Chapter 19: Watergun Fight

19 1 4
                                    

HALO'S POV

Araw ng mga bitter ngayon este puso pala. And few days before Vienna's birthday we came up with something. One of the things that I might do in my whole life. A surprise birthday celebration kahit na sabado at ilan lang sa'min ang may pasok. I know her schedule.

Most of the staffs of Rhetocian know my plan, especially Molly. I planned it days ago.  I set an urgent meeting only for her birthday. She had class to attend that day that's why she's not around that day and it's easy to move right away. Luckily most of them attended.

Flashback

It was thursday afternoon. Most of the staffs are vacant that's why I chose to meeting them for my plan.

"Guys listen I have something to announced." I said and catch their attention with my golf claps

"Vienna's special day is coming! I just want to surprise her in her day but, I cannot do this all by myself. Can you guys willing to help me at least?" Dagdag ko pa at isa-isa silang tiningnan

"Nagbi-birthday pala yun? Kala ko ampon lang 'yon?" Sambit naman ni Hanso na nasa isang tabi

"Hanso! Natural alangan namang bigla na lang lumabas yun mula sa lupa?" Sagot ko naman bago umirap ng pabiro

"Sana ol nagbi-birthday! Sana ol special! Sana ol sinusurprise!" Biglang saad naman ni Toneth na busy sa paglalaro ng Mobile Legends

"Toneth, nasurprise ka na naman diba?" Sambit ko pa rito

"Kailan naman? Wala akong matandaan." Sagot naman nito habang walang tigil sa pagpindot ang mga daliri nito

"Nung nalaman mong may iba na siya. Tska nung nalaman mong tres ka sa paborito mong subject." Nakangising saad ko rito kaya naman napabaling sa'kin ang atensyon nito

"Bal, naman! Huwag munang ipaglandakan na tres ako sa paborito kong subject. Nakakainis nga, e. Sayang effort sa pagsagot-sagot tapos tres lang pala ibibigay niya. Epal niya kamo!" Sambit naman nito na alam mong naiinis at pinaalala ko pa

"So guys, suggestions naman kung anong gagawin natin?" Tanong ko naman

"Foods, Bal!" Sigaw naman ni Molly na nakain na naman ng popcorn pero ibang flavor

"Hay naku, Bal. Puro ka talaga pagkain!" Sagot ko naman bago napaface palm na lang nang marinig ko ang pagtawa nito

"Okay, so ano ngang food? Ambagan ba tayo?" Tanong ko pa habang inililista ang mga isasuggest nila

"Sagot ko na ang ice cream. Ilan ba dalawang galon o tatlo?" Sambit naman ni Jasty na nakain ng fries sa may sulok

"Ang yaman naman po! Sene el mey ece cream!" Sambit naman ni Nheri

"Ako na sa balloons, letterings and banner." Sabi naman ni Yev na kasalukuyang nasa harapan ng laptop

"Oh, dahan-dahan sa pagpapahangin ng lobo, a! Baka pumutok. Sayang." Saad naman ni Jade

"Sana ol pinuputukan!" Gatong naman ni Nheri

"My gosh Nheri! Bibig mo talaga, a!" Napasapo na lang ako ng sentido ko nang magsalita si Nheri

"Joke lang Nay, sagot ko na yung fried chicken. Ano ba gusto niyo? Jollibee? McDonald's? Max's? Pizza Hut? Popeye's?" Saad pa nito habang nakatingin sa'kin

"Ay wow naman, ang yaman naman, nak!" Kapagkuwa'y sambit ko pa

"Jollibee tayo guys para may porneber ay este poreber. Ayoko sa Mcdo lahat naghihiwalay pag doon galing yung pagkain!" Bitter na saad naman ni Nheri

Love, Halo Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon