nang makitang lubos ang interior ng van. High ceiling ito, kahit siguro tumalon-talon ang six-footer na tao ay hindi siya mauumpog. Small yellow lights were all over the black ceiling and they were twinkling like fireflies at night. Ang ganda.
May blinds pang nakakabit, animo hindi pa sapat ang kaitiman ng salaming namamagitan sa labas at loob. Ang mga upuan ay gawa sa malambot at komportableng materyales. Ang lakas pa ng aircon at ang bango-bango.
"Manong paano po ba inio-on ang tv?" malakas kong tanong kay Manong na nasa driver's seat na.
"Kausapin mo lang si Alexa."
Ano raw?
Alexa?
Sino si Alexa? May ibang tao pa ba rito bukod sa'min?
Ang weirdo ni Manong. Hindi nalang ako nagtanong ulit at ako nalang mismo ang naglibang kay Scottie.
The baby is slowly growing now. Marunong nang tumawa at magrespond sa pangungulit. Nakakatuwa na nga, eh!
"Makikita mo na si Papa mo, baby?" kausap ko kay Scott.
I laid him on my lap with both of my hands in his head for support. Inilalayo-lapit ko ang mukha ko sa kanya para patawanin siya.
"Miss mo na si Papa, no?"
I felt so light when Scott chuckled.
"Asus... asus... makikita mo na si Papa mo ngayon, baby! Ayie... excited ka na ba? Hmm?"
I brushed the tip of my nose against the tip of his cute nose. Para na naman akong kiniliti nang humagikhik siya.
"Skyler,"
"Po?" nag-angat ako ng tingin kay Manong.
"Huwag mong tatawaging Papa ni Scottie si Sir kapag may maraming tao, ah." ani Manong gamit ang seryosong boses.
BINABASA MO ANG
Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)
RomanceBata pa lang si Sky, alam niya nang napunta siya sa maling mundo. Nakisalamuha sa mga maling tao. Lumaki kasama ang mga estranghero. Nang sa wakas ay mapagtuonan ng pansin ang tibok ng pusong nananawagan at nangungulila, pinili ni Sky na lisanin an...