Chapter 13: Recognition

8 1 0
                                    

LEON'S POV

Sinalubong ako ng aking sekretarya ng makapasok ako sa entrada ng eskwelahan. Sinabi nito na ngayon ang dating ng mga bisita para sa accreditation ng eskwelahan. Noong isang araw pa lang ay natapos na ang mga kailangang asikasuhin para sa pag-accreditate ng mga ito sa eskwelahan. At noong isang araw lang ay ipinatawag ko si Miss Cajigal. Dahil na rin sa mga usap-usapang nakarating sa'kin.

"Miss Alyssa pakitawag si Miss Cajigal may kailangan kaming pag-usapan para sa darating na mga panauhin." Saad ko sa'king sekretarya

Ilang minuto lang ay nasa harapan ko na ang Editorial-In-Chief ng Rhetocian. Nagsusumigaw ng labis na kapangyarihan ang awra ng batang 'to. Unang kita ko pa lang ay nakaramdam ako ng kaunting kaba. Aaminin ko, kakaiba siya kung makatingin at talaga namang napakagaling nitong mamahala sa mga bagay-bagay lalung-lalo na sa Rhetocian. Alam ko ang kwento ng Rhetocian noon.

Hindi naman ako papasok sa isang sitwasyon kung wala man lang akong alam patungkol roon. Bago pa man ang araw na tuluyan akong makatapak sa eskwelahan ay alam ko na ang lahat. Lahat-lahat miski ang mga sikretong tinatago nito. Babaguhin ko ang mga 'yon pati na tutulungan ko ang batang 'to na muling itayo ang bandera ng sinimulang lupon. Alam kong muli niya itong maibabandera.

"Miss Cajigal maupo ka." Sambit ko rito bago minuwestra ang upuang nasa harapan ng aking lamesa

"Good morning po Dr. Opulencia. Ano pong pag-uusapan natin?"  Malumanay na pahayag nito nang makaupo sa upuang nasa gawing kanan ng aking lamesa

"I just want to informed you that from two days the accreditors might come to our school and I want you and some of your  staffts cover all the process. I already made a letter for all. Ikaw na ang bahalang magdesisyon kung sino ang ilalagay mo sa mga 'yon." Pahayag ko rito bago iniabot ang folded paper na naglalaman ng liham at mismong pirma ko

Tinanggap niya ito't muling bumaling sa'kin.

"I will Sir. Sir regarding po pala sa last issue ng magazine... I just want to say sorry..." Pinigil ko ito sa susunod pa niyang mga sasabihin dahil alam ko namang hindi niya kasalanan ang nangyari roon

"Don't be. Alam kong hindi mo kasalanan 'yon. Alam kong ginawa mo ang lahatvng makakaya mo para matapos ito ng maayos. Sadyang may mga pagkakataon na may sisirain ka ng patalikod. Nothing to worry I have your back. Alam ko ang lahat Miss Cajigal. Alam ko ang pagod niyong lahat kaya nasa panig niyo ko. Ang kailangan niyo lang gawin ay tulungan akong maisaayos ang lahat." Pahayag ko rito bago ngumiti

"Makakaasa po kayong ang buong suporta ng Rhetocian ay nasa inyo. Kasangga niyo po kaming lahat. Makakaasa po kayong ang mga ibinibigay niyong gawain ay aming matutugunan." Sambit nito nang walang pag-aalinlangan at ngumiti ng ubod ng tamis

Hindi na ako magtataka kung ang mga staff ng Rhetocian ay sumunod sa kanyang yapak. Tila sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay ay susunod ang lahat. Ayon sa mga naririnig ko'y lagi raw itong kinatatakutan dahil sa masungit nga ito't may pagkamaldita pero ang maganda roon ay napapasunod niya ang lahat. Nag-iiwan siya ng marka sa bawat gawaing kanyang natapos. Malayo ang mararating niya nasisiguro ko 'yon.

Ilang minuto pa'y magalang itong nagpaalam at nagsabing may klase pa ito. Malugod ko namang nginitian ito't muli akong bumalik sa pagbabasa ng ilang dokumento at pagpirma.

HALO'S POV

I was in a hurry going to school dahil ngayon ang dating ng mga bisita! Nakakaloka, ang aga pa naman. Mabuti na lamang at wala akong klase ngayon pero ito ako ngayon nakasuot ng uniform at nakasimangot na namang naglalakad sa lobby dahil ilang minuto na lang ay darating na sila. Nadatnan ko pang nandoon sila Vienna, Molly pati na sila Jade at sila Jasty. Noong isang araw ko pa sinabi kung sinu-sino ang mga isasama ko para sa assigned task na ito.

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon