HALO'S POV
Nagising ako na madilim na sa labas. Natanaw ko ito mula sa bintana ng aking kwarto. Inilibot ko ang aking paningin at kapagkuwa'y napagtanto na hindi ko pa pala nalalaman ng lagay ni Vienna. Nang akma ko nga pala itong aalamin kanina'y bigla na lamang akong sinedate ni Jupiter. Kaya naman agad kong kinuha ang salamin kong nasa bedside lamang at isinuot ito.
Nakasuot pa pala ako ng uniform. At natuyo na roon ang mga bakas ng dugo ni Vienna. Agad hinanap ng mga mata ko ang sunflower na bigay nito. Naroon ito sa ibabaw ng kabinet ko. Nakalagay sa vase.
Nilapitan ko 'yon at pinaglandas ang mga daliri ko roon. Muling bumalik sa alaala ko ang tagpo kani-kanila lang. Ang batang 'yon talaga! Kahit nasa alanganin na siya'y nagawa pa rin niya akong bigyan ng bulaklak. Parang gripo na nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko habang pinakatititigan ang sunflower na may bahid ng natuyong dugo.
Kinuha ko ito't maingat na inilapat sa dibdib ko at marahang niyakap ang bulaklak. Nasa ganoong posisyon ako ng madatnan ako ni Mama Ling. Wala akong planong mamansin ng kahit na sino dahil iisa lang ang laman ng utak ko. Ang batang patatas lang na si Vienna! Gustung-gusto ko na siyang makita!
Nakalapit si Mama Ling sa gawi ko at niyakap ako. Hinaplos nito ang likuran ko pati na ang ulunan ko. Sa apat na sulok ng kwartong ito'y maririnig mo ang isa sa mga emosyong matagal ko nang binaon sa limot! Dahil mula nang maging kaibigan ko silang dalawa ni Molly ay naglabasan ang mga emosyong natago na sa kailaliman ng aking pagkatao. At natatakot ako na baka isang araw lumabas muli ang isang halimaw na matagal ko nang ikinandado.
"Anak, tahan na...magiging mabuti rin ang lagay niya. Hindi siya papabayaan ng Diyos. Patuloy mo lang siyang ipagdasal sa kanya." Mahinahong pahayag ni Mama Ling habang nanatiling nakayakap pa rin sa'kin
"Ma, pa-paano k-kung mangyari 'yong n-nangyari noon? P-paano na 'ko? N-ngayon pa na h-hinayaan ko na siyang ma-makapasok sa buhay ko?" Utal na tanong ko rito
Umalis ito sa pagkakayakap sa'kin at iniharap ako nito. Gamit ang dalawang kamay nito'y iniangat nito ang mukha ko. Ngumiti muna ito bago nagsalita.
"Anak, hindi na ulit mangyayari 'yon. Iba ang panahon at buhay mo ngayon sa panahong nasa nakaraan mo. Alam kong mahirap anak kasi kita ko at ramdam ko na hanggang ngayon ay nagsisisi ka pa ring hindi mo sinabi sa kanya pero wala na tayong magagawa sa bagay na 'yon. Nangyari na, e. Hindi na natin maibabalik pa. Ang gawin mo na lang ay hayaang gumalaw ang tadhana sa mga mangyayari. Hayaan mong gawin niya kung anong tunay na nakaplano. Alam kong masakit pa rin anak, kahit ilang taon na ang nakaraan pero hindi mo kailangang pangunahan ang lahat. Maging kalmado ka at positobo, maliwanag ba? Walang magagawa ang pag-iyak mo at pagtanong mo kung ano ang mga iniisip mo na wala namang basehan. Magiging maayos ang lahat, Halo maniwala ka. Kung kaya niya mas kakayanin mo para sa kanya." Sambit ni Mama Ling na siyang nakapagpabalik sa'kin sa katinuan
Bahagyang nagulo ang pag-iisip ko dahil sa nangyari kanina. Marahan kong pinunasan ang mga luha ko't piniling kumalma. Nang makalma ko ang sarili ko'y muli kong inayos ang salamin kong bahagyang tumabingi at nagpaalam kay Mama Ling na bibisitahin ko si Vienna. Pinagpalit muna ako nito ng damit. Matapos ay nagtungo na ako sa kwarto nito.
Tatlong kwarto mula sa kwarto ko ang kwarto ni Vienna. Kumatok ako sa pintuan at binuksan ito ng isang nasa mid 30's na babae. Ngumiti ito sa'kin at pinapasok ako. Natanaw ko kaagad ang batang patatas na nakahiga sa hospital bed. Maputla ito at maraming benda sa katawan.
May neck brace ito. May arm sling sa kaliwang braso. May benda rin ang kanang binti nito. May gauze ang kaliwa nitong pisngi at may benda ang ulo nito. Naestatwa ako malapit sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...