Chapter 31: Hope

6 1 4
                                    

VIENNA'S POV

She talked alot, but then still I feel that she's not really okay... sabihin man niyang ayos na ayos lang siya pero iba ang dating nito sa'kin. Nakita ko na siyang umiyak dahil sa isang pangyayari subalit iba ngayon...

Ibang-iba sa mga panahong lumalaban siya ng lantaran... ngayon alam kong mas lumalaban siya... ng patago.

Yes, I know that she's not vocal and showy. Pero hindi rin nakakapagtaka na nalalampasan niya ang mga ito ng mag-isa... I used to fight alone and also won alone without anyone noticing it.

Pero sa paraan ng paglaban niya ito'y kakaiba... sobrang kakaiba.

Hindi man niya sabihin alam kong nahihirapan na siya. I use to call her and ask her if she's okay pero itinatago niya dahil alam kong ayaw niya kaming mag-alala...

Kahit na hindi na niya alam kung paano niya pa ito lalabanan itatago niya... mas pipiliin niyang siya ang masaktan huwag lang ang mga taong nasa paligid niya.

She thought me things... at isa sa mga bagay na 'yon ay huwag kong ipakita ang awa.

Like how hard a person suffered alot don't you ever give and don't let them see that you're pitying them...

Because at some point it was like a disgust to see in the eye of that person that you're pitying over a circumstance.

Matapos kong maitipa ang huling mga salita sa isinusulat kong kwento'y isinave ko na ito't pinatay ko na ang laptop na kasalukuyang naka-play ang kantang Someone to You by Banners.

I wanna be that somebody that used to create a special place in the heart of everyone without any reason at all... I used to stepped out in someone's life when they found their best friends... always be forgotten and hurt, but used to smile genuinely now as for myself.

Kinuha ko ang piggy bank ko't kinuha ang lahat ng laman niyon... napagpasyahan ko kasing dumalaw sa ospital. Alam ko kasing kasalukuyan pa rin under observation ang lagay ni Doc Sungit dahil nalaman ko mula kay Tita Ling na inatake ito ng seizure kahapon.

Magdadala na rin ako ng ilang pagkain at prutas dahil alam kong naroon din si Doc at muling binabantayan si Doc Sungit.

Nang makuha ko na ang ipon ko'y napagpasyahan ko nang maligo. Matapos nito'y napagpasyahan ko nang bumaba. Kumain muna ako ng pananghalian bago nagpaalam na aalis.

Mabuti na lamang at pinayagan ako kaya naman nakangiti akong lumabas ng bahay. Inabot din ng ilang minuto hanggang isang oras ang byahe pababa ng kabihasnan. Masyado kasing bundok ang bahay ko kaya naman bakgo makarating sa bayan ay aabutin ng minuto hanggang oras.

Mabuti na lamang at marami ring mga taong pababa ng bayan kaya naman mabilis na napuno ang jeep na sinasakyan ko. Habang nasa byahe'y hindi ko maiwasang isipin na hanggang kailan na lang ang natitirang oras?

Muli na naman kasing sumagi sa isip ko ang noo'y sinabi niya bago magbakasyon... in any moment she'll be gone for good... and no one was so sure when she'll come back or if she'll be comeback...

Ang sabi ko paghahandaan ko na ang pangyayaring ito pero hindi ko pa pala lubos maisip na baka bukas o sa makalawa magising na lang ako't hindi ko na siya makakausap o makikita pang muli... ito ang hirap sa'kin, eh. Once I've been keep attached to the person nor persons who makes me feel love and special it's really hard for me to moved on.

Isa 'to sa mga toxic traits ko... hangga't nandyan yung taong gusto kong makasama ipipilit at ipipilit ko yung sarili ko hanggang sa magsawa siya't iwan ako... na naman.

Pero anong magagawa ko? Life must go on. People come and go... kung magii-stay edi okay kung hindi edi okay din at least I have the chance to know yo better before you go and leave me behind.

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon