Special Chapter 3: Odd Feeling?

14 1 18
                                    

HALO'S POV

Kakaiba ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Parang may mangyayaring hindi ko mawari. Na parang alam kong may mangyayari pero hindi ko matukoy kung ano . Mahigit magtatatlong buwan nang nasa ICU si Jupiter.

Lagi ko pa rin siyang binibisita. Dinadalhan ko ng paborito niyang pagkain na ako lang din naman ang kakain. Lagi ko itong pinaparinggan dahil umaasa ako na isang araw pagbukas ko ng pintuan ng kwarto niya sasalubungin niya 'ko ng ngiti at isang  yakap.

Alam kong mahirap umasa lalo na sa estado ngayon ni Jupiter. Hindi sigurado ng mga doktor kung kailan nga ba siya gigising o kung gigising pa ba siya talaga.

I missed him already... I missed his presence and sweet mouth. Malapit na ang birthday ko pero yung taong magiging kasama ko sana sa espesyal kong araw wala tulog.

Ngayon na nga lang ulit kami nagkaayos pero bakit ganito pa ang nangyari? Ito na ang pangalawang beses na nangyari 'to. Pinaglalaruan ba talaga ako ng kapalaran? Ang sakit naman nitong maglaro.

Kung kailan unti-unti ko nang tinatanggap sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama tska naman nangyari ang ganito.

"Halo to earth? Pakibalik si Halo please alam kong alien siya pero please pakibalik sa earth huwag niyo munang sunduin." Pag-agaw ng pansin ni Vienna habang ikinakaway-kaway ang kamay nito sa harapan ko

Napakunot na lang ang noo ko nang mahimasmasan ako sa malalim na pag-iisip.

"Alam kong alien ako, Kiddo pero huwag mo namang ipagkalandakan, okay?" Sambit ko naman dito

"Bal, alam kong normal maging lutang, huwag mo namang gawing oras-oras, okay?Segunda naman ni Bal na nakikitawa pa kay Vienna

"Hindi ako lutang! Kayo talaga!" Pagmamaldita ko naman sa mga ito

"Sus, hindi raw, eh kanina ka pa namin tinatanong kung anong kulay ng sunflower sagot mo 'oo'!" Dagdag naman ni Vienna

Napataas na lang ang noo ko't napanganga na lang ako sa sinambit niya. Kaya pala kanina pa sila tawa ng tawa pinagkakatuwaan na naman pala ako ng mga ito. Napanguso na lang ako habang sila'y tumatawa pa rin na parang wala ako sa harapan nila.

Sanay na naman ako sa kanila, e.

Napagkatuwaan na naman ako ng dalawang 'to. Napabuntong hininga na lang ako ng mapagtanto ang mga sinabi nila. Bakit nga naman kasi sinagot ko ng 'oo' ang tanong na anong kulay ng sunflower. Ganoon ba ako ka-pre occupied kaya naman hindi ko naproseso ng ayos ang tanong nila?

Muli akong nagpakawala ng buntong hininga kaya naman nagsalita na naman si Vienna.

"Doc, baka naman matanggalan ka na ng baga niyan sa kakabuntong hininga mo, ah. Kalma ka lang. Ano ba kasing problema?" tanong nito habang kinuha ng fries sa plato na nakalagay sa harapan namin

"I'm just thinking if when Jupiter awakes. Malapit na ang birthday ko pero tulog naman siya. Gusto ko sanang maranasang mag-celebrate ulit ng birthday kasama siya. Kaso naman pinaglalaruan kami ng tadhana." mapait kong pahayag sa mga ito

Napatingin naman ako sa kanila. Si Vienna ay nakatingin sa'kin na mababakas ang lungkot sa mga mata samantalang si Molly naman ay tutok na tutok sa kanyang cellphone at parang hindi mapakali. Parang balisa ito na hindi mo maintindihan.

"Bal, you okay? Bakit parang hindi ka ata mapakali?" tanong ko pa rito

"O-oo, okay lang ako hehe." sagot naman nito na nakapagpakunot ng noo ko

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon