MOLLY'S POV
This is the first New Year's eve that I may haven't received a greeting coming from her... it make me sadden but then I know she's doing fine whenever she was. Kahit nasaan man siya ngayon alam kong nagiging maayos lang siya.
Natanggap na pala ako sa inapplyan kong school noong isang buwan. Matapos kong mabasa ang sulat niya noong nakaraang taon ay nabalitaan ko na lang kila Jasty na nakatanggap sila nang mga sulat.
Tinanong nila ako kung anong nangyari kay Bal subalit wala akong maisagot. Sinabi ko na lamang na may aasikasuhin ito at hindi na nito sinabi ang buong detalye sa'kin o maging kay Vienna.
Si Vienna? She's doing good. Balita ko napipisil siyang maging susunod na Editor-In-Chief ng Rhetocian. Which is good for her... masasabi kong malaki ang ipinagbago niya.
She's getting more serious when Bal's gone and bid her goodbyes to us. Sumasali ito sa iba't-ibang kompetisyon mapa-acads man o maging sa school publication. Balita ko ri'y anchor na ito sa broadcasting ng Rhetocian. Rhetorics ang pangalan ng broadcasting team nila na nakikipagsabayan na rin sa malalaking university.
Nagtuturo ako sa high school partikular na sa grade 8 at grade 9 students. Masaya naman kahit medyo nakakapagod. Toffer never failed to surprise me!
Also he never failed to make me pissed... but still I love that monkey.
Isang buwan na lang pala't birthday na ni Vienna. We better get our surprises!
Walang araw na hindi ko naiisip si Bal. Kapag namimiss ko siya natingin lamang ako sa mga bituin sa langit maging sa buwan.
Mahirap dahil nasanay ako na nandyan siya palagi pero tulad nang isang sunflower hindi ito nagiging permanente... magiging isang matayog itong bulaklak na nakaharap sa araw subalit darating ito sa puntong muli itong babalik sa pagiging binhi't muling magiging buto.
Katulad nang mga alon sa dagat lahat nag-iiba nang yugto. Maaaring sa ngayon ay hindi kami kumpleto subalit sa paglipas nang mga araw, linggo, buwan maging nang mga taon ay mas lalo kaming patitibayin nang panahon.
Malungkot man ang daloy nang pangyayari masisiguro ko namang hindi ito magtatagal at mahahanap din namin ang mga nais naming mahanap mula sa mga sakit at pait na pinagdaanan namin mula sa nakaraan.
Magiging malungkot man ako subalit hindi nito maiaalis ang mga panahong kasama ko siya't nasa tabi ko. Tumatawa, ngumingiti, umiiyak o kumakain... namimiss ko siya oo, hindi ko itatanggi ang bagay na 'yon dahil 'yon ang totoo.
Subalit may tiwala ako sa kanya na sa hamong ito... sa pansamantalang paghihiwalay namin nang ganito. Masisiguro kong lahat kami'y lalago. Lahat kami'y magiging kami na mas pinalakas, pinatibay at pinalaya sa sakit at pait.
Ngayon bukod sa pagtuturo ay nag-aaral akong maging engineer. Susubukan kong abutin ang pangarap kong maging astronaut. Wala naman sigurong maging masama na subukan 'di ba?
Kasalukuyan akong nasa may garden namin. Full moon kasi ngayon kaya naman isinet up ko na ang telescope na gagamitin ko. At habang iniintay ko ang tamang oras ay kumain muna ako ng popcorn.
Nakaupo ako sa may swing. Ginawa ito ni Papa noong minsang umuwi siya. Isa kasi itong architect sa ibang bansa kaya naman minsanan lang itong makauwi rito sa bansa.
Nang sumapit ang tamang oras ay tumayo na ako sa swing at lumakad sa maliit na table na nasa may lilim ng puno ng mangga.
Sumilip ako sa telescope at napangiti ako noong nakita ko ang buwan. Napakalaki nito ngayong gabi. Matapos ko itong makuhanan nang litrato'y naupo ako sa isa sa mga upuang narito.
BINABASA MO ANG
Love, Halo Book 1 (Completed)
RomansaIt was all started in the hospital. I have a rare heart condition. I met him there, walking around the wards in his doctor's coat. Checking all the patients that been there. I thought my personality doesn't accepts other feelings. I'm a certified m...