Chapter 1: Escaping

87 6 27
                                    

HALO'S POV

My name is Halo Selene Cajigal, 21 years old and having this special heart condition that makes me so special at an early age. And by that I need to under go taking medications and some treatments to make my condition okay. I really hate the smell of hospitals. And I don't like to be in here again and again and again since I don't remember. And I'm so tired everytime I 'm here in the hospital.

Feeling ko nasasakal ako kahit na hindi naman problema ang paghinga ko. I was in my 2nd year in college. Taking up Bachelor of Science in Secondary Major in English. Gusto kong magturo sa mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit 'yan ang kinuha kong kurso gayong magaling naman ako sa pagluluto. Well, hindi 'yon ang topic dito.

As usual nandito na naman ako sa ospital. Lagi naman, e. Bakit ba kasi pinanganak akong espesyal ang puso? Choosy, e! Hay na'ko nakakaloka!

Makikita ko na naman yung ubod ng sungit na doktor na 'yon! Akala mo kung sino, e mukha namang pinaglihi sa sama ng loob dahil sa kasungitan. Tska mukha siyang pugita no! Ewan ko ba kung bakit 'yon pa ang naging doktor ko. Nagretired na kasi yung una kong doktor, si Doc Claude Zuares. Tatay ni Doc Jupiter na impakto.

Nananawa na'ko dito sa hospital room. Wala manlang pagbabago, e! Kulang nalang magpareserve na talaga ako dito ng private room. Puro puti ang pintura ang sakit sa mata! Para akong nasa mental nito, e!

Magrequest kaya ako? Hmm, tutal kilala naman namin yung may-ari nitong ospital, e pwede naman siguro 'yon? Tama tama sasabihin ko nga kay Mama itong naisip ko. Tutal, e lagi rin naman akong nandito sa ospital bakit hindi ko kaya pakulayan ng violet 'tong kwarto kong to? Malalaman ko ang sagot ni Mama kapag sinabi ko sa kanya.

Nakakatamad talaga dito. Wala akong magawa, e! Bakit ba kasi di ko pinadala yung laptop ko ng makapagsulat ako ng storya. Kainis, baka mahuli na naman ako ni Doc Sungit na nagamit ng gadget. Ayaw na ayaw pa naman nun sa matigas ang ulo.

Well, pakialam ko sa kanya? I have my own will to do whatever I want to. At isa pa bakit ba niya ako pinipigilan siya ba ang lalabo ang mata? Siya ba sasagot ng salamin ko? O ng contact lenses ko?

Napakaepal niya talaga kahit kailan! Napagpasyahan kong maglibut-libot muna sa ibang ward. Tutubuan ako ng ugat kapag nagtagal pa 'ko rito. Mabuti na nga lang na may pagkaabalahan ako habang titira na naman ako rito ng mahigit isang linggo. Kinuha ko yung IV stand ko at pumunta sa banyo.

Naghilamos muna ako at nagayos ng kaunti. Naglagay ako ng polbo at nagsuklay ng buhok. Naglagay din ako ng kaunting liptint para hindi naman ako magmukhang putla. Matapos nito'y lumabas na ako at pumunta sa bedside ng hospital bed ko. May mga iniwan kasing prutas doon sila Mama bago ako iwan kanina.

"Hmm, ano kayang pwede kong kainin?" Sambit ko habang tinitingnan isa-isa yung mga prutas. Mukhang lahat kasi ay masarap

Pinagpilian ko pa kung kukunin ko ba yung mansanas o yung ponkan na nakalagay dun. Well, sa huli lumabas ako ng hospital room na dala ang isang mansanas at dalawang ponkan. Sinuksok ko pa ito sa magkabilang bulsa ng damit ko. Ayoko kasi ng hospital gown. Makikita yung likod ko! Kaya ito lagi yung sinusuot ko dito.

Yung style panjamas. Mas komportable kasi akong gumalaw dito, e. Habang naglalakad ako nakahawak ako sa IV stand sa kaliwa at mansanas naman sa kanang kamay. Nasalubong ko pa si Lola Belinda na nakawheelchair. Isa si Lola Belinda sa mga pasyenteng pabalik-balik rin dito sa ospital dahil sa sakit nitong kidney failure.

Nagdadialysis na ito. At mas pinili na lamang dito manirahan sa ospital dahil ang mga anak naman nito'y puro malalaki na't may mga sarili nang pamilya. At minsanan na lamang mabisita ng dalawa nitong anak. Pero ang anak nitong bunso ang halos araw-araw na napunta rito. Nakikita ko pa nga ang dalawang masayang nag-uusap sa garden, e.

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon