Chapter 45: Just the Two of Us

14 1 21
                                    

HALO'S POV

Sa nagdaang mga araw ipinadala ko lahat nang mga sulat na nagawa ko. Ipinadala ko itong lahat sa araw na umalis si Vienna. Napakarami noon kaya naman halos hapunin na rin ako sa pagpapadala.

Gusto ko kasing bago ako umalis maipadala ko nang lahat ang mga ginawa kong sulat. Halos isang liggo ko ring inasikaso ang pagpapadala nang mga 'yon. Samantalang ako lang mag-isa pa rin ang tao sa bahay dahil nasa business trip pa rin sila Dad.

Dumaan ako sa supermarket bago ako nagpasyang pumunta sa supermarket para bumili nang mga pagkain at ilang toiletries para sa pag-iistay ko roon.

Napangiti pa ako noong maalala kong noche buena pala mamayang gabi. Kaya naman balak kong magluto nang spaghetti na maraming hotdog. Paborito kasi ito ni Jupiter pati na ang coffee jelly at ang fruitcake.

Balak ko ring dalhin ang regalo ko sa kanya. Ayos lang sa'kin na wala siyang regalo ngayong taon dahil sa nangyari sa kanya. Sapat nang kasama ko siya sa pagsalubong sa pasko mamayang alas dose nang gabi.

Makikita mong napakarami pa ring namimili nang pang noche buena mamayang gabi. Mga late shoppers ba? Ang ilan ay mga pamilya, mga magkakabarkada, mga mag-asawa, maging ang ilang mga matatanda kasama ang kanilang apo.

Maging ang paligid ay punung-puno nang mga dekorasyong pampasko. At maging sa speaker ay mahinang tumutunog ang ba't ibang kantang pamasko.

Nasa estante ako nang mga chips nang makarinig ako nang tinig. Nang mabosesan ko ito'y lihim akong napangiti.

Habang patuloy pa rin akong namimili nang chips na ilalagay ko sa cart.

"Mommy, minsan lang ako mag-chips bilhan muna ako nitong V-cut. Ilalagay ko na sa cart, ah? Bale dalawang malaking V-cut yung nilagay ko." sambit naman nito boses pa lang kilala ko na

Hindi ako lumingon hanggang sa hindi ito nakakalampas sa kinatatayuan ko. Naging tahimik ito habang lumalampas sa gawi ko. Nang makalayo ito nang bahagya ay saka ako nagsalita.

"Kiddo..." saad ko naman

Nakita ko pang napahinto ito nang magsalita ako subalit nagpatuloy din sa pagtutulak nang cart matapos ang dalawang minuto.

Aaminin ko medyo nasaktan ako nang mabahagya subalit pinilit ko na lamang pigilan ang luha ko't ngumiti na lamang ako bago ilagay sa cart ang mga napili kong chips at nagpunta sa meat section para magpagiling nang baboy na ilalahok ko sa spaghetti.

Matapos kong makuha lahat nang kailangan ko'y nagpunta na rin ako sa counter para magbayad. Nang mabalot na lahat nang pinamili ko'y lumabas na ako. Napadaan ako sa may Jollibee at naisipan kong kumain.

Hindi ko namalayan na habang kumakain ako'y may dalawang bata sa labas na nakatingin sa gawi ko. Medyo nakaramdam ako nang awa sa nakita ko. Kaya naman bago ako tuluyang lumabas ay bumili muna ako nang isang bucket nang chicken joy, apat na large fries, apat na spaghetti, apat na palabok at maging mango peach pie.

Masaya kong nilapitan ang dalawang bata na nakita ko.

"Hi... magkapatid kayo?" tanong ko sa dalawa

Sabay naman itong sumagot at talagang napakagalang nila.

"Anong pangalan niyo?" nakangiting pahayag ko pa bago ko inayang umupo ang dalawa sa isang shed na nakita ko

"Ako po si Autumn at ito naman po ang kapatid kong si Whynter." bibong pahayag naman nito

Madungis ang suot nilang damit at medyo hindi rin gaanong kaganda ang amoy nila. Marahil dahil sa maghapon silang nasa ilalim nang arawan at naghahanap nang makakain sa mga dumaraan.

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon