Chapter 10: Issue

11 1 27
                                    

SOMEONE'S POV

Hindi ko alam kung anong meron dito sa EIC ng Rhetocian at ganoon na lamang ang pagiging close nila ng Presidente ng eskeelahan! Maraming naghihinala na baka anak siya nito dahil kung ituring nito'y parang anak. Tila nakamasid ang mga matang nagtatago sa karimlan. Mga taingang pilit tinatakpan at mga matang pilit nanghuhusga ng wala man lang katuturan ay basehan. Ni hindi ako natatakot sa babaeng 'yon.

Anong laban niya? Estudyante lang siya at ako'y nakatataas sa kanya. Sisiguraduhin kong luluha ng dugo ang batang 'yon at hihingin ang tulong ko. Iisa-isahin ko kayo hanggang sa wala nang matira sa inyo. Hindi ko hahayaang paboran ka lagi ng Presidente. Nakakatawa lang pagmasdan ang pagiging ligmok niyo sa kangkungan kasama ng mga myembro ng iyong samahan!

Hindi ka dapat nariyan! Wala kang kayang gawin! Dahil umpisa pa lang hindi ka naman talaga napapansin! Hindi ka naman nag-eexist sa bukabolaryo ko! Sisiguruhin kong babagsak ka sa mga kamay ko. Hindi man ngayon pero sisiguruhin kong nalalapit na ang pangyayaring 'yon.

Buburahin ko ang samahang ipinasa sa'yo! Hindi ka nararapat mamuno dahil hindi mo kayang pamunuan ang nasasakupan mo. Isa ka lang namang ubod ng maldita at masungit na pangkaraniwang estudyante! Ni hamak na mas magaling sa'yo ang nais kong ipalit. Mas magaling at maimpluwensya!

Mas kilala at mas papaboran! Mabait sa lahat. Hindi tulad mo isa ka lang basura!

Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas habang humihigop ng kape. Narito kami sa paborito naming tambayan. Pampalipas oras bago bumalik sa eskwelahan. Nangiti ako sa naisip kong gawin. Ang kulang na lang ay ang makakasama kong pabagsakin ang lupon at ang heneral ng Rhetocian!

Wala namang patutunguhan kung siya't siya ang mamumuno nito! Hindi sila makakabangon mula sa kumunoy! Patuloy ko lang silang hihilahin pababa ng hindi na sila makabangon!

THIRD PERSON'S POV

Isang balita ang nakapagpagalit kay Halo pagkagisong niya. Nalaman niya sa isang source na ang bagong issue na volume ng magazine ay pinutakte ng samu't-saring komento. Araw ng Lunes nagising si Halo mula sa hindi malamang dahilan. May kung anong nagsasabi sa kanyang buksan niya ang kanyang facebook account. Nang mabuksan niya ito'y ganoon na lamang ang pagtangis ng kanyang mga ngipin nang makita ang sandamakmak na mga mensahe mula sa iba't-ibang tao mula sa kanyang eskwelahan.

Binuksan niya ang isa sa mga ito nang makita ang mensahe ng kanilang school paper dviser.

"Ms. Cajigal! What happened to the new issue of the magazine? Bakit ganoon ang kinalabasan n'on? Maayos pa 'yon noong isang araw bago ipa-print, a! I need you in my office after lunch. Explain this to me!" Laman nito ang mensaheng animo'y nagagalit

Napakunot na lamang ang noo ni Halo dahil kung makapagsalita ito'y akala mo naman napakaraming naitulong. Ni hindi nga ito napunta sa opisina. Noong nasa dati pa silang opisina'y basta-basta na lamang itong papasok na animo'y isang espiyang galingvsa kaaway! Isa pa 'yong dalawa niyang alagad na makapasok akala mo bahagi ng samahan! Ni hindi manlang kumakatok ang mga ito, nagalit ba siya?

Bagkus nilihim niya ang kanyang hinaing dahil kung ito'y kanyang isisiwalat paniniwalaan ba siya? O sila? Hindi naman diba? Ang tingin ng karamihan sa kanila'y tambay sa kangkungan na wala nang pag-asang makabangon! Ni mabibilang mo nga sa mga kamay ang iilang naniniwala sa kanilang muling pagbabalik.

Hindi na binuksan ni Halo ang iba pang mensahe dahil pihadong tataas lamang ang kanyang dugo sa mababasa. Alas singko na ng umaga at kanina pang alas dos gising si Halo. Bumaba na ito sa kusina upang kumain ng agahan. Naabutan nito ang inang naroon at nagluluto ng umagahan. Masama naman ang timplang umupo sa dining table si Halo na agad namang napansin ng ina.

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon