VIENNA'S POV
Sino naman kaya 'yong lalaking lumapit sa kanya? 'Yon ba yung si Raizer na sinasabi niya? Kaklase ko kasi siya sa isang subject dati at mukha namang hindi nagsasalita 'yon, e! Napakatipid noon magsalita. Ni hindi ko pa nakausap ng isang beses 'yon. Nung lumabas kami kahapon sa office natakot ako bigla kay Doc.
Alam ko namang nakakatakot talaga siya pero may mas ikakatakot pa pala ako sa kanya. Yung awra niya kahapon biglang nag-iba. Pati na yung facial expression niya mas tumapang. Parang in any moment bigla na lang siyang sasabog na parang isang bulkan. Nagtataka man at naguguluhan ay mas pinili ko na lang na magpatangay kay Molly at hintayin na lang si Doc sa labas ng school sa may benches na naroon.
Alam kong hindi ko pa sila masyadong kilala pero kahit papaano'y may alam naman akong ilang bagay patungkol sa kanila. At hanggang doon na lang ako sa imaginary line na itinalaga nila. Ayokong magsisi na ipinilit ko 'yong sarili ko sa isang bagay na maaari ko lang pagsisihan sa huli. Mahirap na. Baka isang araw magising na lang ako na pag-ginawa ko ang bagay na 'yon ay maaaring magkasalubong na lamang kaming tatlo sa lobby at daanan na lang ako bilang isang pangkaraniwang estudyante.
Ayokong dumating sa puntong dadaan-daanan na lang nila kong dalawa na parang isang hangin. Kaya kahit kating-kati na kong magtanong at malaman ang mga pahiwatig niya'y hindi ko ginagawa. Hanggang sa pagbyahe ko pauwi ay iniisip ko kung anong nangyari sa kanila dahil parang kanina'y napansin kong basa ang magkabila niyang pisngi. Napabuntong hininga na lang ako't piniling alisin ang isiping 'yon. Nakakainis naman bakit umulan pa?
Mababasa lang ako nito kapag hindi pa ito tumila. Napatitig na lang ako sa'king nadaraanan dahil masarap magsenti kapag naulan. Nakauwi na kaya silang dalawa? Kumusta na kaya si Doc? Sana naman okay na siya bukas.
Basang-basa ako pag-uwi ko sa bahay. Para 'kong sisiw na iniwan sa ulanan. Nag-palit agad ako ng damit pag-uwi. Kumain na rin ako ng hapunan matapos ay gumawa ng assignments bago natulog. Nagising ako kinabukasan na ang bigat ng pakiramdam ko.
Ang sakit rin ng ulo ko. Nang makita kong malapit na 'kong ma-late ay agad na rin naman akong kumilos kahit pakiramdam ko matutumba ako. Nilalamig rin ako kaya kumuha ako ng jacket sa damitan ko at sinuot ito. Matapos ay umalis na 'ko ng bahay matapos kong magbaon ng pandesal na pinalamanan ng cheese spread. Naalala kong may klase pala akong pang alas-siete subalit anong oras na at matatagalan pa 'ko sa pagbyahe.
Pinilit kong kumain kahit na pakiramdam ko'y hindi ito tatanggapin ng sikmura ko. Madaling-madali ako sa pagbaba ng tricycle at sa pagtakbo papasok sa entrance ng school. Tumakbo ako sa lobby dahil late na 'ko sa klase niya. Kahit na feeling ko matutumba 'ko dahil umiikot ang paningin ko'y nakarating naman ako. Humingi ako ng pasensya dahil na-late ako.
Natapos ang klase'y mas lalo lamang akong nilamig. Ilang klase pa ang aattendan 'ko para maglunch. Matapos ng pangalawang klase'y pumunta ako sa clinic upang humingi ng gamot. Masama na talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pumasok sa pang hapong klase dahil nilalamig na talaga 'ko.
Agad ko rin namang ininom ang gamot na hiningi ko sa clinic para kahit papa'no'y umayos ang pakiramdam ko. Matapos ko 'tong mainom ay dumiretso ako sa huling klase bago magtanghalian. Hindi ko na talaga kaya, kaya naman itinungo ko na ang ulo ko't pinikit ang mga mata ko. Ang huli kong natatandaan ay may kamay na sumalat sa leeg ko't sinabing pumunta na'ko ng clinic para magpahinga roon. Hindi ako sumang-ayon bagkus ay sinabi ko na lamang na pagkatapos na lamang ng klase ako magpapahinga.
Sumang-ayon naman si Doc Mac pero sabi na lang nito'y tumungo na lang ako habang naglelesson siya. Nagpasalamat naman ako at pumikit na. Nagising na lamang ako nang tapikin ako nito sa may balikat.
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...