MOLLY'S POV
Kauuwi ko lang galing sa pinag-appplyan kong school. Nakakapagod pero sulit naman kahit ilang school din ang pinagpasahan ko ng credentilas at sinabing tatawagan na lang ako kung kailan ang schedule ng interview ko.
Pinagsabay ko na nga lang ang umagahan at tanghalian dahil malayo ang bahay ko mula sa mga school na yun. Kaya naman pag-uwi ko'y sinabihan ako ni Mama na kumain bago matulog.
Hindi ko naman tatanggihan dahil kanina pa rin ako nagugutom. Hindi ako makabili miski biskwit dahil baka kulangin ako ng pera.
Hiniram ko na nga lang kay Mama yung pamasahe ko habang wala pa akong nakukuhang trabaho. Sabi ko na lang babayaran ko na lang kapag sumahod na ako.
Sabi niya wala naman raw kaso 'yon sa kanya pero sa'kin ang big deal noon. Hindi kasi ako sanay na humihingi sa kanya depende na lang kung kailangan talaga.
Habang tinatanggal ko ang sapatos ko't itinatali ang buhok ko'y napalingon ako sa telescope na nakapatong sa ibabaw ng study table ko.
Doon ko na kasi ito inilagay matapos ko itong buuin noong isang araw. Naalala kong hindi ko pa nga pala lahat nababasa't nabubuksan ang laman ng nasa kahon dahil naging busy rin ako nitong mga nakaraan.
Nagpalit muna ako ng komportableng damit bago lumabas ng kwarto't kumain. Inabot din ako ng ilang minuto bago natapos. Agad ko rin naman itong hinugasan at muling ibinalik sa tauban ng mga pinggan.
Binuksan ko ang fridge at naghanap ng pwedeng kainin bago bumalik sa kwarto. Napangiti ako noong makita ko ang isang chocolate bar nang Dairy milk. Kinuha ko ito't kinuha ko rin ang katabi nitong ice cream.
Inilabas ko ito't kumuha ako ng mug at kutsara para maglagay nang ice cream sa mug bago ko ito muling ibinalik sa loob ng freezer.
Tuwang-tuwa pa akong inilagay sa loob ng mug ang mga piraso ng Dairy Milk na pinaghiwa-hiwalay ko. Dinala ko ito sa kwarto't tumambay sa may bintana.
Binuksan ko ito't maliwanag pala ang sikat ng buwan ngayong gabi. Enjoy na enjoy ako sa pagkain ng ice cream noong maalala kong kailangan ko nga pa lang full moon ngayon.
At maya-maya lamang ay magkukulay kahel na buwan. Matapos kong maubos ang ice cream ay inilagay ko na ito sa ibabaw ng study table ko. At excited na kinuha ko ang telescope na bigay ni Bal at sinet up ito.
Habang hindi pa sumasapit ang eksaktong oras ay naisipan kong kuhaning muli ang kahon na nakalagay sa isa sa mga shelf na narito.
nang makuha ko ito'y naisipan kong sa kama ko na lamang ito ilapag. Nang makarating ako'y nag-indian seat ako't muling binuksan ang kahon. Inilabas ko ang mga kahon na maliliit na nabuksan ko na noong nakaraan.
Maliban sa Panda at sa locket na nakalagay dito. Suot ko kasi ang locket na bigay niya samantalang ang Panda teddy bear naman ay katabi ko sa pagtulog. Lagi kong gustong naririnig ang boses niya kahit bago man lang ako makatulog.
Pakiramdam ko kasi'y 'yon ang pinakamalambing niyang boses mula noong una ko itong nakilala. Binuksan ko ang isang square na box na naglalaman ng mga sulat kamay.
Bawat isa'y may mga nakapaloob na picture at piraso ng tulang marahil siya mismo ang gumawa. Hanggang sa gumawi ako sa pinakahuling sulat na pinaka kakaiba sa lahat.
Nakapaloob kasi ito sa kulay asul na sobreng siyang paborito kong kulay sa lahat. Nang buksan ko ito'y may nakapaloob ritong litrato.
Kinuha ko ito't pinakatitigan. Katulad noong mga nauna'y mayroon itong date sa likod at maikling sulat sa likod.
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...