1

43 20 0
                                    

"ija gising na baka malate kana niyan" Nagising ako dahil sa pagtapik sa balikat ko ni manang Inda.

"Five minutes nalang po" inaantok pa ako.

"Claire ija tumayo kana diyan" paguulit niya sabay hila sa kumot.

Wala nakong nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa banyo, kinuha kona ang toothbrush ko at binigyan ng toothpaste, pagkatapos sinimulan konang sipilyuin ang mga ngipin ko.

Antok na antok pako eh bat kasi masyadong maaga ang pasok, tapos sampong buwan ang klase pero ang bakasyon dalawa ang unfair!.

Naligo narin ako at, sinuot na ang uniform ko, long sleeve polo, dark, blue blazer, stripes blue and white neckti, dark blue skirt, sinuot konarin ang knee-length socks at ang black shoes ko.

Sinuklayan konarin ang buhok ko at hinayaan konalang itong nakalugay, naglagay lang ako ng lipgloss at konting pulbo pagkatapos bumaba nadin.

"Good morning dad" matamlay kong sabi ng madatnan ko sa dining si daddy na nagbabasa ng diyaryo at nagkakape, naka formal attire narin siya senyales na papasok siya ngayon sa trabaho.

"Good morning kumain kana" gaya ng sabi niya sumandok nako ng kanin at nag umpisang kumain.

"Ngayon pala ang first day of class mo" tumango ako habang ngumunguya.

"Sumabay kana sakin, tapos pasundo ka nalang mamaya sa driver" hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Kung iniisip niyo na hindi malapit ang loob ko kay daddy nagkakamali kayo, wala lang talaga ako sa mood ngayon para magsalita.

Tinapos kona ang kinakain ko at kinuha ang bag ko lumabas nadin ako at sumakay sa kotse.

"Bye dad" paalam ko bago bumaba ng sasakyan.


**

"Claire"Naglalakad nako sa hallway ng may tumawag sa pangalan ko.

Napangiti ako ng makita ko ang mga kaibigan ko.

Muntikan pakong matumba ng sinalubong ako ni vim ng mahigpit na yakap.

"bitaw vim ako naman!" Sabi naman ni elle habang nakayakap sakin si vim.

"it's my turn"

"aray naman!,parang ang tagal naman nating hindi nagkita" suway ko, kahit na gusto ko din naman.

Namiss kodin naman sila two months din kasi akong wala dito dahil nag bakasyon ako sa canada sinama ako ni daddy sa bussiness trip niya.

"Hoy ang tagal ng two months ah tas nag glow up kana agad unfair" naka ngusong saad ni elle.

"oh sorry maganda naman talaga ko since sperm" maarteng sabi ko.

"Nasan pasalubong namin?" Nakangiting sabi ni vim.

"Oo nga Claire wag mong sabihin nakalimutan mo nako!" Nagtatampong kunwaring sabi ni elle.

"Oo nga pala sorry, pero dadalhin ko nalang bukas" nakalimutan ko tuloy kanina bat kasi sobrang aga ng klase 8:00 am!

MemoriesWhere stories live. Discover now