SOMEONE'S POV
Kitang-kita ko kung paano naging matagumpay sa pag-abot ng tagumpay ang batang 'yon. Kahit na ubod ito ng maldita at sungit ay hindi mo naman maiaalis na napakabait rin nito. Na sa mga piling tao niya lamang ipinapakita. Tao lang din siya, nakararamdam ng sakit, ng pait, ng pighati at lalung-lalo na ng noong nagsisimula pa lamang ito. Mahiyain, napakatahimik at laging nasa isang tabi.
Walang kibo madalas subalit noong makilala nito si Molly na siyang myembro ng kasaluluyang SSC ng eskwelahan ay unti-unti naging isa itong magandang sunflower na tumubo nang napakaganda sa isang napakalaking kaparangan. Napakalaki nang naging pagbabago nito. Mula sa pagiging tahimik at mailag sa iba'y unti-unting lumabas ang natatago nitong kakulitan. Unti-unti ay lumalabas ang pagiging masayahin nito. Unti-unti natutunan nitong maging matapang.
At harapin ang lahat ng walang takot. At ipapakita sa lahat na kayang-kaya niya ang kayang gawin nang iba sa sarili niyang paraan. At nakakatuwang makita na ang noo'y batang tila ilag ay naging isang heneral ng sarili nitong lupon. Na siya niyang pinamumunuan ngayon. Magaling siya sa klase kahit na napakatahimik nito.
Hindi mo talaga aakalaing magagawa niya ang mga bagay na sa tingin ng iba'y hindi niya kaya. Mga bagay na sa hinagap nila'y hindi nila inaasahan. Kaya naman ganoon na lamang ang paghila ng mga ito sa kanya pababa sa sariling trono. Subalit nakikita ko sa kanyang hinding-hindi niya ito hahayaang mangyari. Dahil umpisa pa lang alam ko nang ang kasalukuyan nitong trono'y mananatiling kanyang trono.
THIRD PERSON'S POV
Mahigit limang buwan ang lumipas at wala pa ring pagbabago sa lagay ni Vienna. Hindi naman pumapalya si Halo sa pagbisita sa batang si Vienna. Lagi itong nagdadala ng bungkos nang mga pulang rosas na lagi nitong pinipitas sa hardin ni Mama Ling. Lagi rin itong nagdadala ng gitara upang kantahan si Vienna. Noong una'y hindi talaga siya marunong.
Natuto na lamang siya noong pinilit niya itong aralin. Malapit na ang sembreak pero si Halo ay ganoon pa rin. Nagaalala pa rin siya sa batang patatas na hindi niya ipagkakailang namimiss na niya. Namimiss na niya ang pangungulit nito. Pati ang buong staff ng Rhetocian ay binibisita rin ito paminsan-minsan.
Subalit si Halo ay walang araw na hindi dumadaan sa ospital para kumustahin ang batang patatas. Minsan nga'y ito pa mismo ang nagbabantay rito. Kadalasan kapag walang pasok kinabukasan ay napunta siya sa ospital para siya ang magbantay rito. Minsan pa nga'y sinasamahan pa siya ni Jupiter. At mas lalo lamang silang napalapit sa isa't-isa.
Mas naging clingy si Jupiter kay Halo. Lagi namang asiwa si Halo dahil kay Jupiter. Subalit hindi naman mapigilan ni Halo na hindi mahulog ang kanyang loob sa doktor na laging nariyan sa kanyang tabi. At lubos niya itong ikinakabahala. Dahil ilang taon na lang ay nararamdaman na niyang mangyayari ang sinabi sa kanila noong manghuhula noong bata pa siya.
Subalit ipinapaksi niya ito sa kanyang isipan at mas pinapahalahagahan ang mga nangyayari sa kasalukuyan. Sa loob ng limang buwan ay unti-unti niyang muling nakikilala ang sarili na malaya. 'Yong masaya lang. 'Yong walang iniindang kahit na anong pait. 'Yong masaya lang, walang masyadong drama sa buhay.
Mga ganoong bagay ang palagiang laman ng isip ni Halo sa tuwing kasama niya si Jupiter. Araw ng sabado, kasalukuyang nasa bahay si Halo nang makaramdam ito ng matinding pananakit ng dibdib. Napahawak ito ng mariin sa kanyang kaliwang dibdib at namimilipit sa sakit. Hindi niya alam kung anong uunahin niyang gawin. Hawak ang kanyang telepono'y nais nitong tawagan ang ina na kasalukuyang nasa may garden.
Subalit tanging kadiliman lamang ang nakikita niya. Akala mo'y bulag na nagsusumikap na hanapin ang liwanag. Dahil saulado nito ang kwarto'y lumabas ito kahit na labis-labis na sakit ang nararamdaman nito. Kinakapa-kapa nito ang kanyang harapan kung may mababangga ba ito o wala. Dahan-dahan at puno nang pag-iingat itong naglalakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/243074270-288-k550992.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomantikIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...