VIENNA'S POV
Matapos kong tawagan si Tita Ling ay nilapitan na ako ng isang doktor at iginaya sa isa pang emergency room para gamutin ang mga sugat na mayroon ako. Litung-lito man ang isip ko't maging ang kaba ko'y hindi pa rin nawawala kaya naman hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Hindi ko na nga namalayang tinurukan ako ng pampakalma at kalaunan ay naramdaman ko ang labis na antok.
Para akong nasa loob ng isang napakasamang panaginip... paulit-ulit lamang at unti-unting nagiging makatotohanan ang lahat.
Hindi ko inaasahang sa pangalawang pagkakataon maaaksidente ako. Kakaumpisa lamang ng klase subalit ito na naman. Para na naman kaming bumabalik sa umpisa... bumabalik sa madilim na nakaraan.
Nakakapagod lumaban... nakakapagod masaktan subalit ang pagkatalo at ang pagsuko ay magkaiba... ang pagkatalo'y magkakaroon ka ng tyansang manalo subalit ang pagsuko'y nangangahulugan ng pagtapon sa isang bagay na noo'y labis mong ginugusto...
Ayokong umabot sa puntong ako na ang mismong susuko... mapapagod at mapapagod ako subalit hindi ito nangangahulugan na hindi ko kayang bumangon mula sa pagkatalo... lahat ng nagtagumpay ay ilang beses ding natalo't bumangon...
Nagising ako ng masilaw ako sa liwanag ng buwan... gabi na pala. Masyadong napahaba ang pagtulog ko.
Iginala ko ng bahagya ang aking mga mata sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko. Akmang babangon ako subalit pinigilan ako ng mga brasong minsan kong inaasam-asam na ako'y muling yakapin ng walang sabii-sabi.
"Anak, magpahinga ka muna..." saad nito matapos ay binuksan ang ilaw ng kwarto
Piping sinundan ko ito ng tingin kung anong sunod nitong gagawin. Kinuha nito ang isang cup noodles na nasa bedside table bago nagtungo sa maliit na kusina ng kwarto... nilagyan nito ng tubig ang cup noodles at bumalik sa tabi ko't inilagay ang pagkain sa tabi upang maluto.
"Alam kong nag-aalala ka sa kanya... masaya ako't nakikita kitang masaya. Alam kong marami kang pinagdaraanan na hindi mo sinasabi sa'kin dahil ayaw mong dumagdag sa problemang mayroon ang pamilya natin... pero hindi ka naman problema, anak. Anak kita kaya responsibilidad kong malaman ang nangyayari sa'yo... pero kung ayaw mong pag-usapan sa ngayon naiintindihan ko. Iintayin ko ang araw na kusa kang magsasabi sa'kin ng mga nangyayari sa'yo. Anak, hindi ako perpektong tao. Hindi ako nagkukulang sa'yo. Pasensya na kung minsan ay hindi kita maintindihan.ang gusto ko lang ay maging matatag ka't malakas. Dahil wala akong ibang maipamamana sa'yo kundi ang pagtapusin ka ng pag-aaral. Mahal na mahal kita anak lagi mo sanang tandaan 'yan." sambit nito bago hinawakan ang kaliwa kong kamay at hinagkan ako sa noo
Tuluyang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko't nayakap ko ito... gustung-gusto kong sabihin lahat mula sa umpisa pero hindi ko alam kung paano at kung makakaya ko bang sabihin sa ngayon. Ang bukod tangi ko lamang na nagawa'y yakapin ito't umiyak sa mga bisig nito.
Makalipas ang ilang minuto'y kumalma na ako. Pinakain na rin ako nito't pinainom ng painkiller. Gusto ko sanang puntahan si Doc kaso gabi na kaya naman ipinagpabukas ko na lamang ito dahil matapos kong uminom ng gamot ay muli akong nakaramdam ng antok.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising kaya naman napagpasyahan ko munang pumunta ng banyo para mag-ayos bago ko bisitahin si Doc. Paglabas ko ng banyo'y gising na si Mommy kaya naman naghanda na ito ng kakainin namin.
Matapos ay nagpahinga ako sandali bago napagpasyahang pumunta sa kwarto niya. Nagpaalam ako kay Mommy kaya naman kahit na iika-ika'y nagpunta ako sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...