HALO'S POV
Matapos ang surprise visit ni Jupiter ay naging tampulan ako ng issue sa school. Lalo na 'yong mga palakang ingrata na wala nang ginawa kundi tumahol ng tumahol. Talaga namang pinagkakalandakan ang pagtahol, e! Mantakin mong kahit nakatalikod ako'y rinig na rinig ko ang usapan nila na akala mo nama'y may ambag sa buhay ko! Hindi naman makapagsalita kapag kaharap ako.
Akala mo'y maamong mga tupang ligaw at ako ang lobong nakaantabay rito. Talaga namang tataas ang altapresyon ko nito kung papansinin ko pa ang mga tumatahol na 'yon. Kaya naman kiber lang pakialam ko ba sa kanila, e hindi naman nila alam ang buong katotohanan. Palibhasa mga walang magawa sa buhay. Kamakailan lamang ay inilabas ang kaunahang magazine na nailimbag sa pamamahala ko.
Hindi ko nagustuhan ang naging resulta niyon! Talaga namang nakakapag-init ng ulo! Mabuti na lamang at nailabas ko ang hinanakit ko. Dahil sa batang 'yon ay medyo kumalma ako. Matapos ng pangyayaring 'yon ay mas napalapit sa'kin ang batang jornalismo!
Nakakatuwa lang at napakabibo nito. To the point na napakacurious nito sa mga bagay-bagay. Patungkol na sa'kin. Subalit nilimitahan ko ang aking sarili sa mga taong nasa aking paligid. May mga rason kung bakit hindi ko hahayaang matibag ang mataas at makapal na pader na siyang naging kakampi ko sa loob ng mahabang panahon.
Kasalukuyan akong bumili ng makakain sa ground floor ng school sa may gazeebo. May mga food stands kasi rito na plataporma ng bagong upong presidente ng eskwelahan. Napili kong bumili na lamang ng siomai at dadalhin ko na lamang ito sa office upang doon kainin. Paakyat na ako sa hagdan ng makasalubong ko si Raizer Morth! Kung sinuswerte ka nga naman, oo!
Napakabwusit ng araw na 'to sa totoo lang! At sa kaswertehan naman bakit itong tao pang 'ito ang sasalubong sa'kin?! Napakagaling! Ang galing ng mga patatas! Kabanas, e!
Nanatiling blangko ang itsura ng mukha ko kahit na gusto ko nang umiba ng daan pero ito lang ang tanging daan paakyat wala nang iba pa. Dahil ang kabilang hagdanan ay laan lamang para sa pagbaba. Kaya naman kahit na ngumiti ito ng pagkatamis ay ininogra ko ito. Nabadtrip ako bigla! Nakakawalang gana na tuloy kumain!
Pero sayang ang siomai at magagalit si Mama Ling sa'kin kapag nalaman niyang hindi ako kumain ng tanghalian. Kaya naman lihim akong napabuntong hininga at akmang magpapatuloy na sa paghakbang subalit pinigilan ako nitong lintek na lalaking 'to!
"Halo sandali." Pigil ni Raizer sakin sa pamamagitan ng paghawak sa kaliwa kong siko
Huminto ako subalit hindi ko ito nilingon dahil banas pa rin ako sa ginawa nito.
"Bitawan mo ko Mr. Tamolang, sabihin muna ang gusto mong sabihin dahil nagmamadali ako at distorbo ka!" Sambit ko rito tila napipilan naman ito't hindi nakapagsalita sa aking tinuran
"Kung wala ka nang sasabihin pwede bang alisin muna ang kamay mo sa siko ko't kailangan ko nang umalis!" Angil ko rito at talaga namang umandar na naman ang kamalditahan ko ngayon araw
Nasa unang baitang na ako ng magsalita ito. Sapat upang marinig ko at sandaling matigilan sa paghakbang.
"I miss you" saad nito na akala mo'y walang nangyari
Natigilan ako sa aking narinig subalit mas nanaig ang pagkainis ko sa ipinapakita niya. Kung makaasta siya parang walang nangyari! Ako naman 'tong si marupok mas nagiging marupok pa dahil sa kanya. Hindi ko na ito nilingon at nagtuluy-tuloy na lamang ang lakad ko papuntang office. Sa bawat paghakbang ko'y dama ang bigat na siyang nagpapalakas ng tunog nito kapag tumatama sa sahig.
Nagmamadali akong pumasok sa loob at naanutan ko silamg kumakain.
"Nay, kain po." Sambit ni Aldrin na maganang kumakain kasama ng iba pang staff
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...