VIENNA'S POV
Maaga pa rin akong nagising kahit na naalimpungatan ako kaninang madaling araw. Bumaba ako sa kama't nagtungo sa banyo para maghilamos. Matapos ay bumaba ako sa kusina. Nakita ko roon si Manang Clara na nag-uumpisa nang magluto ng agahan.
Binati ko ito't itinanong ko kung anong maaari kong maitulong. Inutusan ako nitong balatan ang mga nakababad na hotdogs na nakalagay malapit sa may sink. Agad ko naman itong tinanggalan ng mga balat at nilagyan ng mga hiwa. Nang matapos ko na itong balatan ay dinala ko na ito kay Manang Clara.
Matapos nitong isangag ang kanin ay sinunod nitong niluto ang mga hotdogs. Habang maririnig ang mantika na nagmumula sa kawali ay bigla itong nagsalita.
"Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganoon. Maliit pa lang si Halo naninilbihan na ako sa kanila. Halos kasabay niyang lumaki ang anak kong si Miguel. Noon pa man ay mailap na ito. Lagi lamang itong nasa kanyang kwarto o kaya'y nasa veranda't nakatingin sa kanyang teleskopyo o kumukuha ng iba't-ibang litrato. Gaano na kayo katagal magkakakilala, Vienna." saad pa nito habang nakatuon pa rin ang tingin sa niluluto
"Bale dalawang taon na po. Nakilala ko po sila sa isang organization sa school." nakangiti ko naman sagot
Nang maluto ang mga hotdogs ay nilagay na niya ito sa isang pingga at inilapag sa kitchen counter kung saan ako nakaupo. Ngumiti ito bago muling nagsalita.
"Napakaswerte niya't nagkaroon siya ng kaibigang kagaya mo." saad pa nito bago hinaplos ang kanang pisngi ko
"Ako po ang swerte dahil nakilala ko po siya." sagot ko na nakapagpatigil dito sa paglalakad patungo sa harap ng kalan subalit pumihit ito't nginitian ako
Nang makarating ito sa harapan ng kalan ay iniluto naman nito ang bacon strips. Parang nagutom ako lalo, ah?
Inintay ko namang matapos magluto si Manang Clara bago ako tumulong sa pag-aayos ng dining table para sa umagahan. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga yabag pababa galing sa hagdan.
Agad akong napalingon dito't napangiti ako noong nakita ko sila Doc at Nee-chan. Kapwa ngumiti ang mga ito sa'kin bago lumapit sa gawi namin. Nang makalapit ang mga ito'y agad na rin silang naupo.
Halos magkakatabi kaming tatlo at kaharap namin si Manang Clara't Mang Pido. Nagdasal muna kami bago kumain. Matapos ay nagsipagkuha na ng kaniya-kaniyang pagkain at nag-umpisa itong kainin.
Gusto ko sana puro bacon lang ang ulam ko kaso nakakahiya kaya naman isang strip lang ang kinuha ko't kumuha rin ako ng hotdog at ng ketchup na nasa malapit.
Ito ang kaunahang beses na makakatikim ako ng bacon. Natikman ko na 'to before kaso maliit lang 'yon. Mahal kasi ang bacon at hindi ko pa siya afford sa ngayon.
Tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang naririnig sa hapag. Nang matapos si Manang Clara ay muli itong nagtungo sa kusina upang kumuha ng sinangag dahil naubos na ang naunang kinuha.
Naiwan naman kaming tatlo dahil si Mang Pido ay nagpaalam na maglilinis ng garden. Nahihiya akong kuhanin yung bacon. Marami pa naman yung bacons at nagustuhan ko siya sobra kaso nahihiya akong kumuha ulit kaya naman nagdadalawang nakatitig lamang ako roon.
HALO'S POV
Natapos na akong kumain kaya naman nagbabasa na ako ng broadsheet subalit napagawi ang tingin ko kay Vienna. Bahagyang napakunot ang noo ko dahil hindi pa ubos ang pagkain nito. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito.
Napangiti ako nang mapagtanto kong nakatingin pala ito sa plato na may nakalagay na bacons. Noong una'y hindi ko ito pinansin at itinuloy ko lamang ang pagbabasa ko. Subalit ilang beses itong nangyari mga tatlong beses kaya naman nagsalita na ako.
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...