Chapter 3: Stolen

26 2 16
                                    

THIRD PERSON'S POV

Payapa at tahimik ng naging magdamag nila Halo at Jupiter. Hindi na bago kay Halo na dalawin masamang panaginip. At hindi na rin bago sa kanya na laging si Jupiter ang laging nandyan para pakalmahin ito. Hindi na nagulat si Halo na kakantahan siya ni Jupiter. Alam nitong sa isang kantang 'yon ay talagang napapakalma siya.

Lagi namang ganoon mula noong nagkakilala sila. Dalawang taon ang agwat ng edad nila. Walong taong gulang si Halo at sampung taong gulang naman si Jupiter nang magkakilala sila. Kalilipat lamang noon ng bahay nila Jupiter. Magkatapatan lang ang kwarto nila kaya naman naging malapit ito sa isa't-isa.

Home schooling si Halo mula nang malaman ng mga magulang nito na may sakit ito sa puso. Bibihirang makalabas nang bahay si Halo dahil bawal itong mapagod. Kaya namang nang maanyayahang maghapunan ang pamilya Zuares ay agad naman itong pumayag. Doon unang nagkakilala ang dalawa. Mula noon ay naging magbest friend na ang dalawang 'to.

Subalit binago itong lahat ng isang pangyayari. Pangyayari na siyang naglayo sa loob ni Halo kay Jupiter. Alam ni Jupiter lahat nang pinagdadaanan ni Halo. Kaya naman ganoon na lamang ang pagaalaga niya rito kahit na lagi itong nakasinghal sa kanya. Hindi nito kailanman hinayaan ang bestfriend na mag-isa.

Lihim niya itong sinusundan. Noong naghigh school kasi ito'y pinayagan na ito nang mga magulang na mag-aral sa isang eskwelahan. Laking tuwa nito sa ibinalita nang mga magulang kaya naman nangako itong aalagaan ang sarili. Samantalang si Jupiter naman ay hiniling sa mga magulang na sa paaralan nila Halo mag-aral para matingnan niya ito. Mabuti na lamang at pumayag ang mga ito sa gusto niya.

Lihim niya itong sinusundan. Pero hindi nito pinapabayaan ang pag-aaral niya. Bata pa labg ay gusto na nitong maging doktor. Dahil  na rin sa tatay nito. At mas nanaig ito nang malaman niyang may sakit ang matalik nitong kaibigan.

MAMA LING'S POV

Kumusta na kaya si Halo? Nagaalala na ako doon baka hindi na naman kumain 'yon! O kaya naman kumain na naman 'yon nang bawal. Hays, makapagluto nga muna nang paborito noon at madalhan ito mamaya. Namimiss ko na agad siya.

"Sweety anong problema?" Saad ni Louie habang nakayakap sa'kin

"Nagaalala lang kasi ako kay Halo, e. Baka kung ano nang nangyari doon. Hindi niya ko tinawagan kagabi." Sambit ko rito habang nakaharap sa mga ingredients na nasa harap ko

"Ano ka ba naman, sweety. E, kahapon lang naman nating siya iniwan doon, a!" Sagot nito bago umalis sa pagkakayakap sa'kin at tinulungan akong maghimay nang mga sangkap

"E, kahit na ba no! Nagaalala pa rin ako sa kanya. Bisitahin kaya natin siya?" Suwestyon ko rito

"Tutal sabado naman ngayon, e bakit hindi. Tska namimiss ko na rin 'yong batang 'yon!" Sambit nito na siyang ikinatuwa ko

Masaya akong naghanda ng paborito niyang adobo. Dinamihan ko na dahil balak kong bigyan rin ang doktor nitong si Jupiter. Naalala ko na naman yung panahon na pumunta 'yong batang 'yon dito sa bahay upang humingi nang pabor. Parang kailan lang 'yon. Napangiti ako sa aking naalala.

Flashback

Tipikal na umaga noong araw na 'yon. Nasa salas ako nang may kumatok sa pinto. Napatingin naman ako sa wall clock na nakasabit sa 'di kalayuang pader. Nagtaka ako noong makita kong alas onse pa lang nang umaga. Lumapit ako roon at binuksan ko 'yon.

Agad akong napangiti nang makita kong si Jupiter ito. Agad ko itong inayang pumasok at pinaupo ko ito sa sofa ng sala.

"Anong gusto mo, hijo? Tubig, juice, tea, shake o kape?" Tanong ko rito habang walang pagsidlan nang tuwa ang kalooban ko

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon