JUPITER'S POV
As I was rushing through the hospital there was an incident along my way. At hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako ng sobra. Matapos kasi ang huli naming pagkikita'y naging busy na ulit ako sa ospital. Spbrang daming pasyente ang isinusugod. Halos minu-minuto'y may ginagamot ang emergency room at may inooperahan sa operating room.
Dahil naging traffic ang daanan ay tiningnan ko kung anong nangyari. Nang makababa ako ng sasakyan ay nilapitan ko ang mga biktima. Ang ilan sa kanila'y nagtamo lamang ng mga minor injuries samantalang ang pinakamalalang nakapagtamo ng pinsala ay ang batang nasa di kalayuan. Inasikaso ko ang mga ito at mabilis na ginamot at nilapatan ng lunas ang mga nasugatan. Matapos ay nilapitan ko ang batang nakahandusay.
Kinausap ko ito habang sinusuri ko ang katawan nito. Nang masuri ko'y nilapatan ko na rin ito ng lunas. Subalit habang nakalagay ang kamay ko na may hawak na malinis na tela sa kanyang tiyan ay umubo ito ng dugo. Dahan-dahan subalit may kabilisang itinagilid ko ito't tumawag sa emergency hotline ng Diode. Umiigsi ang oras kailangan na niyang madala agad sa ospital.
Hindi ko napansin ang isang paparating na sasakyan. Sa hindi malamang dahilan para akong naging manhid at walang marinig kundi isang tinig na parang galing sa isang isang radyong wala nang istasyon. Napatitig ako sa katawan ko dahil para akong isang laruang manika na bigla na lamang itinapon. Hinawakan ko ang nakatusok na piraso ng bakal na nakatarak sa may tiyan ko maging sa may kanang bahagi ng balikat ko.
Napaubo ako ng dugo at nag-umpisa na ring manlabo ang mga mata ko. Ang huli kong natatandaan ay ang tunog ng paparating na sirena ng ambulansya.
HALO'S POV
Nagising ako na tila ba may kakaiba. Labis na kaba ang aking nadarama. Natatakot ako kapag ganito ang nangyayari. Isa lang ang ibig sabihin nito. May mangyayaring hindi maganda katulad noong nangyari kay Vienna noong nakaraang taon.
Natatakot ako na baka isa na naman sa malalapit sa'kin ang malagay sa panganib. Tagaktak ang pawis akong bumangon ng higa sa kama. Kinuha ko ang tuwalya kong nakasabit malapit sa pintuan ng banyo at napagpasyahan munang maligo bago mag-agahan.
Nakababa ako sa may dining table matapos ang tatlumpung minuto. Lumilipad ang isip ko't miski pagkain ng maayos ay hindi ko nagawa ng tama. Kamuntikan ko nang madumihan ang suot kong uniporme kung hindi lamang maagap na nasalo ni Mama Ling ang pagkaing kamuntikan nang mahulog sa paldang suot ko.
"Are you okay, Selene? Seems you're too occupied? Is there's something wrong?" Nag-aalalang pahayag pa nito
"Ma, I think may mangyayaring masama." Sambit ko rito habang nakatitig sa pagkaing nasa plato ko
"Halo, we can't stopped whatever might happen. Lalo na at alam kong lahat ng mga nararamdama mo o nakikita mo, e nangyayari talaga. Pray ka lang 'nak. Huwag munang kaisipin 'yon." Paninigurado nito bago hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kutsara na nakapatong sa mesa
Nababahala man ay ngumiti ako ng bahagya. Nang matapos akong kumain ay nagpahatid na 'ko kay Dad sa school. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng school ay humahagibis na tumakbo papunta sa gawi ko si Jasty.
"Halo, kailangan na nating gumawa sa research. Hihingin na mamayang 1 pm ni Ma'am Catalina yung chapters 1-3. Ang hindi raw makapagpasa matik na 3 sa subject niya sa final grading." Hinihingal namang pahayag nito kaya naman napatakbo ako papasok ng wala sa oras
Mabuti na lamang at maaga pa para sa una kong subject kaya naman nakagawa pa kami ni Jasty. Nasa kalagitnaan naman ng paggawa namin nang pumasok si Lawrence.
"Mars, need na raw ni Dr. Gonzales yung script para sa play bukas. Asap daw. Iintayin niya raw until 3 pm." Pahayag pa nito habang nakatanaw sa ginagawa namin ni Jasty
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomanceIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...