Chapter 43: Searching Her

7 1 3
                                    

VIENNA'S POV

Tipikal na araw ngbiyernes. Busy ang lahat at tila nagbabadya ang malakas na ulan. Subalit heto kami't parang mga waterproof na susugod pa rin.

Nagdala na nga ako ng payong, kapote, tsinelas at maging extra na damit kung saka-sakaling tumuloy ito ay handa ako.

As usual maingay na lobby ang iyong madaraanan. Maraming estudyante ang nagpaparoo't parito... ang ilan ay nasa stainless chairs na nakahilera sa may lobby. May mga nagrereview, nagkukwentuhan, kumakain at nagbabasa ng libro.

Papunta ako sa opisina dahil may kailangan akong i-print nakapagpaalam na 'ko at dala ko na ang mga bond papers na gagamitin ko. Noong linggo'y pumunta ako kila Molly para mangamusta.

Mabuti na lamang at naroon ito dahil namiss ko rin itong kakwentuhan. Nag-food trip lang kami bago namin napagpasyahang umuwi na. Naging masaya naman ang maghapon medyo nakalimutang maraming ginagawa.

Nang makarating na ako sa opisina'y nag-hi lang ako sa mga taong nandoon at nagdiretso na sa printer. Nanghiram ako ng laptop at isinaksak ko roon ang flashdrive na may lamang file. Habang nakatalikod ako sa gawi sa may pintuan ay may pumasok.

Kaya naman lumingon ako roon dahil tumahimik sila. Ayun pala'y pumasok ang adviser namin para sabihin na cut ang klase dahil may importanteng pagmimeetinganang lahat kasama ang presidente.

Ang kanina'y tahimik noong pumasok ito'y napalitan ng hiyawan at sigawan na sinundan ng tawanan. Napangiti na lamang ako't inayos ang salamin ko't itinuloy ang pagpi-print.

Matapos ay nag-umpisa na rin akong mag-ayos ng gamit dahil ang lahat ay pinapauwi na ng mga guards maging nang mga professors. Ibinalik ko na ang laptop na hiniram ko't iniwan ko sa mesa ko ang naiprint kong dokumento na ipapasa ko sa isang sunject. Baka tumuloy ang ulan at mabasa lamang sa'kin.

Nang makalabas ako ng opisina'y mas lalo lamang sumilim ang paligid. Agad rin naman akong lumabas ng school at naghanap ng masasakyan. Mabuti na lamang at may dumaang jeep kaya hindi na ako nahirapan pang mag-intay.

Hindi naman ako nahirapang umuwi sa'min dahil marami pang jeep sa terminal. Nang makauwi ako'y bigla na lamang may sinabi si Mommy na ikinataka ko.

"Vie, may delivery na dumating kaninang mga alas onse ng umaga. Ako na ang nag-receive dahil sabi ko wala ka. Inilagay ko na sa kwarto mo yung package." saad pa nito habang nagluluto sa kusina

"Okay po thank you." sagot ko naman bago nagtuloy nang akyat sa taas

Nang maibaba ko na ang mga gamit ko'y nakita ko ang package na nakabalot ng bubble wrap. Kumuha ako ng cutter mula sa study table at nagsimulang buksan ang package.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko noong makita ko kung kanino ito galing. Pinanatili kong kalmado ang mga kamay ko kahit na nag-uumpisa na itong mamawis at manginig.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi umaabot sa dulo yung cutter. Bale inabot ako ng ilang minuto ago tuluyang mabuksan ang packaging tape noong kahon.

Tuluyan nang kumawala sa mga mata ko ang pinipigilan kong luha noong tumambad sa'kin ang lagayan ng camera. Kinuha ko ito't hindi ko inaasahan na sa pagbukas ko'y naroon ang camera niya mismo.

Sa pagkuha ko nito'y nalaglag ang kapirasong papel na nakatupi. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ito't binasa.

I still remember clearly how I met the shy cute potato... I'm gonna missed you, Kiddo...

Mahinang basa ko sa kapirasong papel na nakita ko. Kinuha ko ang camera't binuksan ito. Tiningnan ko ang gallery noong camera. Nakita ko ang nag-iisang video na naka-save rito. Sinelect ko ito't pinanood.

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon