20

5 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw, pero parang napapansin ko na laging wala sa sarili si denzel lagi din siyang unaalis at natataranta tuwing kaharap ako, pero lahat ng yon isinantabi ko nalang malaki naman ang tiwala ko sakanya.

"Claire?"

Napatigil ako sa pagiisip ng may tumawag sa pangalan ko.

"Kanina pa kita tinatawag" elle said.

"Oo nga may problema ba?" Tanong naman ni vim.

Umiling nalang ako at ngumiti sakanila.

"Wala hindi lang ako makapaniwala na graduate na tayo" nakangiting sabi ko.

"Gosh! I can't believe this i'm so happy, and masaya akong kayo ang naging kaibigan ko hanggang dito, at sa mga susunod pa na araw.. cringe but yeah" natatawang sabi ni vim.

"Yeah! Finally!" Sigaw naman ni shei.

"Congratulations to us!" Patuloy naman ni frey.

"Group hug!" Sigaw ko naman.

"So i know may celebration din sainyo" sabi ni frey

"Yeah,ayaw niyobang sumama?" Tanong ko, pagkatapos naming maghiwa hiwalay sa pagkakayakap.

"Ah wag na hinihintay din ako sa bahay" pagtanggi ni elle.

"Mauna nadin ako hinihintay nako sa parking nila mommy" nagpaalam na si shei, at umalis narin para puntahan ang pamilya niya.

"May celebration din, sa bahay ea una nadin ako ah" tumango nalang kami kay frey.

"Ingat" paalala ko,ngumiti naman siya saakin dahil don.

"mauna nadin ako ah" ngumiti ako kay vim at nagpaalam nadin bago kami naghiwalay.

Hinintay kopa sandali dito si denzel at kumaway ng matanaw kosiya.

"Love" salubong ko, niyakap naman niya ko.

"Yes, finally!" Sigaw niya.

"Congratulations to us love" i said.

"Yeah future ms. Zieller" he said before giving me a soft kissed.

"Oh tol?, Tara na" narinig kong may tumawag sakaniya kaya napatingin ako.

Kaibigan niya siguro.

"Love, mauna kana muna ah? ha bol ako" sabi niya bago niya ko halikan sa noo.

"Okay enjoy" ngiti ko bago.

Naglakad papuntang parking nauna na sa bahay sina daddy dun namin i celebrate ang graduation ko.


Natanaw kona ang sasakyan ko pero nagtaka ako ng makita si bell na nakatayo sa labas ng kotse ko, wala siyang suot na toga, hindi ko alam kung bakit pero namamaga ang mata niya malaki rin ang eyebags niya at anytime parang iiyak siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Claire"" umiiyak na sabi niya.

Kinabahan naman ako dahil don.

"Claire sorry" umiiyak na sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"B-bakit?" Tanong ko, sa mga oras nato, ang bilis ng pintig ng puso ko.

"B-buntis ako" umiiyak parin na sabay niya sabay hilamos sa muka niya.

"Bakit moto sinasabi sakin?..S-sinong ama?" Sa mga oras nato sana nanaginip lang ako ayokong isipin ang pumapasok na ideya sa isip ko pero hindi ko maiwasan.

"Si-si denzel, sorry, hindi ko sinasadya"

Parang tumigil ang oras at hindi ako makahinga sa sinabi niya.

Nawalan pako ng balanse pero hinawakan niyako, na agad ko namang inalis.

Hindi kona napigilan ang luha ko at sunod sunod na itong tumulo, wala namang makakakita saamin dahil nasa madikin na part ako pero wala nakong paki alam kung may makakita man oh wala.

"Kailan ba?" Umiiyak na tanong ko.

"Tatlong linggo" sagot niya.

"Hindi ko sinasadya..g-gusto kolang gumanti non sa pag aagaw mo kay ethan k-kaya koto nagawa claire at h-hindi ko naman alam na magbubunga pala yon." Umiiyak na sabi niya.

Nag flashback lahat sa isip ko lahat ng ginawa at sinabi niya non, so noon palang mag namamagitan na sakanilang dalawa?

"P-paano kailan pa?" I cried.

"T-tatlong linggo...pero yung relasyon namin mag lilimang buwan na."

Para akong binagsakan ng mundo ng marinig ang sinabi niya.

"M-mahal mo?"

Kasabay ng pagtango niya ang siyang pagkawasak ng puso ko.

"Nung una..nung una naghihiganti lang ako sayo para maramdaman morin kung paano ako iwan noon ni ethan, pero sa huli nahulog narin ako hanggang sa ayaw kona siyang pakawalan, Claire wag kang magalit sakanya kasalanan ko, tinakot ko siya noon na na kapag...kapag nakipag hiwalay siya sakin sasabihin ko sayo ang totoo."

"Claire sorry patawarin moko"

Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko siyang sinampal.

"Walang hiya ka!..pano moto nagawa sakin" nanginginig ang kamay na sabi ko.

"Hindi ko sinadya, wag kang magalit sakanya"

"Ano pang magagawa ng sorry mo ah? Ano!?"

Hindi siya kumibo at patuloy lang sa pag iyak habang nakayuko.

"Alam na niya?" Kinakabang tanong ko.

"Oo" parang unti unting nadurong ang puso ko sa katagang yon.

"A-anong sabi niya?"

"Noong una tinanggi niya pero sa huli naniwala din siya...papanagutan niya daw ako pero wag kodaw sabihin sayo pero hindi na kinakaya ng konsesnya ko Claire" mahabang sabi niya, hindi kona alam ang gagawin ko para akong mahihimatay ano mang oras.

"Tulungan moko...hindi ko kayang mag isa to please sabihin mo sakanya n-na p-pakasalan niyako ayokong lumaki ng walang ama ang anak ko, wala narin akong mukang maihaharap sa mga magulang ko"

Tuluyan nakong napaluhod ng marinig ang sinabi niya.

"Claire patawarin moko" umiiyak parin na sabi niya at kumuhod sa harapan ko.

Hindi ko siya pinansin at tumayo, binuksan ko pinto ng  sasakyan ko at doon nagsisi-sigaw ilang beses koding hinampas ang manebela ko sa sobrang inis, sakit, galit, hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

"Bakit!?...bakit sa dinami dami ng tao siya pa!?...bakit ganito bakit ginawa to sakin? Bakit nagawa nila to!?...ano bang kasalan ko at nangyayari sakin ang lahat ng to!? Ahhh!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa inis.

Inistart kona ang engine at mabilis na nag drive pauwi, kahit anong punas ko sa mata ko patuloy parin ang paglabo nito dahil sa patuloy na paghagos ng luha.

"Ahh nakakainis naman!" Naiiyak parin na sigaw ko, lalo lang nadadagdagan ang inis ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa paghagos, dahilan para mahirapan akong tignan ang daan.

Pero parang tumigil ang oras at paghinga ko ng hindi ko namalayan na may paparating palang sasakyan papunta sakin, sinubukan kong i preno ang sasakyan ko pero ayaw.

"Bullshit!" Huling katagang nasabi ko bago makita ang sarili kong naliligo sa sariling kong dugo.

**

MemoriesWhere stories live. Discover now