HALO'S POV
Noong gabing marinig ko ang saloobin ni Vienna ay parang gusto ko na lamang manatili. She's really mean to me, but I can't and it wouldn't never happen to stay me in this place. Where all the great memories are made and brings to much joy to me.
Noong tulog na siya'y dumilat na 'ko. Naupo ako't hinaplos ang ulunan nito. Pinunasan ko ang mga luha nito gamit ang kaliwang hinlalaki ko. Pinagmasdan ko ito habang natutulog ng nakahilig ang mukha sa kanang bahagi paharap sa'kin.
May iilang butil ng mga luha ang patuloy pa rin sa paglabas sa mga nakapikit nitong mga mata kaya naman kinausap ko 'to kahit na hindi naman ako nito maririnig.
"Shhh, Kiddo don't cry. Everything's gonna be okay. It will may be taking so long, but I know you can. Because you're my Kiddo..." saad ko pa habang patuloy lamang ako sa paghaplos sa ulunan nito bago ako ngumiti
I never imagined that one of these days may come. I never thought of meeting people that makes me stronger each day. That always keep on cheering me from where I am today.
Na kahit gaano pa karami ang mga taong pag-usapan ako't gawan ako ng mga kwentong wala namang katuturan at basehan ay patuloy pa ring naniniwala ang ilan... ang ilan na itinuturing kong higit pa sa pagiging kaibigan.
Na kahit gaano pa karaming tao ang saktan ako't iwan nandyan pa rin ang ilan para palayain ako sa isiping ipinagkait sa'kin ang kasiyahang dapat kong maranasan ng pangmatagalan. Na kahit gaano kasama ang ugali ko sa mata ng iba'y naniniwala ang ilan sa katotohanang mayroon akong natatanging pag-uugali kagaya ng isang normal na tao.
Natutunan kong maging lider at sundalo sa mismong sarili ko sa loob ng napakahabang panahon. Naging isang duwag na mas piniling ikulong ang sarili sa mga bagay na noo'y akala ko'y makakasakit lamang sa'kin. Subalit nagpapasalamat ako sa mga taong mas piniling manatili sa tabi ko sa kabila ng pagiging mailap ko.
I was like a prisoner of my past, but I'm not regretting each decisions that I've make in my life. It makes me stronger and bolder now. Also I'm so thankful to my old self for bringing the best in her!
I walked through the balcony here in my hospital room. Pinagmasdan ko ang buwan na talaga namang paulit-ulit ako nitong pinapangiti kahit na sa mga panahong hindi ko inaasahang mangyayari katulad na lamang ng mga pagsubok na ito.
Itinaas ko ang kanang kamay ko at dinamang akala mo'y naaabot ko sa kamay ko ang napakalaking buwan na ngayo'y nagbibigay ng liwanag na nakatanaw mula sa napakalawak na kalangitan... sa tabi ng mga libong bituin na hinihiling kong maging maayos na ang lahat.
Lalung-lalo na ang kalagayan ni Jupiter... I really missed my Doc Grumpy slash PMS Doctor of mine. I missed his playful smiles. Halos mag-iisang taon na rin pala siyang comatose. Halos mag-iisang buwan pa lang nagsisimula ang klase namin pero ganito na agad ang nangyari.
Masyado na kaming maraming napagdaanang lahat... subalit mas lalo lamang kami nitong pinapatatag. Matapos kong manatili ng ilang minuto sa labas ay napagpasyahan ko nang pumasok.
Ni hindi manlang gumalaw si Vienna mula sa pagkakayukod nito. Marahil ay pagud na pagod ito sa mga nagdaang araw kaya ni hindi manlang nito namalayang wala na 'ko sa hospital bed.
Nakangiting pinagmasdan ko ito hanggang sa pumasok si Mama Ling. Handa na sana itong sumigaw subalit inilagay ko ang hinlalato ko ko sa'king labi. Nang makuha naman nito ang nais kong iparating ay tahimik itong pumunta sa gawi ko't niyakap ako ng napakahigpit.
Sa higpit nito'y alam ko na ang nais iparating.
"I love you, Ma!" kapagkuwa'y saad ko na ikinagulat naman nito
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...