Chapter 40: In the Making

10 1 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Lumipas ang mga buwan ang lahat ay unti-unting nagbago... ang noong mga tawanan ay napalitan ng mga papel at panulat.

Ang masasayang araw ay unti-unting nagiging madilim. Kung noo'y halos bawat minuto't oras-oras ay nakakausap ang isa't-isa ngayo'y mabibilang na lamang sa daliri ang oras.

Ang mga masasayang alaala na kay sarap balikan ay hindi malilimutan. Subalit ito'y iyong mapapatunayan na sa bawat paglipas ng oras at taon... unti-unti ka nitong inilalayo sa lahat ng bagay na nagpapasaya sa'yo noon.

Bilang na lamang sa mga araw, linggo o maging buwan kung magkausap-usap ang tatlo. Halos busy na kasi silang lahat dahil ang dalawa'y nagrereview para sa LET Board Exam. Samantalang si Vienna'y busy sa field study maging sa mga itine-take nitong mga back subjects.

Mas naging seryoso ito kumpara noon. Lamang pa rin naman ito ng opisina ng Rhetocian kasama ang mga bagong staffs na nag-apply. Nagkaroon na rin ito ng salamin sa mata dahil sa walang palyang pagbabasa ng mga librong koleksyon nito maging ang ilan sa mga libro nitong pang akademiko.

Maging ang paraan nito ng pag-iisip at maging ang pananalita'y nagkaroon ng pagbabago. Madalas itong makikitang mag-isa sa kanyang cubicle sa loob ng opisina. Kung hindi naman ay nakaharap ito sa kanyang laptop at nagsusulat ng kwento sa isang online platform.

Samantalang habang busy ang lahat ay nagkalat ang mga moradong (purple) sobre sa ibabaw ng kanyang mesa. Maging ang iba't ibang mga calligraphy pens, washi tapes, stamps, stickers, pictures maging ang mga espesyal na papel na siya mismo ang gumawa ng mga ito.

Ibinabad niya ito sa kapeng itinimpla sa tubig. Ilang linggo na niya itong ginagawa. Halos matapos nitong magreview para sa board exam ay gumagawa ito ng mga sulat na ibibigay niya sa mga taong naging parte ng kanyang pag-aaral ng kolehiyo.

Halos wala pa sa kalahati ang nasusulat niya. Kapag halos hindi ito makatulog ay mas pinipili nitong tumapos ng isa o dalawa. Gumawa pa ito ng listahan nang sa gayo'y wala itong makaligtaan.

Kung hindi naman ay nasa libro't mga babasahin ang pansin nito. Halos bibihira rin itong magbukas ng kanyang social media accounts maging lumabas manlang ng bahay.

Halos sa loob ng panahong nagrereview ito'y gumagawa rin ito ng mga bagay na nagpapasaya sa kanya o kung pinapasaya nga ba siyang talaga.

Hindi rin naman nito nakalimutang bumisita sa ospital kahit dalawang beses sa isang linggo. Para bang mas naging mailap ito at tila ba ingat na ingat sa maaaring may makakita sa kanyang kakilala.

Lumpisa pa ang mga buwan ay halos dalawa na lamang ang kulang sa listahan... ang dalawang taong pinapahalagahan niya ng lubos. Nakangiti itong muling binalikan ang mga litratong naitago niya mula noong mga nauna nilang pagkuha hanggang sa pinakabago.

Halos maluha ito sa nakita't maalala noong minsang magkaroon sila ng maikling bakasyon sa Tagaytay. Kita ang saya sa mga mata nila. Maging sa kanyang utak ay naririnig niya pa ang bawat oras na kasama niya ang mga ito.

Halos lahat ng laman ng kanyang memory card at maging ang mga litratong naipon sa kanyang cellphone ay nilipat niyang lahat sa flashdrive. Napagpasyahan nitong pumunta sa mall para ipadevelop lahat ng litratong laman noon.

Halos mapangiti siya noong makita ang mga itong lumalabas mula sa machine at ikina-cut ng isang staff na naroon. Halos inabot din ng isang oras bago natapos ang lahat ng litrato. Nag-ikut-ikot pa ito sa loob ng mall at bumili sa ilang stores na naibigan nitong bisitahin.

Inabot na siya ng hapon. Napagpasyahan pa nitong bumili ng paboritong burger bago nagdesisyong umuwi at ituloy ang pagrereview. Halos isang buwan na lang kasi't mag-eexam na siya.

Nang makauwi'y napagpasyahan muna nitong magpahinga sandali bago muling magbasa.

Sa kabilang dako nama'y nakatingin si Vienna na napakaliwanag ng sikat sa gabing 'yon. Tangan nito sa kanyang mga bisig ang asong si Blue. Nakaupo ito sa pahabang upuan habang hinahaplus-haplos nito ang balahibo ni Blue.

Nagpapahangin lamang ito sa may veranda bago matulog. Kakatapos lamang kasi nitong gumawa ng isang parte para sa field study nila at masagutan ang mga assignments.

Kung noon ay wala itong gaanong interest sa kinuhang kurso ngayon ay himalang isang araw ay nabuhay ang kung anong mayroon ito't naging pursigido ito sa pag-aaral.

Hindi naman sinasadyang napindot nito ang call button ng isang numero. Nang sagutin ito ng nasa kabilang linya'y sa hindi malamag dahilan ay hindi niya muna ito ibinaba.

Marahil namiss nito ang boses nito o siya mismo... at narinig nito ang gusto nitong sabihin sa taong hindi nito kahit na kailan ay makakalimutan.

"Kumusta na kaya 'yon? Siguro naman maaayos lang siya... namimiss ko na siya. Hindi ko na kasi siya nakakausap nitong mga nakaraan kaya naman nag-aalala ako para sa kanya. Subalit alam ko namang okay lang siya. Malapit na pala siyang magtake ng board exam... sana makapasa silang pareho ni Nee-chan. Doc... miss na kita." pahayag nito na nanatiling nakatingin sa kalangitan na napaliligiran ng mga bituin at ang napakaliwanag na buwan

Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya subalit sapat na ang pagtulo ng luha nito sa narinig. Sapat nang batayan ito para sabihing namimiss na rin niya ito subalit hindi na maaari... hindi na maaaring manatili o makita manlang ang presensya niya.

Namatay ang tawag at parang walang nangyaring bumalik sa ginagawa si Halo. Gumawa ito ng mga sulat... hindi na nito mabilang kung ilan dahil tanging ang natitira na lamang ay ang pangalan nila Vienna't Molly.

Pinakatitigan nitong muli ang mga litratong ipinadevelop nito. Kumuha siya ng tig-tatlong litrato ni Vienna't Molly at kumuha rin ito ng pinakanagustuhan niyang litrato nilang tatlo.

Inilagay niya ito sa isang frame at inilagay niya sa may study table. Ipinadaan niya ang mga daliri sa bawat litrato bago muling bumalik sa ginagawa nito.

Napagpasyahan niyang dalawang maliit na kahon ang ibigay nito sa kanilang dalawa. Mga personal na liham, mga art crafts at kung anu-ano pang mga bagay na gusto niyang ibigay.

Hindi nito namalayan ang oras at nang makita nitong alas dos na ng madaling araw ay napabuntong hininga na lamang ito't nagpasyang mag-inat-inat at magligpit ng kaunti. Halos kaunti na lang rin naman ang natitira para makumpleto ang lahat.

MOLLY'S POV

Nitong mga nakaraang mga buwan ay bibihira na kaming magkausap-usap. Matapos noong graduation ay nagpasya kaming magsleepover ulit sa bahay nila Bal. At naulit pa ito ng ilang beses bago kami maging busy lahat.

Halos bibihira na rin kaming makapachat sa isa't-isa dahil busy kami ni Bal sa pagrereview para sa board exam. Halos isang buwan na lang din kasi at mag-eexam na kami. Kinakabahan pa nga ako dahil hindi ko alam kung makakapasa ba ako o ano.

Namimiss ko na yung dalawa. Halos wala rin akong balita kay Vienna dahil busy ito sa acads. Ang huli kong balita sa kanya ay tumaas ang posisyon niya sa Rhetocian. Hindi ko nga lang alam kung anong posisyon na niya ngayon.

Patuloy pa rin akong nagrereview ng mga reviewers na bigay sa review center. Minsan ay bumibisita si Toffer dito sa bahay para samahan akong magreview. Puro pang-aasar lang naman ang ginagawa nito kaya naman ending halos hindi rin ako makapagreview.

Matapos naman akong asarin ay bigla akong susuhulan ng popcorn o kaya naman kakaladkarin ako papuntang McDonald's para kumain.

Oh diba paano ka nga naman magagalit kung iinisin ka tapos bigla kang bibigyan ng pagkain... adik din to minsan, e. pero madalas unggoy talaga 'to!

Miss ko na silang dalawa at umaasa akongg makita ko silang dalawa after this. Hindi ako kasing kulit at kasing vocal ni Vienna. At mas lalong hindi ako pamisteryoso effect katulad ni Bal pero totoong nakakamiss silang dalawa. Lalo na ang ingay ni Vienna kapag inaasar niya si Bal.

Ahh... take me back to good old days!!!


Okay ang sabaw. Di ko alam isususlat ko. Enjoy reading guys! 6 more chapters to go before the epilogue.

Love lots,

Moonlight_Zero

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon